Nabalita na Tv. sa radyo sa pamantalaan ang sunod -sunod na pagkamatay ng magkakaibigan na parehong sangkot sa pagpatay at pangagahasa kay Almera...di man napatunayan na Multo ang may gawa sa magkamatay ng magkakaibigan, yon ang haka-haka ng karamihan. nagkaroon ng takot si Lyneth at ang kanyang Ina.. lalo na pinuntahan sila ng mga reporter para kunan ng pahayag.. pero hindi nila pinaunlakan ang mga reporter. hindi na sila nagsasalita tungkol dito.
Alam nila na malaki rin ang kasalanan nila kay Almera. hindi man lang sila nakahingi ng tawad nito.. mula ng nabalita sa tv, hindi na makatulog ni Lyneth, tapos ang Mama niya lagi pa nasa sugalan.. isang gabi, aalis na naman ang kanyang Mama, nagtatalo na naman sila.. hinarangan ni Lyneth ang kanyang Ina para hindi na ito umalis..
Ma.. aalis ka na naman.. lagi ka na lang nagsusugal, di ka ba natatakot? alam mo naman ang mga nangyayari di ba?. huwag ka ng aalis ng bahay.
Mas nakakatakot pag nasa bahay.. bakit ka ba natatakot andiyan naman mga kapatid mo.
so iiwanan mo kami dito, hahayaan mo kami na mumultuhin ni Almera" nadinig ng kanyang kapatid na si Ava,?
bakit naman mumultuhin tayo ni Almera, ? kung totoo man na si Almera ang naghihiganti at pumapatay , mabuti lang sa kanila yon. wala naman silang karapatan mabuhay sa ginawa nila kay Almera...
hindi ka takot kay Almera? " tanung ni Lyneth kay Ava
bakit ako matatakot?. wala naman akong ginawa sa kanya, kung meron man, dahil sinulsulan niyo ako, pero humihingi ako ng tawad kay Almera pag nasaktan ko na siya.. saka lagi namin siyang dinadalaw ni Arche, pinagtirik namin sila ng kandila ,at pinagdasal namin sila ng Papa Roberto niya...
tama si ate Ava, lagi namin sila pinagdasal, si Ate Almera at si Papa, siguro ikaw ate Lyneth malaki ang kasalanan mo kay Ate Almera, di ka man lang siguro humingi ng tawad sa kanya..
biglang nag-alarm ang kotse ni Lyneth, at bigla itong natakot.. Ayan na! nagmumulto na... may pusa pala na tumalon sa kotse mula sa bobong at , na nakipaghabulan sa isang pusapinagtawanan siya ng 2ng kapatid niya...
umalis pa rin ang Mama niya.... di ba noong mga nakaraang araw, sabi mo may umiiyak sa kwarto ko? tapos may narinig ka na nagbabasag na parang nagwawala... sabi niya kay Ava
So.....
sabi mo hindi ikaw ang may gawa, tapos nong isang araw may nakita akong babae sa salamin, ng bumaba ako sa hagdanan , muntik akong mahulog, parang may nagtulak sa akin.
ahhh... so pinag-mumultuhan ka ni Almera.. bakit ngayon lang si Almera nagmumulto ? eh mag-aanim na taon na siyang patay?
ewan ko... di ko alam.
baka totoo, kaya hindi nakakulong ang mga suspeks, kasi nagpapabayad kayo, yon ang sabi ni Aling Marilyn.
hindi totoo yon... " di mapakali ito, palakad lakad, uupo... sinindihan ang yosi.
Ate.... Ano ba?! itapon mo nga yang yosi mo ang baho..
Arche, pwede sa kwarto mo ako matulog.. natatakot kasi ako..
Ate..
segi na, kahit ngayong gabi lang.
segi na nga, at patayin mo na yang yosi mo, naninigarilyo ka na naman..
BINABASA MO ANG
Hanggang Wakas
General FictionHanggang saan magwakas ang tunay na pag-ibig, Hanggang saan siya ipagtatanggol ng kanyang minamahal, Hanggang kailan niya tanggapin na itoy wala na...Hanggang kailan panghahawakan ang isang pangako isang pagmamahalan na nagwakas sa isang malagim na...