vii.

2.7K 40 1
                                    


Seven

Daniel's POV

Tumabi sa akin si Aria pagtanggap ko nung puti niyang handkerchief. "Binabalik ko lang sayo yang panyo mo." Huh?


"Sakin to?" Tumango sa akin si Aria. Ahh--sa boyfriend niya 'to.


"Alam mo bang dahil sa handkerchief na yan kaya ako nahulog sa'yo?"


"Huh?" Hindi ko alam ang sinasabi niya dahil una sa lahat, hindi nga ako yung tinutukoy niyang boyfriend. Aria is something special. Dahil sa trauma na naranasan niya sa aksidente na naging dahilan ng pagkamatay ng boyfriend niya, nadepress siya at hindi siya makapag-isip ng matino. She needs help and comfort pero kailangan niya ring tanggapin yung katotohanan na wala na yung boyfriend niya. Kinuwento niya sa akin kung paano sila nagkakilala. Tinuruan siya ni Daniel na magbike at noong sinubukan niyang mag-isa, nalaglag siya dito at nagkaroon ng sugat. Yung handkerchief na yun yung pinangbenda ni Daniel sa sugat ni Aria sa tuhod hanggang sa makabalik sila sa bahay nang nakaangkas si Aria sa likod ni Daniel. Daniel seems to be a nice guy. Ang weird na parang tinatawag at pinupuri ko yung sarili ko. Lol.


"Gusto mong makita mga pictures natin?" Naging mas interesado ako sa kanya dahil sa mga kwento niya. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa ng puting damit na suot niya at binuksan ang gallery nito. "Ito oh." Ipinakita niya sa akin yung pictures nila. Daniel Choi. Mas lamang lang ako sa kanya ng ilan paligo. Lol. Syempre joke lang yun. Wala lang siyang mole sa malapit sa mata di katulad ko at mas singkit ako kaysa sa kanya. Kung sa unang tingin makikita mo talagang magkamukha kami pero habang tumatagal, madidistinguish mo rin yung pagkakaiba. May pictures sila sa park, may pictures na kumakain, may pictures na nagvolunteer sila sa isang pet home, sa isang orphanage at may pictures din sa kotse pero yung isa sa nagpakirot ng puso ko ay nang ipakita niya yung pictures nila na nakasuot siya ng wedding dress at nakasuot naman si Daniel ng coat and tie. Ang ganda ni Aria at makikita mong sobrang saya nilang dalawa. Pre-wedding photos malamang nila ito. You can really see they are inlove with each other. Kaya siguro ganon na rin yung pangungulila ni Aria sa kanya. That's why ibinabaling niya yung pangungulilang yun towards me.


"Alam mo yung feeling na tumatanggap ka ng pagmamahal at nagbibigay ka ng pagmamahal sa isang stranger pero masaya ka? It's fascinating how you can meet your the one in just a snap. It's fascinating how your life can change by just meeting a complete stranger at first and wanting them to be part of your life forever." Nakangiti lang siya habang nakatingin sa langit. That sincere smile which I never saw before even with Nami caught my attention. May kakaibang feeling yung mga ngiti ni Aria na hindi ko maramdaman sa iba. It's the feeling of assurance? Comfort?


"Pwede ka bang lumabas ng ospital?" Tanong ko sa kanya kaya binigyan niya ako ng curious look.


"Bakit? Baka mapagalitan ako ni doc." Oo nga pala, si Nami ang doctor ni Aria.

"Ipagpapaalam kita. May pupuntahan tayo."

"Huh? Saan?"

"Basta. Magbihis ka, walang mask, walang cap, walang glasses. Susunduin kita bukas." Ngumiti siya sa akin at tumango.

Now I need to accomplish two things. Ang ipagpaalam siya kay Nami at ang hanapin ang libingan ni tukayo (kapangalan).


"Hindi naman kayo lalayo diba? Kailangang maibalik siya sa psychiatric ward." Sambit ni Nami.


"I just want to help. Baka makakatulong 'tong gagawin ko." I hope so. I hope na makatulong talaga 'to. Aria deserves another chance. Another chance to love, another chance to live. Another chance to let go of her past and move on.



"Sige. Basta ibabalik mo siya dito."


I smiled. "Thank you Nami. And one more thing. Alam mo ba kung saan nakaburol ang boyfriend niya?"


"I know. Itetext ko na lang sa'yo yung address."




"Thank you again."





I hope this will do. I've got to be ready for tomorrow because it will be a... Date...  

Wrong Boyfriend | Kang Daniel (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon