Part 15

11.4K 365 5
                                    

NAGSISIMULA na ang seremonya nang makarating siya sa simbahan kung saan ginaganap ang kasal ni Tiffany at ng mapapangasawa nito na si Andrew. May ilang press na naroon ngunit mukhang napakiusapan naman kaya tahimik pa rin sa loob.

Upang hindi makaistorbo ay pumuwesto si Darlyn sa hilerang may kalayuan sa mga bisita at tahimik na pinanood ang kasal. Ilang minuto na rin siyang nakatayo roon nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Her heart leapt when she smelled Eman's familiar scent. Sa totoo lang ay hindi niya matandaan kung kailan niya unang naramamdaman ang ganoong reaksiyon para dito. Ang sigurado niya ay nararamdaman na niya iyon bago pa man siya nito mahalikan. Hindi niya lang napapansin noon. Bigla tuloy niyang naalala ang sinabi noon ni Erica na kahit anong iwas ang gawin niya ay magiging aware siya sa presensya ni Eman.

"Kanina pa kita hinihintay," bulong nito.

Napasinghap siya nang maramdaman ang hininga nito sa bandang tainga niya. Marahas niya itong nilingon. Na pinagsisihan naman niya agad dahil muntik ng magkaumpog ang mukha nila sa sobrang lapitn nito. Umatras siya. "A-ano ka ba?" pabulong na asik niya rito.

Ngumisi ito. Noon niya lang napansin ang ayos nito. Nakasimpleng puting polo lang ito na nakatupi sa siko at slacks. But as always, he looks dashing. "Why are you staring at me like that? Falling in love with me already?" pabirong sabi nito sa mahinang tinig.

Naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng mukha niya. "How can you even say that without even blinking?" asar na sagot niya.

Nagkibit balikat ito at ngumisi. Nang sinabi ng pari na magsitayo ang lahat ay sumunod sila. Pagkuwa'y bahagya na naman itong lumapit sa kanya. "Because you don't listen when I don't tell you directly," sabi nito.

Hindi na lamang niya ito pinansin at itinutok ang tingin sa altar. Pagkuwa'y napatingin siya sa unag hilera kung saan naroon ang mga magulang ni Andrew at Mandela. Sa side ni Tiffany ay naroon ang ina nito at ang pangalawang asawa nito base na rin sa kwento ni Coffee. Bigla niya tuloy naisip, na kapag siya ang kinasal wala siyang mga magulang na aattend ng kasal niya.

Natigilan siya nang maramdaman niyang ginagap ni Eman ang kamay niya. Napatingin siya rito. Nakatingin lang din ito sa kanya. "Bakit na naman?" tanong niya rito.

"Nawawala ka na naman kasi," sabi nito at hinigpitan pa ang hawak nito sa kamay niya.

"Ha?" litong tanong niya.

"Basta," sabi nito at ibinalik na ang tingin sa altar. Sinubukan niyang hatakin ang kamay niya pero ayaw nitong pakawalan. Inipit pa nito ang braso niya ng braso nito.

"Iniinis mo na naman ako Pelayo. Nasa simbahan pa naman tayo," asik niya rito.

"Mas mabuti ng mainis ka sa akin kaysa nagiging para ka na namang manekin na walang buhay diyan. Luha na lang ang kulang sa mukha mo kuhang kuha mo na ang itsura mo noong una kang dalhin ni mama sa bahay," hindi tumitinging sagot nito.

Hindi siya nakahuma sa sinabi nito. "What do you mean?"

Tumingin ito sa kanya. "Tomorrow is your parents' death anniversary right? You always look awfully sad everytime it draws near. Tapos magkukulong ka sa kuwarto mo sa mismong araw."

Manghang napatitig siya rito. "Hindi ko alam na aware ka pala sa bagay na iyan. Samantalang wala kang inaatupag pag gusto kong mapagisa kung hindi ang guluhin at inisin ako," komento niya.

Ngumiti ito. "Kaya nga kita ginugulo para hindi ka malungkot."

Sasagot pa sana siya nang magpalakpakan ang mga tao. Muling napabalik ang tingin niya sa altar. Tapos na pala ang kasal nang hindi niya namalayan. May matamis na ngiti na sa mga labi ni Tiffany. Tatawa tawa naman ang napangasawa nito. Hindi pa man nakakababa ang mga ito ay dinumog na ang mga ito ng mga bisita para bumati. Pagkuwa'y nagkuhaan na ang mga ito ng larawan.

"They look so happy," komento ni Eman.

"Oo nga," sangayon niya.

"Kailan kaya tayo magiging ganyan?" tanong nito na nakapabalik ng tingin niya rito. Nakangisi na ito. "Ano sa tingin mo Darlyn?"

Alam niyang inaasar lang siya nito pero bakit bigla yata siyang umasa sa sinabi nito? Ah hindi! He's just saying that because of the bet! Kinalas niya ang kamay nito at lumayo rito. "Tigilan mo nga ako Pelayo."

Pumalatak ito. "Ang sungit mo na naman darling."

Inirapan niya ito at lumayo na rito. Kailangan niyang makalayo rito. Dahil natatakot siya. Dahil may pakiramdam siya na anumang sandali ay maaari itong manalo sa hamong napag-usapan nila.

MY MISCHIEVOUS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon