Part 13

12.1K 360 8
                                    

MAAGA ang photoshoot kinabukasan. Nais kasi ng photographer ng Young and Free na maabutan ang sunrise para sa aestethic daw ng mga larawang kukunan niya. Kaya naman alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na sila ni Terre at maging ang mga crew at staff ng magazine. Iniwan pa nilang tulog si Erica sa kuwarto nila. Sa pagkakalam ni Darlyn ay umaga ang balik nito at ng mga alaga ng tita nito sa Maynila. Ang mga kukunan sa paglabas ng araw ay nasa restaurant na ng resort at kasalukuyang nagalamusal. Habang si Darlyn ay ni hindi pa nagkakape. Si Terre ay nakainom na ng isang baso.

Inaayos na niya ang mga gagamitin niya nang may isang styro cup na may umuusok na kape ang humarang sa vision niya. Awtomatiko siyang napatuwid ng tayo. Nakita niya si Eman na tulad ng dati ay hindi na naman niya namalayang nakalapit na pala sa kanya. Nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito. Naka-hooded sweater ito at shorts na hanggang tuhod.

"O magkape ka muna Miss Stylist baka ka sikmurain," sabi nitong bahagya pang inilapi sa kanya ang kape.

Tinanggap naman niya iyon. "Ang aga mo namang nagising," takang komento niya.

"Maaga naman talaga akong nagigising."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Huwag ka ngang magpatawa. Alas nuwebe na ang pinakamaaga mong gising no. Pilitan pa iyon."

Tumawa ito. "Kilalang kilala mo na talaga ako Darlyn."

"That's because I am always the one assigned to wake you up," sabi na lamang niya at humigop ng kape. Nakaramdam siya ng ginhawa ng maramdaman ang paghagod ng init ng kape sa sikmura niya. "Salamat sa kape pero bakit nga ang aga mo nagising?"

Ngumiti ito at niyuko ang mga gamit niya. "Tutulungan kita. Mamayang tanghali pa naman kami luluwas."

Napakunot noo siya. "Hindi mo na kailangang gawin iyan. Kayang kaya ko na iyan. Baka nakakalimutan mong ako ang stylist dito? Ikaw model ka kaya magmodel ka lang okay?"

Tumawa ito. "Huwag ka ng kumontra. Ayon kasi sa reliable source ko, may mga lalaki raw na maasign sa iyo. Hindi ko naman papayagang may mahawakan kang ibang katawan maliban sa akin kaya ako na ang gagawa ng tan nila," pilyong sabi nito.

Napairap siya ng wala sa oras ng maramdamang magwawala na naman yata ang puso niya. Inis na muli siyang humigop ng kape. "Ang kulit mo talaga Pelayo."

Nagkibit balikat lang ito at inabala ang sarili sa pagtingin sa gamit niya. "Wow, Darlyn ang sinop mo pa rin pala sa gamit," komento nito.

"Talaga," sagot na lang niya at nag-focus na lang sa paginom ng kape kaysa titigan ito. Naiinis siya dahil mula ng halikan siya nito ay parang mas naging aware siya sa itsura nito, sa mga sinasabi nito, sa mga kilos nito na sa mahabang panahon naman ay nakasanayan na niya at hindi na bago sa kanya?

"Kilalang kilala na talaga natin ang isa't isa Darlyn. So it's not really bad if we end up with each other."

Nagitla siya sa sinabi nito kaya bahagyang natapon ang kapeng hawak niya at tumapon sa kamay niya "Aray ko!"

"Hey, bakit ka nagpapaka-clumsy diyan. Ang init niyan," sabi nitong mabilis na kinuha ang styro cup ng kape niya. Inilapag nito iyon sa kung saan. Dumukot din ito ng panyo sa bulsa at pinunasan ang kamay niyang kumikirot pa rin sa pagkapaso.

"Ikaw kasi kung anu-anong pinagsasabi mo!" nakangiwing asik niya rito.

Tumigil ito sa ginagawa at nakangising tumingin sa kanya. "Anong sinabi ko? I just said that it's not bad if we end up with each other."

She felt her face grew hot. "Ang aga mo kong iniinis Pelayo."

Tumawa ito. "Sorry na."

"Eman? Wow it's good to see you here!" ani isang boses ng babae.

Nang mapatingin siya sa lumapit sa kanila ay nakita niya si Natalie. Nakangiti ito at deretso ang tingin kay Eman.

Bago pa may makahuma sa kanila ni Eman ay kumapit na ang babae sa leeg nito at siniil ito ng halik sa mga labi. Siya ay mukhang tanga lamang na nakatunganga sa mga ito. At maging ang mga staff na nasa paligid ay nakatingin na rin sa mga ito. Hinawakan ito ni Eman sa magkabilang braso at inilayo ito sa sarili. "What the hell are you doing?!" manghang sabi ni Eman. Nabigla siya sa galit na rumehistro sa mukha ni Eman.

"What? You didn't miss me?" tanong rito ni Natalie.

Tuluyan na itong inilayo ni Eman sa katawan nito. "What is really wrong with you woman? You're crazy!"

"No Eman ikaw ang may problema. After what happened to us ay ganyan mo na ako pakitunguhan? You're hurting me!"

Napatingin sa kanya si Eman pagkuwa'y hinatak nito palayo si Natalie. "Nothing happened okay? Why do you keep on insisiting it?!" narinig pa niyang asik nito sa babae habang hinahatak ito palayo.

"But I love you Eman why can't you understand that?" narinig niya pang sabi ni Natalie.

"Shut up!" singhal dito ni Eman bago tuluyang makalayo ang mga ito.

Nagkaroon ng bulungan. Siya ay napabuntong hininga. Napatingin siya sa kapeng bigay nito at wala sa loob na kinuha iyon. Nindi na iyon mainit pero sinaid na rin niya. Bigla yata siyang namanhid sa nakita niya. Nang mawala ang pamamanhid ay inis naman ang naramdaman niya.

Parang gusto niyang ubusin ang buhok ng babaeng iyon. O sakalin niya kaya ito hanggang sa mabali ang leeg nito? Parang mas maganda iyon. Bigla siyang natigilan sa itinatakbo ng isip niya. Kailan pa siya naging bayolente sa kapwa niya babae? Kahit noong pinagiinitan siya ng mga babaeng may gusto kay Eman ay hindi naman siya nag-isip ng ganoon. It was only now that she felt that way. Ano iyon? Napailing siya. Ah, hindi niya lang siguro talaga feel ang babaeng iyon.

Maya-maya lang ay nakita na niyang palapit si Eman. Mukha pa rin itong papatay ng tao sa pagkakasimangot nito. Nawala tuloy bigla ang inis niya. At least halatang hindi nito gusto ang ginawa ni Natalie. Bigla na ring nawala ang bulungan at nagkunwang abala ang mga staff. Siya naman ay muling chineck ang mga gamit niya.

"Ang kulit talaga ng babaeng iyon," sabi nito nang makalapit sa kaniya. Nagkibit balikat lamang siya. "Hindi ka na naman siguro naniniwala sa akin," sabi nito.

Tiningnan niya ito. Mukha na naman itong naghihinanakit. Napabuntong hininga siya. Why are you even born with that looks and charm? Inis na sabi niya sa isip. "I believe you okay."

"Really?" tila hindi naniniwalang tanong nito.

"Hay naku oo nga. May mga babae talagang may obsessive tendency na gaya niya. Kasalanan mo rin iyan mabait ka kasi sa lahat ng babaeng nakikilala mo akala tuloy nila may gusto ka sa kanila. But I cant believe Natalie is like that."

Frustrated na bumuntong hininga ito. "I can't believe it either. Besides, I didn't gave her false hopes okay. I just get close to her to –" he stopped in midsentence. Napatingin ito sa kanya.

"To?" nakataas ang kilay na tanong niya.

Muli itong bumuntong hininga at ngumiti. "To piss you off. Hindi naman umepekto."

Saglit siyang napatitig dito. May alinlangan sa mukha nito. Sa totoo lang ay umepekto naman ang ginawa nito kung iyon nga ang dahilan. Hindi na rin niya itatanong kung bakit gusto siya nitong inisin dahil may pakiramdam siyang hindi siya magiging komportable sa sagot nito. Nag-iwas na lang siya ng tingin. "Kailangan na nating magtrabaho," sabi na lamang niya.

"Yes Ma'am."

MY MISCHIEVOUS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon