Chapter 8 Ang paninindak ni Almera

77 15 0
                                    

Hinanap na ni Almera ang mga lalaking umaabuso sa kanyang pagkatao, bumalik siya sa kanyang  dating pinagtratrabahuan, hindi niya nakita si Bryan. pero nakita niya ang tao na isa sa umaabuso sa kanya... isang anak mayaman din na nagmamay-ari ng travel agency na umuupa sa building...

tamang tama lunch break, walang katao-tao . sinundan niya si Lester na pumasok sa banyo ng lalaki... pagkatapos umihi ni Lester naghugas ito ng kanyang kamay... nakita niya ang babae na pumasok...

Miss nagkamali ka yata ng pinasok na bathroom.. o talagang sinundan mo ako... " nagmamayabang pa ito, ngumiti lang sa kanya si Almera. pag lingon niya nawala ang babae... lumabas ito sa banyo at nakita niya ang babae na pumasok sa kanyang opisina...

nakita niya si Almera na nakaupo sa kanyang office table... nilapitan niya ito... pagkalapit niya.. 

kilala mo ba ako? kamusta ka na?

ngayon lang kita nakita.. Im Lester.. " inaabiot ang kamay at nagpacute pa ito" 

Ako si Almera ang babaeng pinagsamantalahan niyo at pinatay... ' nagkaroon ng takot si  Lester,

natatandaan mo ba ang mga ginagawa niyo sa akin? !  

natigilan si Lester ng nagbago na ang anyo ni Almera, mula sa magandang mukha, naging nakakatakot na ito.. tumakbo si Lester palabas ng office at sinundan siya ni Almera kahit saan siya nagpunta... narinig niya ang malakas na tawa ni Almera..

segi tumakbo ka... tumakbo ka... " tumawa ng malakas"   iligtas mo ang iyong sarili

sa pagtakbo ni Lester, biglang sumulpot sa kanyang harapan si Almera.. tumakbo ito pabalik pero susulpot sa kanyang harapan si Almera... nagmamamakaawa si Lester sa kanya..

patawarin mo na ako.... hindi ko sinadya . sabit lang ako sa grupo ni Bryan... may mga anak ako at asawa.. " umiyak ito at nagmamakaawa

walang kapatawaran ang ginawa niyo sa akin!... kaya tumakbo ka na! takbo! ... 

tumakbo ng walang direksiyon hanggang sa napunta na ito sa rooftop

wala ka ng mapuntahan pa.... kaya tumalon ka na! talon! o papatayin ko rin ang asawa at mga anak mo! pati magulang mo idadamay ko!  papatayin ko sila lahat pag hindi ka tumalon.. Talon ! tumalon ka na  " pasigaw na sinabi ni Almera sa kanya" 

nangninginig sa takot si Lester na nagiiyak...nagmamaka-awa ito kay Almera

parang awa mo na.... patawarin mo na ako Almera.. patawarin mo na ako.... 

walang kapatawaran sa ginawa ninyo sa akin.. lumapit sa kanya si Almera, at napansin ito ng mga tao sa baba, nagkagulo na ang mga tao, sa inakala na may taong magpapakamatay, agad inaakyat ng mga security guard ang buliding para saklolohan ang tao at kausapin ng mahinahon, nagtawag rin sila ng mga pulis, nang nasa rooftop na.. kinausap siya ng guard..

Sir.. huwag mong gagawin yan, bumaba ka diyan.. pag-usapan natin kung ano man ang problema... 

takot na takot si Lester,  hawak niya paa ko.... itutulak niya ako.... papatayin niya ako..

 sino ang papatay sayo? walang ibang tao dito, bumaba ka na diyan...

papatayin niya ako.... tulungan niya ako... 

Hanggang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon