Tapos na ang duty ni Almira.. tinawagan niya ang Nobyo para ipaalam nito na pauwi na siya. biglang lumakas ang ulan.. walang siyang dalang payong, nagkataon pa na wala siyang masakyan. nasa waiting shed lang siya, naisipan niya na i text ang Mama ni Leandro.. Ninang" pauwi na ako, pero malakas ang ulan walang dumaan na sasakyan, ok na rin ang leave ko, isang buwan ang vacation ko, bukas puntahan kita agad , pakisabi ni Leandro I love you.. good night...
kinaumagahan, hinanap na ni Leandro si Almera, alas 10 na di pa ito dumating sa bahay nila, wala ring reply sa text ,di rin siya makontak sa celphone.. pinuntahan na lang ni Marilyn si Almera sa bahay nito.
wala si Almera? di niyo man lang hinanap kung nasaan..
Malay ba namin na di siya umuwi...wala siya sa inyo, baka nasa kaibigan lang natulog, ang lakas ng ulan kaninang madaling
kinabahan si Almera binasa niya uli ang last text ni Almera Ninang" pauwi na ako, pero malakas ang ulan walang dumaan na sasakyan, ok na rin ang leave ko, isang buwan ang vacation ko, bukas puntahan kita agad , pakisabi ni Leandro I love you.. good night... 1:39 am
di na makuntak ni Marilyn ang celphone ni Almira...iba na ang nararamdaman niya.. kinkabahan na siya.
baka nagbago ang isip at lumayas na... kasi nakapag-isip. na wala siyang mapapala sa anak mo... " sabi ni Lyneth kay Marilyn"
tinawagan ni Marilyn ang isa sa kaibigan ni Almera....
pasensiya na hah... kasama mo ba si Almera... diyan ba siya natulog..
hindi po Aling Marilyn. kaninang madaling araw nasa waiting shed siya , nag_aabang ng masasakyan
nawawala si Almira, di ko makontak. " ibinaba ang celphone"
alalang alala na si Marilyn,,, nagpasama sa pamangkin nito para i report sa mga pulis... nagpunta rin ang kaibigan ni Almira para samahan sila..
kailan ba ito nawawala...
last text niya 1:39 am.. di na nakauwi.. di na rin makontak. alas dyes na po eh...
baka masama ang loob niya, at nagpapalamig lang..
di po... maayos po kami ni Almera. kung masama ang loob niya sa pamelya niya sa akin siya tatakbo....
sir. huli kong nakita si Almera sa waiting shed. malapit sa work namin....
segi pasasamahan ko kayo sa imbestigador ko, kung saan huling nakita si Almera.....
pinutahan nila ang lugar kung saan huling nakita si Almera..... may nakita silang isang sapatos..
sir kay Almera ito.... baka may masamang nangyari sa kanya...
anong oras mo siya nakita? " tanung ng pulis sa kaibigan ni Almera
sir maybe almost 2 na yon.... sir. may nakaparadang mga kotse diyan... saka may nagtitinda na ng oras na yon... nagaabang sa amin na lumalabas sa work.. tanungin niyo po sila.
BINABASA MO ANG
Hanggang Wakas
General FictionHanggang saan magwakas ang tunay na pag-ibig, Hanggang saan siya ipagtatanggol ng kanyang minamahal, Hanggang kailan niya tanggapin na itoy wala na...Hanggang kailan panghahawakan ang isang pangako isang pagmamahalan na nagwakas sa isang malagim na...