v.

2.6K 35 0
                                    


Daniel's POV


"Daniel.." She smiled as she appraoched me. " It's been a year." Niyakap niya ako ngunit agad akong kumalas at binigyan siya ng malamig na ngiti. Yes, it's been a year. It has been a year nang bigla mo na lang akong iniwan sa ere ng hindi man lang sinasabi yung dahilan. It has been a year since I was searching for you, since I was searching for answers.


"Kamusta ka na?" Tanong niya ulit sa akin. Ano ba sa tingin mo?


"O--okay lang ako. You have become a doctor."


Tumawa siya. Mukhang masaya na siya ngayon. Mukhang unti unti nang nasasagot yung mga tanong ko.


"Yes. Sinong dinalaw mo dito?"


"Huh? Ah, wala. Sige mauna na ako."


"Wait--" Hinawakan niya yung braso ko ngunit agad niyang inalis ito. Naramdaman niya siguro na hindi ako kumportable sa ginagawa nya. Paano ako hindi magiging kumportable? It seems like wala lang sa kanya ang lahat na para bang hindi siya nakasakit.


"Magrorounds lang ako then usap tayo." Sambit niya. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Kaya ko na ba? Kaya ko na bang tanungin sa kanya lahat ng gusto kong malaman? Handa na ba akong marinig ang sagot niya? "Halika." Sinundan ko siyang maglakad. Ibang iba na siya sa dating Nami. Ang taas na ng narating niya. Binabati siya ng mga nurse at ilang doctor na makakasalubong namin habang naglalakad at naririnig ang tunog ng mga takong niyang tumatama sa tiled floor ng hallway ng ospital. Hindi siya mahilig mag make up dati pero ngayon, mas lalo siyang gumanda with make up on.


"Intayin mo na lang ako dito." She uttered at pumasok sa pinto ng kwartong tinigilan namin. Naupo ako sa bench na katapat ng kwarto. Inikot ko ang paningin ko. Mukhang pamilyar. Wait-- Dito ako nanggaling kanina. Sinilip ko ang kwartong pinasukan ni Nami at hindi ako nagkamali. Aria. Yung babaeng yun ang pasyente niya?! Ilang minuto pa ang lumipas na hindi ako mapakali ay lumabas na si Nami ng kwarto.


"Sorry to keep you waiting." She uttered.


"Hindi, okay lang. Pa..pasyente mo sya?"


Tumango si Nami sa tanong ko. "Hm. Alam mo bang kamukhang kamukha mo yung past boyfriend niya?" Kamukha ko? Wait--


Kinuha ni Nami ang wallet niya sa bulsa niya at may inilabas na isang picture ng lalaki. "Kapangalan mo rin. Si Daniel Choi. Boyfriend ni Aria." Kamukhang kamukha ko nga.


"May problema ba Daniel?"


"Huh?! Ah--wa--wala wala." Kaya ba napapagkamalan niya akong boyfriend niya? Kaya ba..


"Nakakaawa iyang si Aria. Her boyfriend died at a car incident na involved silang dalawa. Magkasabay silang dinala dito sa ospital and siya ang nakasurvive. Nang malaman ni Aria na namatay ang boyfriend niya, naging ganyan na siya. Tuliro, hindi mapakali at madalas umiiyak tuwing gabi. Minsan tumatakas siya sa ospital para daw hanapin si Daniel." Oh.. "Ikakasal na nga sana sila. Ilang weeks na lang ang iniintay then the accident happened." Ang sakit naman pala.


Nilingon ko yung room ni Aria. Nakaupo lang siya sa kama niya habang nakatingin sa may bintana ng kwarto. It seems really hard for her. Kaya pala ganon na lang siya kasabik ng makita niya ako.


"Hello? Oh, okay. I'll be there." Binaba ni Nami yung phone niya. "Sorry Daniel, may emergency lang ako. I'll talk to you next time?"





"Wait--" Hindi na ako nakapagsalita dahil nagmadali siyang naglakad paalis. Aish. She left me again.


Wrong Boyfriend | Kang Daniel (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon