chapter 3 Ang Pangako

100 15 0
                                    

matapos inilibing si Almira, inooperahan si Leandro , nakahanap ito ng donor.. laking pasasalamat niya na nakakita na siya.... naging succesful ang kanyang operasyon. laking pasasalamat niya sa nagbigay ng mga mata sa kanya. at nagkaroon siya ng panibagong buhay.. natuwa naman si Almera na nakakita na kanyang Nobyo. pero malungkot pa rin si Leandro.. di pa rin mawala sa mga magandang alaala sa kanyang minamahal. hawak ang larawan nila ni Almera... Miss na miss na kita mahal ko.. biglang umagos ang mga luha nito..  tumunog ang celp. tawag mula sa police station.. pagkatapos sagutin, agad nagpunta sa police station si  Leandro.. 

inurong na ang demanda laban sa 2 at sa isa pang suspek. pinakawalan na kanina.... nakipagayos na si Mrs Fuentes sa mga suspek. wala ring matibay na ebidensiya.

God!!   " nanlulumo si Leandro" Sir... kilala ni Almera ang mga suspek..... pinatay at ginahasa nila si Almera pati magiging anak namin pinatay nila.... Sir.. please naman, hulihin niyo ulit sila

oo kilala niya... malaking tulong yon pagsabi niya bago siya namatay... pero pickup girl ang Nobya mo.  sabi ng suspek ang biktima ang humarang sa sasakyan nila at nagyaya..pinapatuyan yan ng kapatid niya na matagal na niya ng ginagawa ng nobya mo....

hindi totoo yan! sinungaling sila... pinagpeperahan lang nila ang pagkamatay ni Almera... mga sinungaling sila..... segi pick-up girl na kung pick-up girl ang Nobya ko... pero pinatay pa rin nila at ni rape... mananagot pa rin sila sa batas Sir!... bigyan ninyo naman ng hustisya si Almera...

pero nakipag-alegro na si Mrs Fuentez sa kanila... yong leader ng grupo. kahit di na pa siya nahuli.. malaya na siya... wala na tayong magagawa ...

ganun na lang ba!... hindi man lang mabigyan ng katarungan ang girlfiend ko, nirape siya at pinatay sa mga gago na yon.!...... 

walang nagawa si Leandro. umuwi agad ito s bahay at naglasing. galit na galit rin ang Ina ni Leandro.. nang nalasing si Leandro sumugod ito sa bahay ng Madrasta ni Almira.. at nagwawala don at nagbabasag, nagtawag ng tanud  si Susana at pinahuli si Leandro, sa Barangay Hall, nagkasagutan si Almera at si Susana....

mga wala kayong kwenta!  magkanu ang ibenayad sa inyo. 2 milyon?! 5 milyon?!, mumultuhin sana kayo ni Almera.... puro kayo pasakit sa kanya!  wala pang isang buwan na namatay si Almera.. pinagpeperahan niyo pagkamatay niya!

wala naman tayong magagawa... walang ebidensiya... wala rin kaming panggastos sa abogado.. maintindihan na ni Almera yon.... may sakit ang ama niya... alangan naman kami pa ni mommy ko ang gagastos....

" sinampal nI Marilyn ang anak na babae ni Susana".. dapat lang kayo ang gagastos.. dahil kayo ang nakikinabang.... mga bweset kayo!! bweset !  

walang nagawa ang mag-ina.... umuwi silang talunan... nagulat si Almira sa pasya ng anak... 

 babalik ako sa pag abroad ma.. gusto ko muna lumayo dito..

segi anak... para naman makalimutan mo pansamantala ang masamang bangungot sa buhay mo..

madaling naayos ni  Leandro ang kanyang mga papers para sa pag abroad niya.. halos araw -araw bumibisita siya sa puntod ni Almera... may dalang paboritong bulaklak at nagtirik ito ng kandila

huling araw ko na to pagbisita ko sayo mahal ko.. babalik ako sa abroad, pero humanda sila lahat sa pagbalik ko... igaganti ko kayo sa mga hayop na yon ... magipon lang ako ng lakas at pera... saka ko sila harapin isa isa... kahit gaano pa sila kayaman at maimpluwensyang anak .. haharapin ko sila... ikakamatay ko man.....  "bumuhos ang luha nito"  pangako ko sayo yan mahal... ipaghihiganti ko kayo ng anak ko...  nagstay ng isang oras si Leandro... at binalikan ang kanilang mga nakaraan

natatandaan mo ba  yon  My.. noong bata pa tayo  iyak ka ng iyak .. dahil pinalo ka ng tiya Susana mo...  dahil pinagbintangan ka na ikaw ang kumuha ng pera niya.... nang nakita mo ako.. bigla mo akong niyakap..sabi mo pahingi ng kanin at ulam kasi gutom ka na.. pinagtawanan nga kita kahit nag-iiyak ka na di mo pa rin nakalimutan kumain.. ako naman nagmamadaling kumuha ng pagkain, tapos sa likod bahay tayo kumaing dalawa....   narinig ni Almira ang kwento ni Leandro. gusto niya yakapin ang ito....  pero wala naman siyang magawa di naman niya mayakap ang kasintahan

saka my, pag pinalo ka ng  Tiya mo , aakyat ka sa puno, tapos ako naman aakyat rin, muntik pa akong mahulog.

naalala rin ni Leandro nong ginising niya si Almera

alas 4 pa ng umaga. nagising si Almera sa ingay ng celphone.. si Leandro ang tumawag... kinantahan siya nito ng birthday song... kahit antok pa ito pinakinggan niya ang kanta nitong happy Birthday from beatles kahit wala sa tono, naaliw siya... tumawa ito ng malakas.. .Alam mo kung di lang kita mahal,  pinatayan na kita ng celp.. 

hahaha.. mahal niya ako... buking ka na, mag bf at gf na tayo.

wala akong sinabi na mahal...

sinabi mo kanina... segi na gawin na nating official ang relasyon natin... segi na My....

My ka diyan.. di pa nga tayo. hmmm ... pagiispan ko pa

huwag na... alam ko naman na mahal mo ako,  

 maganda ang takbo ng relasyon nila. gusto ng Ina ni Leandro si Almera, dahil bukod sa mabait at maganda, inaanak pa niya ito... gusto rin ng Ama ni Almera si Leandro, dahil kilala na nito ang pagkatao at magkaibigan sila sa mga magulang nito... kontrabida sa kanilang relasyon ang step sister ni Almera.. lagi niyang hinaharang ang pag-aalis nito sa bahay. pati sa school inaaway siya kahit noong maliit pa siya...

malungkot si Almera na pinagmasdan si Leandro na kinakausap ang kanyang puntod... alam niya na hirap pa rin si Leandro at sobrang nasaktan sa nangyari sa kanilang dalawa.

 napaka-unfair mo My, iniwan mo akong magisa, sana sinama mo na lang ako kung saan ka man naroroon, di ko kayang mabuhay na wala ka. " bumuhos ang luha ni Leandro habang patuloy niyang kinakausap ang puntod ni Almera My, sana umalis ka na lang, sana  tinakbuhan mo na lang ako sa kasal natin, may chance pa na babalikan mo ako uli, nangangako ako sayo... babalik ako dito para mabigyan ka ng katurangan , pangako ko sayo yan My... babalik ako, at hintayin mo ako, sasamahan kita habang buhay...

nagdilim ang paligid.... kumulog at kumidlat at tapos biglang bumuhos ang ulan...  dahil walang masilungan nabasa sa ulan si Leandro.. tumakbo ito palabas ng sementeryo.. 

umalis na si Leandro na may mabigat na pangako kay Almera.... dahil sa pangako ni Leandro, patuloy na gumagala ang kaluluwa ni Almera, hindi niya nilisan ang ang mundo ng mga buhay. lagi niyang pinagtataguan ang sundo nito. hinihintay niya ang pagbabalik ni Leandro, at Hindi pa rin tanggap ni Almera ang kanyang pagmakamatay, para siyang buhay na umaasa sa pagbalik sa kanyang mahal,

 

Hanggang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon