Chapter 2: I met him AGAIN

98 5 4
                                    

SHANICE'S P.O.V

*Kringgg*Kringg*Kringgg*

Ugh! Pinatay ko na yung alarm ko ang ingay eh! Sumasakit pa yung ulo ko nang-gigising agad.

Grabe ang hapdi ng mata ko. Kakaiyak? Hayst! Naalala ko na naman kasi sila mom and dad kagabi eh.

*FLASHBACK*

Tumakbo na agad ako palabas ng FIS. Nakakasakit na yung mga titig at bulungan nila eh.

Pumunta ako sa park kung saan dun kami lagi naglalaro ng mommy and daddy ko.

OO, malapit lang ito sa bahay nila tita.

Coincidence ganun? 
 

Naupo lang ako sa bench kaharap nung playground habang iniimagine na nandun pa din kaming tatlo ng parents ko. 

 

Naalala ko dati , may kumausap sa akin dati na batang lalaki. Parang kaedad ko lang ata siya nun. Sabi nya ang saya saya naman daw namin ng pamilya ko, nagtatawanan, nakukulitan. Naiinggit daw siya kasi buti pa daw ako masaya kasama yung mama at papa ko.

 

Samantalang siya, parang invisible lang daw tingin sa kanya ng parents niya.

 

Nakita ko pa nga na parang may tumulong luha sa mata nya eh habang nagkukwento siya.

 

Para di na siya maiyak, Binigyan ko siya ng lollipop. Wala eh? Yun lang yung dala ko ng magkausap kami.

 

Tapos sinabi ko, "Mahal ka ng parents mo. At mahalaga ka para sa kanila. Walang magulang na di mahal ang anak nila. Tandaan mo yan huh?"

 

Pagkatapos ko sabihin sa kanya yun, tumakbo na ako. Ewan ko ba. Nahiya ata sa mga sinabi ko sa kanya kaya ganun.

 

Pero bago ako makalayo sa kanya, sumigaw siya "Thank you miss lollipop!"

 

Napangiti nalang ako. At yung nararamdaman kong lungkot kanina, napawi na. Tama, "Walang magulang na di mahal ang anak nila"

 

Napatango nalang ako at napangiti ulit. Tumayo na ako para makauwi na.

 

Umuwi akong nakangiti habang naaalala yung batang nakausap ko dati.

 

*END OF FLASHBACK*

 

Napangiti muli ako habang naalala muli ang batang iyon. Nagkibit-balikat nalang ako. Tumayo na agad ako nang maalala kong maaga pala ang pasok ko ngayon. Niligpit ko na rinang pinag-higaan ko. Nilinis ko ang maliit kong kwarto at pumasok na sa banyo. Kailangan ko ng maligo. Baka ma-late pa ako.

Nang matapos ako sa pagligo, nagmadali na akong nagbihis at lumabas na ng kwarto. Pagkababa ko, naabutan ko sila tita at andrei na kumakain na ng agahan. Wala na si tito gerald. Pumasok na siguro sa trabaho.

No TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon