JC's POV
Andito nanaman ako sa school.
Katamad pumasok.
T
Naglalakad ako papuntang room ng biglang...
"Chumx (basa po dito ay 'Chums')!!!"
"AY, IMPAKTA!" aba, sino naman 'to. Makapang-gulat sakin wagas.
"Aray ko naman Chumx, ang sakit mo naman makapag-salita. Parang wala tayong pinagsamahan ah."
"Whaaaa!! Chumx!! Bakit andito ka? Atsaka, bakit pareho ang uniform na suot mo sa akin?" ohmayghad! Si Chumx, andito sa school!
"Hindi ba obvious na dito na ako mag-aaral?" sarkastiko niyang sabi.
"Kfine. Eh pano ka naka-transfer dito eh diba pang mayayaman dito?"
Tumingin siya sakin na parang gulat na nagtataka. Bakit kaya? Hmmm.. Ah oo nga pala!
"Ahh! Kaya ka nga pala nag-aral dun kasi gusto mo akong makasama. Hahaha, nakalimutan kong super duper yaman mo pala."
"Hindi naman super duper yaman. Tsaka okay lang naman sa parents ko na mag-aral kahit saan basta daw kasama kita kasi baka daw gumawa ako ng kalokohan." troublemaker kasi si Chumx, di uso ang rules and regulations kay Chumx.
"Pasaway ka kasi, gayahin mo kasi ako. :D"
"Ayoko nga matulad sayo. Mabait nga manhid naman, tss."
"Whatever. Chumx, alam mo ba na dito nag-aaral si Jam?"
"Oo, why?"
"Wala lang. Nga pala alam mo ba may nakilala ako Blue yung pangalan, ang cute ng name nilang magkakapatid puro colors. Hahaha, kapatid siya nung classmate ko si Tear, mamaya ipapakilala kita."
Aila's POV
Tama ba yung narinig ko? Blue daw? Ano ba yan eh!! Akala ko magiging payapa na ang buhay ni JC yun pala hindi, hay kawawa naman ang bestfriend ko. Paano nalang pag naalala niya ang lahat? Baka magalit na siya sa amin kasi nagsinungaling kami.
"Uy Ate Iyakin!" sabi nung isang lalaki na medyo matangkad na may kasamang dalawa pang lalaki.
"Hello Kuya Ice Cream! Oh? Bakit di niyo ata kasama ang abnormal kong kapatid?" Loko talaga si Chumx, hahaha. Inasar daw ba si Jam. XD
"Oy Ate! Narinig ko yun ha!!" sigaw ni Jam habang papalapit sa amin.
"Oh, Aila! Napapunta ka dito? Namiss mo ko no!"
"Asa ka Jam. Ako lang ang namiss ni Aila noh, wag kang feeler diyan. Ah, guys. Ito nga pala si Aila Chrysanthemum Lee. Bestfriend ko."
"Hello, ako si LA." sabi nung Kuya Ice Cream. Soft-spoken pala 'to pero bakit kanina, nakikipagkulitan 'to kay Chumx? Hhmm.. I smell something fishy.
"Hi, ako si Kenneth." sabi niya tapos nag-wave siya ng hands niya sakin.
"Ako naman si Chan-Chan! Nice meeting you Aila!!" sabi niya tapos nakipag-shake hands siya sakin.
"Hoy! Chan-Chan! Bawal yan! Akin siya pre, walang talo talo." sabi ni Jam. Problema neto? Shake hands lang eh.
"Oh easy ka lang. Eto naman si Jam, para nakikipag-shake hands lang eh. Madamot!" Hahaha, nakakatawa. Para silang mga baby, ang kulit! Sila siguro yung mga kabarkada ni Jam.
"Oh, asan si Ivan?" tanong ni Chumx.
"Absent. May sakit daw eh." sagot ni LA.
*Ring ring*
"Excuse me, Chumx okay lang ba?"
"Sige, sagutin mo na baka importante yan.
May tumatawag sa akin. Teka, ito yung photographer na makulit ah! Ang kulit talaga! Masagot na nga to!
Lumayo muna ako kina JC, nakakahiya naman kung marinig nila ako nagsusungit.
"Hello?"
[Hello Ms. Aila, available ka po ba ngayon?]
"Bakit? Ano nanaman ang kailangan mo?"
[Kailangan po kasi namin ng models, yung mga original models po kasi namin na-cancel yung flight pabalik dito sa Philippines.]
"Ano bang theme niyang photoshoot na yan?"
[Wala pong definite na theme pero about lovers po yun. Yung iba pong photoshoot sa beach kukunan tapos yung iba naman po sa studio na malapit sa beach na yun.]
Hhhmmm.. Lovers? Napatingin naman ako kina Chumx at dun sa kay LA habang nagkukulitan sila. Nice idea!
"Ilan ba kailangan niyo?"
[Well, uhm. Kailangan pa po namin ng Apat na lalaki tapos tatlo na babae. May isang girl na model na po kasi kaming nakuha, tapos yung kailangan ay 4 pairs kaya yun po. Magkakaroon parin po ng individual photoshoot tapos may by partners at meron din na lahat po kayo magkakasama. ]
"Okay, don't worry about it na. Ako ng magdadala ng iba pang models."
[Talaga Ms. Aila?! Salamat po ng marami!]
*Toot toot*
Ay ganon? Pagkatapos kong bigyan ng models bigla akong bababaan? Hmp! Anyways, okay narin yun kasi mawawala na ang bad influence sa buhay ng aking bestfriend. Para kay Chumx 'to. Goodbye Blue, Hello LA.
"Guys! Pwede manghingi ng favor?" tanong ko sa kanila. Mehehehe. :D
JC's POV
"Sure Chumx ano yun?"
Anong favor kaya yun?
"Ano kasi, kailangan ng models para sa photoshoot ng kaibigan ko. Okay lang ba kung kayo yung isama ko? Urgent lang kasi."
Aba! Dinamay pa kami, well. Wala namang masama kung sumama kami.
"May klase kaya tayo, baka sabihin nag-cutting pa tayo." Jam. Ayaw talaga nito sa ganyan, ewan ko ba dyan, lagi siyang niyayaya ni Chumx pero ayaw niya talaga. Model kasi si Aila.
"No, it's okay ako na ang bahala." Sabi ni Kuya Ice Cream. Grabe ang lakas talaga ng connection ni Kuya Ice Cream! Naalala ko tuloy yung dati, nginitian lang kami ni Kuya Guard nung lumabas kami. So weird.
"It is settled then. Dali andyan na yung car na magdadala sa atin sa venue. But I have one more problem."
"Ano nanaman yun Chumx?"
"Kailangan ko pa kasi ng isa pang girl."
"Yun lang ba? Wait lang ah!"
Teka, asan na ba yun?
Hanap.
Hanap.
Hanap.
Ayun! Nakita ko na rin si Tear, sa wakas!
"Tear~!"
"Oh? Ate JC, bakit may problem?"
"I need your help! Pwede ka bang sumama sa amin? Kailangan pa kasi namin ng isa pang model eh, pwede ka ba? Don't worry about our class, yung friend na namin ang bahala dun. So ano, okay na?
"Sure Ate JC. Basta ikaw."
"Thank you! Halika na ipapakilala kita sa iba ko pang mga friends!
"Guys eto nga pala si Tear. Classmate ko, siya nalang isasama natin. Okay lang ba?"
"Sure! Tara na!" sagot ni Chumx.
Yiiieee! Pupunta kami ng beach! Excused pa! Ang saya!!
~~~
Patikim po ng photoshoot nila. Si LA po yan sa beach. :D
Kang MinHyuk FTW!
<3
BINABASA MO ANG
Ang Syota kong Manhid! *HIATUS*
RandomNaranasan niyo na bang magmahal isang babaeng manhid? Yung tipo na inaasar na siya ng lahat ng katropa mo sayo tas ayaw niya pa rin maniwala kasi akala niya trip trip lang yun? Ano kayang dapat kong gawin para maniwala siya sakin? Sundan niyo na lan...