Eight
Daniel's POV
Maaga akong umalis para sunduin si Aria. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya at pumasok din dito. "Hey--" Humarap sa akin si Aria. Natigilan ako sa itsura niya. She was wearing a baby pink dress, white sneakers. Wavy yung buhok niya at ayos na ayos. Si Aria ba talaga to?
"Oh, andito ka na pala." Ngumiti siya sa kin. Rosy cheeks, pink lips. Nakamake up ba sya?
"Le--let's go?" I uttered. She immediately clung unto my arm at naglakad kami papalabas ng kwarto niya. Nagtitinginan sa amin yung mga nurse at ibang pasyente na madadaanan namin. Siguro dahil first time nilang makikita si Aria na ganon ang ayos. Sumakay kami ng ktose na pinahiram sa akin ni Seongwoo. Hindi naman mamahalin 'tong kotse at medyo luma na pero okay na rin. Pinatakbo ko ito patungo sa unang destinasyon namin. Binuksan ni Aria yung bintana habang nasa byahe kami. She stretched her arms as if she was touching the air. "Waaa. First time ko ulit makalabas ng ganito!" I need to be careful in driving dahil sinabihan ako ni Nami na matindi ang naging trauma ni Aria sa pagsakay sa kotse dahil sa aksidente pero himala at hindi siya inaatake ngayon. Why?
"Hi--hindi ka ba natatakot? Sabi sakin ni Nami, may trauma ka daw?"
Umiling siya. "Hindi ako matatakot dahil kasama kita." She responded. I somehow felt relieved. Hindi niya pa ako ganoon kakilala pero sobra yung tiwala niya sa kin. Nakarating kami sa destinasyon namin. This is a street na puno ng shopping stalls at iba't ibang food stands. Ang daming tao ngayon. Bumaba kami ng kotse at sobrang amazed si Aria sa nakita niya. Nilapitan niya agad yung isang stall na may stuffed toys. Kinuha niya yung penguin na stuffed toy at niyakap ito.
"Gusto mo yan?" Tumango siya sa akin. Kinuha ko yung wallet ko at sinabihan yung nagtitinda na kukunin ko ito. Binayaran ko agad ito. "Let's go?" Hinawakan ko ang kamay ni Aria at naglibot libot kami sa bawat stalls. Tumikim ng ilang mga pagkain at nagkatuwaan sa games ng ilang stalls. Sa bawat pagiikot namin marami rin akong nalaman kay Aria at mga pagkakapareho namin. Mahilig siya sa chocolates and sweets, ayaw niya sa pickles at cucumber, takot siya sa aso, mas mahilig siya sa pusa katulad ko. Mas gusto niya ang spring kaysa sa winter. Favorite cartoon character niya si spongebob. Favorite sport niya ang badminton. At higit sa lahat, she will laugh even at the most simple things. Mababaw lang yung kaligayahan niya. She will say "ang cute!" kapag nakakita siya ng cute na bagay. She will say "awww" randomly and "omg!" and she has a smile na nakakahawa.
"Tara dun!" Lumingon ako sa tinuturo niya. It was a photobooth. Hinila niya ako papasok ng photo booth na yun. Masyadong masikip sa loob kaya nagkakadikit yung braso namin. Nagpipindot siya doon sa may camera sa harap namin at biglang nagsalita yung screen. Kumuha kami ng props at ngumiti sa camera habang nagcocountdown in 5 seconds. Nakailang shots din kami at aaminin ko, sobrang saya niya kasama. Lumabas kami ng photobooth at ilang minuto lang din ay lumabas na yung pictures namin.
"Waa! Ang ganda!" Sambit niya. Tiningnan ko yung pictures. Oo, ang ganda. Ang ganda niya.
"Itatago ko 'to!" Hala?
"Hoy! Pahingi ako! Bigyan mo ako ng kopya!" Sambit ko. Aba, hindi naman pwedeng siya lang yung may kopya ano! Madaya!
"Haha! Joke lang! Oh eto." Hinati niya yung pictures at binigay sa akin yung iba. Hehe. Buti na lang. Agad ko itong itinago sa wallet ko.
"Ano, next destination?"
"Huh? Saan?" Tanong niya. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Basta." Hinawakan ko yung kamay niya at naglakad pabalik sa kotse. This is the time.
BINABASA MO ANG
Wrong Boyfriend | Kang Daniel (One Shot)
Short Story"Miss, hindi nga ako ang boyfriend mo. Stop calling me, baby." Kang Daniel of Wanna One Fan Fiction One Shot story. Fan art: choeriah