Chapter 7: May mali.

6.2K 89 6
                                    

Chapter 7: May mali.

Dominique's POV:

Labing limang araw. Labing limang araw na ang nakalipas simula nung set-up namin ni Jhester. Wala namang nagbago samin, we're still best of friends. We talked to each other like how we used to talk, treat each other like nothing's different.

-___- Okay. Nag-sisinungaling na ako. Madaming nagbago. We barely talk, 'pag magkasama kami all we do is make out or have s*x. Jhester's cold to me, and trust me, I know it when he's cold or not.

Hindi ko naman siya matanong dahil of all people, kay Jhester ako pinakatakot. Kung gaanon ko kagustong malaman kung anong tumatakbo sa isip niya ay ganon ko din ito kaayaw.

Alam niyo kasi, tahimik lang si Jhester, he barely speaks, he never gets mad at sa mga ganong klase ako pinakatakot. Kasi ang sabi sakin, kapag ang taong pasensyoso at tahimik daw ay nagalit at nalaman mo kung anong iniisip, grabe daw.

Ngayon nandito ako sa training nila, tuwing umaga kasi ang training nila, before class and after class. Kaso yung ibang mga baliw na players, pumapasok lang sa school para mag-training at mambabae.

They never went to class. Once in a blue moon lang ata sila pumapasok ng klase, pumapasa naman kasi sila sa exams kahit hindi sila pumapasok. In other words, they're all bunch of jerky geniuses.

Nakaupo lang ako sa bench habang pinapanood sila, si Shanna naman ay akala mo'y cheerleader kung makasigaw sakanila. Para siya 'yung mga fans ni Rukawa sa Slum Dunk, iyon nga lang ay mag-isa siya at sariling sikap niya ang pag-spell ng pangalan ni Daniel.

Umiling iling na lang ako at ibinalik ang tingin ko kay Jhester. I really don't get his purpose on the game, siya yung sa jump ball tapos after mag-jump ball ay pupwesto agad siya sa may tapat ng ring. Minsan lang siya makipag-agawan sa bola.

Ang corny nga eh, walang thrill yung role niya, pero ang astog lang tuwing mag-re-rebound siya, kung 'yun ba ang tawag doon, basta yung kapag ma-sho-shoot na ng kalaban yung bola kaso sumablay tapos kukunin mo.

Ang lakas maka-Gori ni Jhester. Hihi, pero mas gwapo naman siya kay Gori.

"Why are you smiling?" Puna naman sakin ni Trixie habang si Shanna ay inosenteng nakatitig lang sakin.

"Wala. May naisip lang ako." Sagot ko sakanya at bilang isang natural na mataray na babae, inirapan niya lang ako at sinigawan ang mga players na magpahinga muna.

Lumapit si Jhester sa tabi ko at naupo, inabot ko sakanya ang towel at bottled water niya na tipid na pinasalamatan niya lang ako sa pagbigay sakanya.

I really don't get this guy. Kahit best friend ko siya, hindi ko pa din siya maintindihan.

Napalingon kaming lahat nang may isang grupo ng babae ang pumasok sa loob ng gym, hinarang ito ni Trixie at mataray na pinagsabihan, "Did you went to gradeschool or what? Can't you read the sign in the door that no slutty girls allowed?"

"Uh, yeah. I'm not slutty so I'm allowed." Sagot naman ng babaeng napakamaiksing palda, ang average length ng palda namin ay hanggang tuhod dapat or bago magtuhod, pero ang sakanya ata ay lumagpas lang ng singit.

Basketball Love Affair 4: Jump BallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon