Nasa lupa pa rin ang kaluluwa ni Almera, di pa rin siya matahimik, hinihintay niya ang pagbabalik ni Leandro.... binabalikan pa rin niya ang mga lugar na parte ng buhay niya.. doon lagi niya nakikita ang pangunahing suspek sa panghahalay at pagpatay sa kanya ang anak ng may ari ng building na pinagtratrabahuan niya at anak rin ng isang pulitiko, malayang nakipagligawan sa mga babae .... malayang gumawa na naman ng katarantaduhan..
Namatay na rin ang Ama ni Almera, at ang step mother at ang mga anak nito ang nakininabang sa bahay at pera niya.... nakikita niya na di inaalagaan ang Ama niya ng kanyang madrasta... marami siyang gustong gawin , pero di naman niya magawa ito, dahil wala naman siyang kapangyarihang humawak o gumawa ng imposibling bagay... pinagmasdan na lamang niya ang mga taong nasa paligid niya..
may nakitang siya babae na kagaya niya.... na sinalubong ang isang tumatakbong kotse... iniiwasan ito ng kotse at itoy nabangga sa isang poste ng kuryente... ilang sandali nagkagulo na ang mga tao, sobrang sira ng kotse at tiyak na di makaligtas ang sakay don.. hinanap ni Almera ang babae... nakita niya ito na nakatayo sa tabi ng kotse...
bakit mo ginawa yon?
malaki ang kasalanan nila sa akin...
anong ginawa nila sayo...
asawa ko yong lalaki at kabit niya ang babaeng kasama niya!... pinapapatay nila ako... inagaw nila lahat sa akin.. pera, bahay. pati anak ko nilason nila ang isip... alam mo ba ano sabi nila sa anak ko.. masama akong Ina at sumama sa ibang lalaki. hindi man lang alam ng anak ko na patay na ako.....
paano mo nagawa na magpakita sa kanila, na bigla na lang sumulpot sa harapan ng kotse....
pag puno ng galit ang puso mo.. pag inisip mo ang lahat na masasamang ginawa sayo, pang-aapi yong mga sakit na ipinadama nila sau. magagawa mo ang mga imposibling bagay. kung masaya ka naman sa pamelya mo , isipin mo rin ang ma bagay na nagpapasaya sayo. magagawa mo rin ang mga imposibling pangyayari.
paano malaman ng lahat na patay ka na? sa mga kamag-anak mo? lalo na sa anak mo, hindi nila alam kung ano ang nangyari sayo?
gagawa ako ng paraan, bago ko gawin yon, gusto ko muna maghihiganti sa kanilang dalawa gusto ko maputol ang mga paa nila pareho. yong hindi na sila pakikinabangan sa mundong ito.
paano kung makaligtas sila...
di ko sila titigilan, hanggang silay mamatay.
napaisip si Almera sa sinabi ng babae sa kanya.. unti unti niyang pinag-aralan ang paghawak ng bagay, puro masasaya ang kanyang inaalala, iniwan niya pangsamantala ang masamang nangyari sa kanya, at unti-unti niya itong natutunan, lumipas pa ang ang mga taon , parang ligaw na kaluluwa si Almera na nakakulong sa kanyang nakaraan.. at parang namumuhay ng normal sa kanyang bahay, di naman siya nagparamdam o nanggulo sa mga tao sa loob ng bahay, tinatakasan niya lagi ang sundo niya ayaw niya magpakita nito, dahil ayaw pa niya umalis sa lupa, para siyang buhay na naghihintay sa pagbabalik ni Leandro... dahil may pangako ito sa kanya na siyay babalikan..
sa paglalakad niya nakita niya ang kanyang sundo iniiwasan niya ito uli, laging nakipag-patintero
ang tagal mo ng nanatili dito, hindi mo na mundo ito Almera, sasama ka sa akin. bago mahuli ang lahat.
may hinihintay ako, nangako na akoy babalikan,
BINABASA MO ANG
Hanggang Wakas
General FictionHanggang saan magwakas ang tunay na pag-ibig, Hanggang saan siya ipagtatanggol ng kanyang minamahal, Hanggang kailan niya tanggapin na itoy wala na...Hanggang kailan panghahawakan ang isang pangako isang pagmamahalan na nagwakas sa isang malagim na...