"Oh, ayan na palang pamangkin mo eh. Pagsabihan mo nga yan. Baka sakaling makinig sa 'yo."
Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ng kusina ay rinig niya na ang boses ng mama niya. Kagagaling niya lang sa pre-nuptial photoshoot ng kaibigan niya kung saan ay siya ang photographer. Naghahanap ng murang photographer ang kaibigan niya kaya naman siya ang kinuha ng mga ito. In fairness to her naman, kahit pa sabihing anim na buwan pa lang simula nang bilhin niya ang DSLR camera at nakailang session pa lang siya sa photo class niya, maganda naman ang mga kuha niya. Parang hindi daw kuha ng isang amateur sabi ng mga kakilala niya na nakakakita ng mga gawa niya.
She intended to take her photography seriously. Sa katunayan ay may nakabook na siyang tatlong photoshoot sa susunod na linggo. Hindi ganun kalaki ang bayad pero nag-eenjoy siya sa tuwing nakakaisip siya ng bagong concept at excited na siyang ipalabas iyon sa mga pictures niya. Malaki-laki din ang nabawas sa ipon niya sa pagbili ng camera at mga accessories nito. Maging ang bayad niya sa per session na klase.
Pumasok siya ng kusina. Nabungaran niya ang mama niya na abala na naman sa pagluluto ng hula niya ay experiment putahe nito para sa carenderia habang nakikipagtsikahan kay Tita Helen, ang bunsong kapatid ng yumaong ama niya na madalas pa ring dumadalaw sa kanila kahit ten years ng patay ang papa niya.
College siya nang mamatay ang papa niya sa sakit sa puso. Uso rin iyon sa lahi ng papa niya, bukod pa sa pagiging matandang dalaga o binata, kung saan ninety percent yata ng namamatay sa angkan nito ay dahil sa atake sa puso. Hindi na nag-asawa pang muli ang mama niya simula noon. Ginugol na lang nito ang panahon nito sa kanilang magkakapatid at sa negosyo ng pamilya nila. Kaya naman kahit sampung taon na ang nakakalipas ay malapit pa rin ang ina niya sa pamilya ng papa niya at dinadalaw-dalaw pa rin sila ng mga ito.
"Hay naku 'Ma, nasa labas pa lang ako naririnig ko na ang boses mo." Bungad niya sa ina at humalik sa pisngi nito.
"Mabuti na yun. Baka sakaling makinig ka sakin sa malayo. Hindi tayo magkaintindihan sa malapitan eh."
Napailing siya. "Tita Helen! Long time no see!" ito naman ang hinalikan niya. Taga-pampanga ang Tita Helen niya kaya naman minsan lang itong dumalaw sa kanila. "Ano na namang paninira ang sinasabi ni Mama sayo tungkol sakin?"
Maingat na nilapag niya ang camera bag sa mesa at kumuha ng platito't tinidor para lantakan ang lasagna na kinakain din ng Tita Helen niya. Luto iyon ng mama niya kaninang umaga.
Natawa ito. "Wala ka pa rin daw'ng boyfriend hanggang ngayon?"
"Hus! Twenty eight pa lang naman ako Tita." umupo siya sa harap nito at kumuha ng lasagna.
"Alam mo, yan din ang rason ko lagi noon sa tuwing may nagtatanong sakin kung bakit hindi pa rin ako nagboboyfriend. Hanggang sa tumaas na tumaas ang bilang and before I knew it, lagpas na pala ako sa kalendaryo." Ang Tita Helen niya ang nagmana ng korona bilang matandang dalaga sa pamilya nito.
"Kasi naman Tita, marami pa kong gustong gawin sa buhay."
"Marami pang gustong gawin dahil hanggang ngayon wala pa ring ginagawa. Wala pang direksyon ang buhay." anang mama niya. Siningit na naman ang isa sa pinakadalawang issue nito sa buhay niya.
"May direksyon ang buhay ko 'Ma. Hindi niyo nga lang trip ang ruta."
Natawa ang Tita Helen niya sa sagot niya.
"Magtigil ka sa ruta-ruta mo na yan." pinandilatan siya nito ng mata. "Tama ba naman yun Helen, na biglang-bigla na lang ay nagresign sa trabaho para lang pumirmi dito sa bahay dahil ano? Mas trip daw niyang magtrabaho ng nakapajama lang? Maryosep! Tapos ang naipong pera ay ginamit pang pambili ng pagkamahal-mahal na camera!"
BINABASA MO ANG
The Unscripted Love (UNEDITED & COMPLETED)
RomancePUBLISHED: May 2011 Dalawa ang rason ni Marivic kaya pumayag siya sa pakulo ng kanyang ina na makipag-date siya kay Lance. Una, gusto niyang makuha ang pinakaaasam na bakanteng unit sa commercial building na pag-aari ng pamilya niya para sa itatayo...