"Anong pinantakot sayo ni Mama para mapapayag ka sa pakulong 'to?" umpisa ni Marivic nang kumakain na sila.
Wala siyang planong magpanggap sa date na iyon. Alam nila pareho kung ano sila sa isa't isa. Gusto niyang matapos na ang kalbaryong ito at nang makuha niya na ang gusto niya.
"Huh?"
"Come on, spill it out." Sulsol niya. "We both know we hate each other's guts. Hindi ka papayag sa set up na ito kung walang sinabi ang Mama ko para mapilitan kang gawin 'to."
"A-Ano bang pinagsasasabi mo? Siyempre w-wala. Naisip ko, it's about time na kilalanin naman kita. Baka mali lang tayo ng pagkakakilala sa isa't isa diba? Kaya nang isuggest ni Aling Julia na magdate tayo, pumayag na ko."
Umigkas ang isang kilay niya. Hindi naniniwala. Sa pagstammer pa lang nito ay alam niya na ang sagot. Kilala niya ang nanay niya. At dahil nga anak na siya nito for twenty eight years, alam na alam niya na rin kung papano ika-counter attack ang plano ng butihin at concern niyang ina. Malamang ay iyon ang pinalabas ng Mama niya na sabihin nito sa kanya. Dahil iyon din ang mahigpit na bilin ng Mama niya bago siya pumunta doon - ang huwag ipaalam sa lalaki ang usapan nila tungkol sa photo studio na inuungot niya. Kapag ginawa niya iyon, mababalewala ang lahat at hindi ibibigay ng Mama niya ang gusto niya. Maraming galamay ang Mama niya at kakaiba ang ESP nito. Kaya hindi siya magtataka kapag nalaman nitong binali niya ang usapan nila. Mukhang masunurin si Lance. Pero sad to say, noon pa man ay matigas na ang ulo niya. Sabi nga ng isang pambatang kasabihan, "Matalino man ang matsing, naiisahan din."
"Bakit ikaw? Hindi ba iyon ang rason mo kung bakit ka pumayag sa set-up na 'to?"
"Hindi." Diretsang sagot niya. "May kapalit ang pagde-date nating ito no! My dream photo studio at one of our commercial space."
Nabilaukan ang kawawang binata. Nagkadasamid-samid ito. Nagmamadaling inubos nito ang isang basong tubig para lang makarecover. Siya naman ang hindi napigilang tumawa sa nangyari dito.
"Ganyan ka ba talaga?" pinahid nito ang namasang mata dahil sa pagkasamid nito.
Kumibit siyang balikat. "Wala akong planong solohin ang problema at pahirapan ang sarili ko, okay? Two heads are better than one. Kung may paraan naman para mapadali ito, why not? Now, anong rason mo kung bakit pumayag ka sa set up na to?"
Tila tinimbang-timbang muna nito ang sitwasyon bago siya sinagot. "W-Well, ayokong mawalan ng kliyente sa katauhan ni Aling Julia."
Umigkas ang isang kilay niya. "Yun lang?" ganun nito kamahal ang trabaho nito para makaya nitong makipagplastikan sa kanya maging supplier lang ng mama niya?
"Anong yun lang?" tila nainsulto ito sa sinabi. "Hindi iyon ganun kasimple. Tagilid ang farm at ngayon pa lang kami unti-unting nakakabangon simula nang masalanta kami ng bagyo. Nawalan na ko ng tatlong importanteng kliyente. Ayokong pati ang nanay mo ay mawala sa min."
Tumango-tango siya. "Makes sense. So pareho tayong may gustong makuha. At mapapasatin lang yun kapag nagkagustuhan na tayo."
Nasamid ito ulit. Inihit na naman ng ubo.
"Mamaya ka na lang muna kaya kumain pagkatapos nito?" sarkastikong suhestiyon niya.
"Seryoso?" nanlaki ang mata nito.
"Bakit, gutom na gutom ka na ba?"
"Hindi yung pagkain ang tinutukoy ko. Iyong huling sinabi mo kanina. Talaga bang iyon ang sinabi niya sayo? Ang maging..." paulit-ulit na tinuro nito ang sarili at siya. Tabingi pa ang ngiti.
Nalukot ang mukha niya. "Itsura nito! Kung makareact ka naman diyan, parang luging-lugi ka sakin. Sapatusin kaya kita?"
Napakamot ito ng ulo. Hindi na pinansin ang banta niya. "Seryoso, sinabi ni Aling Julia na kailangan yun bago niya ibibigay ang mga gusto natin?"
BINABASA MO ANG
The Unscripted Love (UNEDITED & COMPLETED)
RomancePUBLISHED: May 2011 Dalawa ang rason ni Marivic kaya pumayag siya sa pakulo ng kanyang ina na makipag-date siya kay Lance. Una, gusto niyang makuha ang pinakaaasam na bakanteng unit sa commercial building na pag-aari ng pamilya niya para sa itatayo...