JC's POV
Andito ako ngayon sa tapat ng mga pagpipiliang food, yum! Ang daming masasarap! Ano kaya bibilhin ko? Ah! Alam ko na kakain na lang ako ng ulam with rice para mamaya magpa-practice na lang ako sa archery range. Ang talino ko talaga!
Ang napili kong kainin ay pork barbeque with rice! Hahaha, ang sarap ng ulam ko. XD
Gusto niyo? Hahaha, mang-inggit daw ba?
Kain.
Kain.
Kain.
Busog! Ang bilis kong kumain noh? Hahaha, ganyan talaga pag gutom. :)
Umakyat na ako agad sa room.
Pag pasok ko sa room...
"Whaaa!! Ms. JC totoo po bang may nililigawan na si Prince Jam?" tanong ng mga babae sa akin dun. Agad agad? Di ba pwedeng umupo muna ako? Hay, tong mga babaeng 'to, talandi!
"Oo, bakit?" tanong ko.
"Whaaa! Huhuhu! Timer si Prince Jam pinagsabay-sabay niya tayo. Huhuhu!" ngawa nung babaeng mukhang ewan. (A/N: Ang sama naman ni JC, eh kung papangitin kaya kita.) Joke lang miss Author, eto naman sineryoso, tsaka diba ikaw naman nagsulat niyan hindi ako? (A/N: Hahaha oo nga pala noh!) Tss.
"Okay lang yan girls, andyan pa naman ang iba pa nating mga Prince, may pag-asa pa tayo. Aja!" pagch-cheer nung isang girl. Wow! Ang OA naman dre, maka'may-pag-asa-pa-tayo' naman si girl kala mo end of the world na. Hahaha.
*Riiinnngggg*
Okay, lahat ng mga estudyante ay bumalik na sa kani-kanilang mga silid-aralan. Naks! Hahaha, nagiging makata ako. Ang pagkaka-alam ko kasi filipino ang next subject.
"Magandang umaga." sabi ni Bb. Filipino.
Ayun, introductions lang ginawa tapos chikahan, next week na lang daw kami mags-start ng aming discussions.
fastforward...
*Riiinnnggg*
Okay lunch na, kukunin ko lang muna yung gamit ko tas didiretso na ko sa field.
Lakad.
Lakad.
Kuha gamit.
Lakad.
Lakad.
Anu ba yan, awkward... Lahat ng tao naka-tingin sakin, pati school staffs at personels, siguro pinag-uusapan nila na kapatid ko si Jam o di naman kaya eh dahil dun sa sinabi kong may nililigawan si Jam.
Andito na ako sa archery field. Ako lang ang nandito, ayos! Solong-solo ko ang napaka-laking field na ito. Whahahaha! >:D
Lapag ng gamit.
Ayos bow and arrows.
"Ay nako naman!!"
Napasigaw ako dahil nakalimutan ko yung finger tab ko. Masakit kasi sa kamay pag walang suot na finger tab. Naiwan ko ata sa locker ko. Hay, makuha na nga.
Someone's POV
"Bilisan mo! Kunin mo na dali!!"
"Sandali, baka bumalik pa siya."
"Hindi yan! Bilisan mo na kasi!"
"Oo eto na. Teka, lahat ba ito kukunin ko?"
"Oo, lahat yan!"
"Sige, sabi mo eh."
"Balik na tayo dun, baka pagalitan pa nila tayo."
"Hoy! Anong ginagawa niyo sa gamit ko?!"
BINABASA MO ANG
Ang Syota kong Manhid! *HIATUS*
De TodoNaranasan niyo na bang magmahal isang babaeng manhid? Yung tipo na inaasar na siya ng lahat ng katropa mo sayo tas ayaw niya pa rin maniwala kasi akala niya trip trip lang yun? Ano kayang dapat kong gawin para maniwala siya sakin? Sundan niyo na lan...