Part 12

12.8K 385 3
                                    

"DARLYN, hindi ka ba maghahapunan?" narinig niyang tanong ni Erica.

Bahagya niyang iniangat ang mukha mula sa pagkakasubsob niya sa unan at tiningnan ito. May kakaibang ngiti na naman sa mga labi nito. "Hindi ako gutom. At bakit ganyan ka makatingin?" walang buhay na tanong niya.

Naging hagikhik ang ngiti nito. "Dahil kanina nang makabalik kami ni Alex mula sa paglalakad namin sa dalampasigan, may nasaksihan kaming napakainteresanteng eksena," sabi nitong tiningnan pa siya ng makahulugan.

Naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng mukha niya sa ipinapahiwatig ng tingin nito. Muli niyang isinubsob ang mukha sa unan. "Kakalbuhin ko talaga ang lalaking iyon! Wala siyang ginawa sa buhay kung hindi ang inisin at ipahiya ako!" sabi niya. Lalo siyang naiinis dahil naalala niya pa rin hanggang ngayon ang pagnakaw nito ng halik sa kanya. Worst, she could still feel his lips on hers. And it's pissing her off because it makes her face hot.

"Naku Darlyn I know how you feel right now. That's how I exactly felt nang una kong halikan si Alex," pilyang sabi ni Erica.

"Iba yung sa inyo. You love each other," sabi niya. Samantalang ang ginawa ni Eman ay pang-iinis lang. Kaya mas lalo siyang naiinis.

Muli siyang napatingin kay Erica nang humagikhik na naman ito. "Ano ka ba hindi pa nga kami magkakilala ni Alex nang mangyari iyon. Let's say that kiss started all that we are now," sabi nitong nagniningning na naman ang mga mata.

"A basta. Hindi ko siya mapapatawad," sabi na lamang niya.

"Alam mo kasi Darlyn, lately ko lang nalaman ito , since ang sabi ni Alex ay may pagkamanhid daw ako, pero a kiss can do magic you know. Minsan dahil sa isang halik bigla kang magiging sensitive kahit hindi ka naman sensitive dati. Bigla mong mapapansin ang mga simpleng reaksiyon mo na madalas iniignora mo lang dati. At mas magiging aware ka sa taong nagbigay sa iyo ng halik na iyon kahit anong iwas ang gawin mo," nakangiting litanya nito.

Napatitig siya rito. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba sa sinabi nito. "You are scaring me Erica."

Tumawa ito. "Hindi ka sa akin natatakot no. Kung hindi sa katotohanang dapat ay matagal niyo nang inamin." Napakunot noo siya. Hindi niya makuha ang sinasabi nito. Marahas itong bumuntong hininga. "Hay naku, it's not really my thing to preach people you know. Wala akong kwentang kausap eh. Pero at least Eman decided to be aggressive. I need to congratulate Ace for this."

Tumayo na ito. "Dito ka lang ba talaga? Hinihintay na ako ni Alex eh. Sabay kaming kakain. Si Terre ay nakita kong nakikipagkuwentuhan sa mga staff ng Young and Free. Okay ka lang dito?" paniniyak nito.

"Oo. Sige na huwag mong masyadong paghintayin si Zander." Muli itong nagpaalam sa kanya bago lumabas ng kuwarto nila.

Napabuntong hininga siya. Ang totoo ay nagugutom na siya. Pero hindi niya pa kayang makita si Eman na hindi mag-iinit ang ulo niya. Pabagsak na humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. She suddenly had the urge to call mama Alicia. Pero ang awkward naman kung sasabihin niya rito ang ginawa ng anak nito sa kanya. Nakakahiya.

She suddenly missed her real parents. Sa mga ganoong pagkakataon niya nahihiling na sana ay buhay ang mga ito. Kahit kasi anak ang turing sa kanya ni mama Alicia, may mga bagay na nahihiya pa rin siyang sabihin dito. Muli siyang napabuntong hininga.

Maya-maya ay nakarinig siya ng sunod-sunod na katok. Marahil ay si Terre na iyon. Patamad siyang bumangon. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat siya ng makita si Eman na nakatayo roon. May hawak hawak itong tray na puno ng mga pagkain.

"A-anong kailangan mo?" manghang tanong niya.

He flashed her his killer smile. "Nagdedeliver ng hapunan para sa babaeng ayaw lumabas dahil may iniiwasan," pabirong sabi nito at pumasok na sa kuwarto nila kahit hindi pa niya ito pinapapasok. Manghang tiningnan niya ito habang binababa nito ang dala nitong tray sa lamesa. Ano na naman bang kalokohan ang pumasok sa isip nito? Tumingin ito sa kanya at muling ngumiti. "Isara mo na ang pinto darling," sabi nito, using that irritating name again.

Asar na isinara niya ang pinto at lumapit dito. "Ano na naman bang ginagawa mo Pelayo," nakapamaywang na tanong niya.

"Nagdala ng pagkain. Kain na tayo nagugutom na ako," balewalang sabi nito at umupo na nga. Nang hindi pa rin siya kumilos at nanatiling nakatingin dito ay hinawakan nito ang kamay niya at marahan siyang hinatak paupo sa katabi nitong silya. Ito pa ang naglagay ng pagkain sa pinggan niya. Puro sea foods ang dala nito. Alam niya na alam nito na paborito niyang pagkain iyon.

"You're acting weird. Kailan ka pa naging attentive?" kunot noong tanong niya.

"Matagal na akong attentive sa iyo hindi mo lang napapansin kasi ikaw kung saan-saan ka nakatingin," sabi naman nito at naglagay naman ng pagkain sa sarili nitong pinggan.

Umismid siya. "Ang sabihin mo attentive ka sa sangkaterbang babae mo," komento niya. Sumubo na rin siya ng pagkain dahil nagugutom na talaga siya.

Pumalatak ito. "Why can't you believe me even once Darlyn?" sabi naman nito.

Natigilan siya sa tanong nito. Bigla niya kasing naalala ang sinabi sa kanya ni Ace kanina, na dapat paniwalaan niya si Eman. Napatitig lang tuloy siya sa maganang pagkain nito. Nang mapatingin ito sa kanya ay bahagya pa siyang napaatras. "Kumain ka pa ng kumain," sabi nito.

"Bakit ba dito ka kumakain? Siguradong hinihintay ka na ng mga female celebrities sa baba," aniya himbis na sundin ito.

"Ikaw ang gusto kong kasabay hindi sila. Since ang sabi ni Erica ay wala kang balak lumabas, nag-take out na lang ako," balewalang sabi nito. "Kumain ka na Darlyn, favorite mo pa naman ang mga inorder ko sayang naman."

Hindi pa rin niya maialis ang tingin dito habang nakakunot noo. Then a realization hit her. "Ah, I get it. This is your way of making me fall for you right?" tanong niya.

Tumingin ito sa kanya at nilunok ang kinakain bago ngumisi. "Yes," walang gatol na sabi nito. At ang lintik na puso niya nagrigodon. Kahit anong saway niya ay ayaw huminto. Ibang klase talaga ito. Kaya nitong sabihin iyon sa kanya ng walang gatol at ni hindi kumukurap.

Inirapan niya ito at ibinuhos na lang ang atensyon sa pagkain. "Parang madadala naman ako ng pagdadala mo ng pagkain," bulong niya kahit ayaw pa rin umayos ng tibok ng puso niya. Sumubo na lang siya ng pagkain.

Tumawa ito. "Nagbabakasakali lang. Kain ka lang ng kain. Kapag nagpalipas ka ng gutom baka pumayat ka mahirap na," sabi nitong dinagdagan pa ang pagkain niya sa pinggan.

"Ano ba? Bakit ayaw mo akong pumayat? Dahil ba kapag pumayat ako mababawasan ka na ng pangasar sa akin?" inis na tanong niya.

Tumingin ito sa kanya. "Hindi. Dahil kapag pumayat ka baka magkagusto pa sa iyo si Ace. Mahilig pa naman sa sexy yun."

Napipilan siya sa sinabi nito. Bakit ba ito Ace ng Ace? Nang wala siyang maisip na sagot ay inirapan na lang niya ito at muling sumubo. "Para namang ikaw hindi mahilig sa matangkad at sexying babae," hindi niya napigilang sabihin.

"Hindi a. Actually I prefer petite and voluptuous woman," sabi nito na muling nagpabalik ng tingin niya rito. Kumindat pa ito sa kanya.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "You are just saying that because of our bet," sabi niya hindi lamang dito kung hindi para din sa sarili niya. Because for the life of her, it feels like her heart jumped to the ground. Now she knew why almost all women falls in love with Emmanuel Pelayo. He was a good charmer. Pero hindi siya magpapatalo sa charm nito. Hindi pwede.

"Bahala ka kung ano ang gustong mong isipin. Tutal, kahit naman sabihin ko sa iyong seryoso ako hindi ka rin naman maniniwala," sabi nito.

Hindi niya ito nilingon pero saglit siyangnatigilan sa sinabi nito. Did she hear pain on his tone? Ah imposible iyon.Hindi na lamang siya nagsalita at ipinagpatuloy ang pagkain

MY MISCHIEVOUS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon