CHAPTER 10

13.6K 344 35
                                    

Nagising kinabukasan si Marivic sa masuyong sumusuklay sa buhok niya. Hindi man siya dumilat, alam na alam niya kung sino ang may gawa niyon-ang mama niya. Noong bata siya ay iyon na ang gawain ng Mama niya para makatulog o din naman kaya ay gisingin siya.

"O Ma, hindi ka pumuntang carenderia?" kunot noong tanong niya.

Umiling ito. Mataman siya nitong pinagmasdan. Pagkuwa'y itinaas nito ang isang kamay at hinaplos ang eyebags niya. "Ang laki na nito ah."

"Puyat lang sa trabaho." Umiwas siya ng tingin.

"Sa trabaho o sa magdamag na pag-iyak?"

Tumalikod siya dito at piniling sa kabilang gilid ng kama bumaba.

"Alam kong may problema ka." pagsisimula nito. "Akala ko ba bestfriends tayo bukod sa mag-nanay? Bakit pinaglilihiman mo na ko ngayon?"

Matagal bago siya sumagot. Tinimbang-timbang muna niya ang lahat bago humarap dito. Parang batang tumulis ang nguso niya. "Kaw kasi Ma eh..." reklamo niya dito. Ang nakakainis pa, parang gripong nag-unahan sa pagdaloy ang luha niya nang bumuka ang bibig niya. Inis na pinahid niya ang mga iyon.

Naaawang tumayo naman ang Mama niya at nilapatin siya. Kaagad siya nitong niyakap. Nang maramdaman niya ang hagod nito sa likod niya ay parang bata ulit na nagkatunog ang iyak niya. Akala niya ay naubos niya na ang mga iyon sa dalawang araw na pagkulong niya. Pero mukhang may natitira pa dahil lang sa simpleng yakap ng nanay niya.

"Sorry anak....sorry..."

Alam niya, kahit hindi pa siya magsalita, may ideya na ito kung bakit siya nagkakaganun.

"K-Kasi naman Ma eh. K-Kung di niyo inumpisahan yung pakulo niyong paglalapit samin ni Lance, eh di sana hindi ako magkakaganito ngayon? Eh di sana hindi ko kakasabwatin si Lance makuha ko lang yung gusto ko? Wala naman to sa usapan namin eh. Ang usapan lang naman namin, paniwalain kang may something na kami para lang makuha ko yung studio at maging supplier mo pa din siya. Tapos, kapag okay na ang lahat, maghihiwalay na agad kami." Sumbong niya dito. Kumawala siya sa yakap nito at tila humihingi ng tulong na tiningnan ang ina. "Pero bakit ganun Ma? Biglang ayoko ng ibigay mo sakin yung studio para hindi na kami umabot sa hiwalayan. Ayoko na magbago kung anumang meron kami ngayon ni Lance. Diba parang ang tanga, Ma?" tukoy niya sa sarili. "Ni hingi nga ako sigurado kung totoo ba ang lahat ng pinapakita niya sakin eh. Pero ang tanga nito, Ma." Turo niya sa dibdib niya. "Paniwalang-paniwala! Ayaw paawat! Ito tuloy ang nangyari. Iyak ako ng iyak. Iwas ako ng iwas sa lahat. Nakakainis! Pabago-bago to!" turo niya sa sintido. "Tapos sumali-sali pa to!" turo niya ulit sa dibdib.

"Ssshhh..." pinigilan nito ang kamay niyang nakadiin sa puso niya. "Tama na yan, anak." Maging ito ay nahihirapan sa nangyayari sa kanya. Iginiya siya nito paupo sa gilid ng kama.

"Tapos ang damuhong Lance pa..." hindi siya umawat sa pagsusumbong. "Atat na atat makuha ang gusto niya para lang hindi na sagabal yung drama namin sa pakikipagbalikan niya sa ex-fiancee niya." inis na pinahid niya basang pisngi. "Sumaksak siya sa baga nung Arlene na yun! Isa pa siyang tanga." Nanggigigil na sabi niya. "Niloko na nga siya ng babae noon, mahal na mahal pa rin niya! Isang hingi lang ng tulong, natataranta na kaagad."

Nang tingnan niya ang ina at makita ang simpatya sa mukha nito ay nawala ang inis sa mukha niya. Para siyang baliw na bigla ulit gustong humingi ng tulong. Nagsumiksik siya sa dibdib ng ina at doon ulit nagpatuloy sa pag-iyak. "Kung bakit naman kasi naisip niyo pang paglapitin kami ni Lance Ma eh."

"I'm sorry, anak." Hinagod nito ang likod niya. "Ang gusto ko lang naman ay makita kang masaya. Oo't natatakot akong matulad ka sa ibang tiyahin mo. But more than that, gusto kong makasigurong kapag sumunod ako sa Papa mo, may mag-aalalaga sayo. Kaya pinili ko si Lance. Noon pa man ay gusto ko na siya para sayo. Kaya gumawa ako ng plano para paglapitin kayo. Nakikita ko kasing sa kabila ng asaran niyo sa isa't isa magiging mabuti kayo para sa isa't isa. You'd be a perfect couple."

The Unscripted Love (UNEDITED & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon