Chapter 3: Sudden Headache

265 6 8
                                    

*ring ring*

LA's POV

Ang ingay naman ng alarm clock ko! Sarap pa naman ng tulog ko, hahaha! Napanaginipan ko si Ateng Iyakin, grabe ang cute niyang ngumiti, hahaha. I think I like her, siya lang kasi yung nag-iisang girl na hindi kinilig sa akin, she's pretty weird actually and I find it amusing. Gusto ko siya maging friend. :D

Naligo na ako, kumain tapos umalis na ako papuntang school. Pagdating ko doon nakita ko yung A-Prince pinagkakaguluhan sa entrance ng school, lagi naman eh. Naalala ko na naman si Girl kahapon, siya yung nakabunggo sa akin eh. Di manlang natakot or natulala samin, para bang wala lang sa kanya kahit nakita niya kami. First time yun noh, ano kayang pangalan niya? Nakalimutan ko kasing itanong kahapon eh.

Lumapit ako sa kanila. Lahat naman sila nakatingin lang sakin at tahimik. Okay.. Ang weird nila, kadalasan mas lumalakas ang tilian pag dumating ako pero bakit ngayon iba?

Hinila naman ako ng tropa palayo dun sa mga fans. Pumunta kami sa tambayan namin, isa siyang kwarto na ginawa specially for the A-Prince, wala eh trip nila.

"Oy, LA. May pinagdadaanan ka ba?" tanong sakin ni Chan-Chan.

"Nako Tol kung may problema ka wag kang mahiyang magsabi sa amin ha, andito lang kami para sayo." sabi naman Kenneth.

"Hahahahaha, para kayong mga baliw! Ano bang pinagsasabi niyo? Wala akong problema noh! Hahaha!!" grabe nakakatawa itsura nila.

"Naku po!!!! Nababaliw na si LA!!! Anong gagawin natin JAM?!" sigaw naman ni Ivan.

"Dalhin na kaya natin siya sa isang psychologist?" mungkahi ni Jam.

"Ano bang pinagsasabi niyo? Pinapalabas niyo pa akong baliw dito."

"May sakit ka ba LA? Kadalasan kasi tahimik ka lang tsaka kahit pinagt-tripan ka namin, di ka sumasagot, eh ngayon ang dami mo sinabi." sabi naman ni Kenneth na parang nag-aalala.

"Oo nga, tsaka kanina paglapit mo samin nakangiti ka pa, tapos kani-kanina lang tumawa ka pa ng wagas." dagdag pa ni Chan-Chan.

"Ang weird mo ngayon Tol, bakit masaya ka?" tanong naman ni Ivan.

Bakit nga ba ao masaya, tsaka hindi kaya ako ngumingiti, lalo na sa mga fans ko. Mas lalo namang hindi ako tatawa ng wagas. Ang weird ko nga ngayon.

"Hindi naman kaya inlove ka dre?" tanong naman ni Jam.

Napa-isip naman ako, kanino? Kay Ateng Iyakin? Oo, medyo crush ko siya pero di pa naman siguro love. Hahaha, naalala ko tuloy yung itsura niya.

"Naku, Jam inlove nga ata si LA!" sabi naman ni Kenneth.

"Haha, loko hindi ah. Punta na tayo sa room." sabi ko.

"Hindi daw, eh ngumingiti nga ng walang dahilan." bulong ni Ivan kina Jam. Bubulong pa rinig ko naman. Tsk.

"Sino kaya yung girl noh? First time mangyari 'to ah." bulong naman ni Chan-Chan.

Naglakad na kami papuntang room, tapos may lumapit sa aming babae. Teka si Ateng Iyakin 'to ah!

"Jam, pinapabigay ni Ate Charizza, allowance mo raw yan for this month." sabi ni Ateng Iyakin, teka? Kilala niya si Jam?

Tumingin naman siya sa amin, nang makita niya ako.

"Oy! Kuya Ice Cream!" sigaw niya, tapos nakipag-apir sakin.

"Iyakin! Musta na!" nakipag-apir din ako sa kanya, nagtinginan naman sina Jam at yung iba pa..

"AYYIIIIIIEEEE!!!" sila

"Mga baliw! Hahaha, sigaw ha una na ko bye!" sabi ni Iyakin, ayan tuloy umalis na..

Ang Syota kong Manhid! *HIATUS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon