Chapter 1: First Day in A-Academy

395 7 9
                                    

Dedicated sa kanya! Hahaha, siya lang ata nagsupport sakin sa story na 'to hahaha. Kahit di ko pa nasusulat go go go lang daw at gusto niyang mabasa. Hahaha, ginanahan tuloy ako! :) Salamat po dahil tinutulungan niyo ako sa korean translations! Goodluck sa audition mo po! ^_^

~~~

Hay! Excited na akong pumasok sa bago kong school!

Ang OA ko ba? Hahaha, syempre naman! Sa Angel Academy na kaya ako mag-aaral eh puro mga elites lang nag-aaral dun! Oha! San ka pa! XD

Ako nga pala si Jana Cytherea (Si-te-rea) Kim, you can call me JC. I'm half-Korean and half-Filipina. My father is a korean. Sabi nila mas mukha daw akong Koreana kesa Pinay kasi daw ang puti ko tas ang kinis pa ng balat ko. Ah basta I'm proud to be a Filipina kahit di halata.

Kung iniisip niyo eh mayaman kami dahil school for elites ang papasukan ko, pwes mali kayo, ang pamilya namin ay middle-class lamang. Di kami mayaman pero di rin kami mahirap, tama lang...

Scholar ako dun but wait! Iniisip niyo siguro matalino ako noh! Hahaha, sayang hindi daw ako matalino sabi ni Author. Ni hindi ko nga ma-perfect yung quiz namin sa Math eh pero kahit papaano pasado naman ako sa ibang subjects. Well ganyan talaga ang buhay, nobody's perfect.

Kaya lang nman ako nakakuha ng scholarship a A-Academy (short for Angel Academy) eh dahil ako ang nag-champion nung huling sinalihan kong Archery competition. Yup you heard it, or should I say read it right. I'm an archer since I was a kid, yung gamit kong bow ngayon eh regalo pa sakin ni Tita Mae, yung tita kong nasa America. Yung mga arrow ko namang gamit eh binili ko gamit ang inipon kong pera, yung iba naman regalo nila Mama at Ate.

Di ko napansin na andito na pala ako sa tapat ng A-Academy masyado kasi akong excited kaya di ko na namalayan. Ayiiiieee! Eto na papasok na ako sa gate!!!

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Wow!! Ang laki ng school! Ang lupet! May fountain pa! Hihihi, lalakad na nga ako ulit baka sabihin nila para akong baliw na nakatayo dun.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Boogsh!

"Aray ko naman." sabi ko habang nakaupo sa sahig dahil may nabunggo ako. Inayos ko lang ang mga gamit ko at tumayo ulit.

"Hoy! Wag ka ngang haharang harang sa daan kung ayaw mong--" sigaw nung isa pero di siya yung nabunggo ko kasi nasagilid yung siya tapos nasa harap ko ngayon yung nabunggo ko.

Pagtingin ko dun sa sumisigaw. Tsk, siya pala. Lagot sakin 'to sa bahay mamaya. Kaya naman pala di niya maituloy yung pagbabanta kasi ako yung kausap niya eh takot yun sakin. Kung tinatanong niyo kung sino ang tinutukoy ko, yung lang naman ang napaka cute kong kapatid na lalaki. Binigyan ko lang siya ng isang humanda-ka-sakin-sa-bahay look. Ayun napayuko lang siya hahaha.

Tumingin naman ako dun sa nabunggo ko.Mukha namang mabait yung mga kasama ng kapatid ko. Tsaka harmless naman ata yung nabunggo ko.

"Sorry." sabi ko tas alis na ko kasi naalala ko yung sabi nung Principal dito. Pumunta daw agad ako sa office niya pag nakarating na ako sa A-Academy.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Ayun na yung principal's office.

Lakad ulit.

*Knock knock*

"Come in."

Pumasok na ako.

Ang Syota kong Manhid! *HIATUS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon