Part 11: Getting to know

12 1 0
                                    

"I just swear Anica... isa nalang! Napakaisa nalang! Nako..."

"Hayst Jude, napakamainisin mo naman! Please be patient! I only have 21 days left and after that you can forget me whenever you want! Please naman pls be patient!"

"Ayun na nga ee, bakit naman kasi sa dami dami ng tao bakit ako pa. I'm a busy person Ms Enriquez. Okay sige, para mas maniwala ako sayo. Tell me all your details and personal information para makilala at matulungan kita ng husto! And please be serious ah, minsan kasi maloka ka magkwento ee."

"Ah? Ganon ba ko? Huy hindi ah. Nagpapatawa lang kasi masyado ka serious ee. Minsan sa buhay need natin ng masasaya! Yung totoo ba... have you been...... happy?"
I just saw him keep quiet after what I asked about him. Siguro.. may problema ata toh.

"Ah.... W-wala... Teka, ano ba pake mo sa buhay ko?! Diba ikaw may mission, ano yung sayo! Bakit sakin?!"

"Para fair enough. I want you to know pa rin! Malay mo diba, related ka rin pala sakin. Dali, kwento kana bro!"

"Ayaw... or..... show me your grave then I can tell you what's mine"

"HAH? Seryoso kaba? Patay na nga ako diba? Syempre di ko alam saan ako nilibing, and diba... I'm not really in here sa Pilipinas?"

"May nasabi ka ba? Tsaka yan ba talaga name mo?"
Natahimik ako sa sinabi nya. Oo nga pala, di ako toh. Iba name ko, iba age ko, iba lahat... Pero... what if kung sabhin ko sa kanya? Diba nga, isang tao lang pwede ko sabihan? Kasi diba... sya una. Mapapagkatiwalaan ko kaya?

"Well... Miss Anica?"
I took a deep breath.

"Well... My real name is Erica. Erica Francisco! Whats yours naman?"
I said as I stretch my arms to his as to shake hands and gestured nice meeting you.

"Aba. Bat nagsinungalin ka?"

"Kasi sabi sakin... no one will know my true identity! I'm disquising as another person. Eh medyo malapit lapit ang Erica sa Anica and.... and... medyo din malapit Francisco sa Enriquez. Ok na yon, wag mo na alalahin name ko. Ikaw ba ano real name mo. Jeanette Erica pala ako, everyone's call me Erica di nagagamit Jeanette ko hahaha"
Sabi ko sabay baba ng kamay ko tas natawa ng onti. Gasgas na nga naman talaga Jeanette ko. Ewan ko ba sa magulang ko bakit nilagyan ng Jeanette di naman nagagamit hahaha. [Pronounce: Janet]

"Well... My name's Jude Ayala. Elijah Jude Ayala. Jude din natatawag sakin pero sa klase ko, Ayala or Jah."

"Ahhh Jah... Hahahahaha ancute naman. So I'll be calling you Jah din! Hahaha or Eli nalang hahahaha"

"Ano nakakakatawa don? Hoy tigil ka nga! Para naman kasi shortcut kaya Jah. But dont get me wrong hindi samin ang Ayala business ah. Ka-last name lang. "

"Ahhh okay. Ako din di ko rin kamaganak si Francisco Magellan hahahahahah"

"Nak ng naloka na si adeng! Hay nako tara na nga tawa ka pa ee"

"Ito naman masyado seryoso.. Sige na tara.. Huyy wait me up!!"
Kasi naman pagkatigil ko matawa, nakalayo pa siya. Dagdagan mo pa ng kanyang malalaking hakbang. Syempre, matangkad what do you expect. So ako tinakbo ko na para magkasabay na kami.

Habang naglalakad kami, nagkekwentuhan kami. Nikekwento ko sa kanya yung mga naalala ko alaala dito sa mundo. Paano ba?

"Grabe ka pala ee, sayang ka alam mo yon! Grabe Valecditorian grade 6 and 4thyear. Tas consistent dean's lister. Ay iba ka ateng!"

"Ngek. Ang bababa naman. DL nga pero baba pa rin"

"WOOOOOOW Mababa pa yan sayo ah? Ako nga kahit tres lang ok na ee. "

"Atleast UP ka graduate!"

"Hindi rin. Mababa na rin ako. UP pero wala kwenta naman mga professor tatamad nila. Sana don nalang ako sa di kilala atleast natuturuan."

"Arte neto alam mo ba marami nagkakadarapa sa UP at isa na ko don? Ayaw lang ako papapuntahin ng Manila, kaya sa Lasalle Dasma ako pinasok and since ito naman pinasa ko na school samin. UP talaga gusto ko kahit nga magUPLB ako or UPB ok na sakin ee"

"Ay ewan, graduate na ko. Ok na ko. Ano ba course mo?"

"Accountancy. Alam ko, 4thyear na ko non kaso namatay nga sa hindi naasahan kaya ayun, sayang pero ok lang..... dito din naman bagsak ko. Mawawala din mga achievements ko. Ikaw ba? "

"Wow andami mo sinabi ang tanong ko ano course mo ah. Marketing, pero mas gusto ko Fine arts. May business kasi kami and ako ang panganay so ako pinaghahandle. Ngayon dalawa pinagkakaabalahan ko, business namin which is sakin na napunta at pagiging HR .At yan nalang ang nalaman mo sakin."

"Wala ako tinatanong... Ikaw nagkwento"

"Basta yan nalang. Saan ba tayo pupunta pa ba? Lahat na ata naikot nanatin"

"HIndi ko nga alam ee. Pero... alam mo.... gusto ko malaman san ako nilibing"

"Saan ba nililibing mga kamaganak mo?"

"States. Pero I swear, dito ako nilibing ee. Siguro sa Cavite or sa Manila? Since alam naman natin name ko diba, so.... shall we?"

"Okay... "

Another Chance (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon