Chapter 4: White Lies

225 1 0
                                    

Charizza's POV

Hello! Ako po si Jala Charizza Kim (Jay-la; Jala is a swahili word meaning 'special one' trivia lang po!), ako po ang Ate nila Jam at JC. 18 palang ako pero graduate na ko ng college. Nag-skip kasi ako ng grade 1 at grade 3, advance daw kasi ang IQ ko.

Wala pa ngayon ang mga kapatid ko, well si Jam madalas namang late yung uwi nun pero si JC, pagkatapos ng klase diretso uwi yun ah. Ano kayang nangyari? Wala pa naman ngayon si Mama kasi may trabaho. 3 months ngang wala si Mama kasi kailangan niyang sumama sa ibang bansa, sa korean embasy kasi nagt-trabaho si Mama tapos isa siya sa mga napiling pumunta dun. Meron kasing kailangang ayusin. Si Papa naman, nasa langit na, kung hindi lang talaga dahil sa aksidenteng yun... Hayyy...

*ding dong*

Sino naman kaya yung nag-doorbell? Imposible namang si JC yun.

Halos mahulog naman ang puso ko ng makita ko si Blue, nakatayo sa labas ng gate habang buhat si JC.

Dali-dali ko namang binuksan ang gate para, papasukin si Blue at para mai-higa na si JC.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko.

"Nakita niya akong tumutugtog tapos pagkaharap ko sa kanya sumakit ang ulo niya saka siya hinimatay." hindi parin siya makapaniwala na nakita na ulit si JC.

"Pinagsabihan ka na namin, layuan mo na si JC! Hindi ka na niya matandaan, alam mo bang dahil sayo wala na si Papa, ikaw ang may kasalanan ng lahat!"

"Ate Cha, mahal ko si JC! Hindi ko kayang malayo sa kanya! Sinubukan ko naman diba?!"

"Blue! Maawa ka naman kay JC, ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala ang memorya niya!"

"Kung inamin niyo lang kung sino ako sa buhay ni JC, kung sana pinakausap niyo sakin si JC, kung sinabi niyo lang sana ang totoo edi sana hindi namatay si Tito!"

Natigil ang sigawan namin ng makita namin siya Jam sa pinto.

"Hayop ka Blue! Anong ginagawa mo dito sa bahay namin! Pinagsabihan ka na naming wag mong lalapitan si Ate JC ah!!!" galit na galit si Jam, susuntukin niya sana buti napigilan ko.

"Blue, umalis ka na sa bahay namin!"

"Pero si JC!"

"Umalis ka na sabi!"

Tumingin muna siya kay JC, saka umalis.

After 2 hours.

JC's POV

Argh. Sakit ng ulo ko.

Ano bang nangyari, kakagising ko lang pero sina Ate at Jam, balisa.. Di nga ata nila napansin na gising na ako eh. Maka-upo na nga lang ng maayos.

Medyo nagulat nga ata sila, ano bang nangyayari sa mga 'to?

"Oh, Ate JC? Gising ka na pala."

"Hindi Jam tulog pa ako. Ano bang nangyari? Ang naaalala ko lang nandun ako sa school tapos may narinig akong tumutugtog ng pamilyar na kanta tapos pinuntahan ko. Di ko na alam ang kasunod nun."

"Ha? Ano bang sinasabi mo JC? Umuwi ka kaya dito, sabi mo pagod na pagod ka kaya natulog ka dyan sa sofa. Baka napanaginipan mo lang yun." sabi ni Ate Charizza habang nakatingin sa sahig.

"Ha? Ganun ba? Para kasing totoo yun. Nga pala, Ate ba't ang sakit ng ulo ko? Parang pinupukpok na ewan. Ah basta! Ang sakit. Kanina naman nung lumabas ako ng room ayos lang naman ako eh."

"Napagod ka nga kasi, matulog ka na lang pagkatapos nating kumain para di mo na maramdaman yang sakit." sabi ni Ate.

Kumain na ako tapos umakyat na ako papunta kwarto.

Ang Syota kong Manhid! *HIATUS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon