Part 14: A Nice Bike Ride!

295 4 0
                                    


8:00 AM - Maverick's room


"Uuuhhhhmmmm!"


Wala sa sarili akong nag inat.


Saglit kong pinakiramdaman ang sarili ko.

"Hmm."

"Mukhang magaling na ako ah." puna ko sa sarili ko.

__

Author's note:


Siguro kung totoo ang mutants at X-men?

Iniisip ko na baka mutant ako e.

Yung feeling na mabilis na nga ako mag isip, pati healing ng katawan ko e parang ambilis din?

Mabilis gumaling ang sugat at mabilis makarecover sa sakit.

Or maybe that's just the fountain of youth in all of us.

Minsan lang kasi ako magkasakit pero pag kumapit pucha maoospital talaga, pwera tong mga tipong simpleng lagnat lang.

Pero siyempre yun e naiisip ko lang naman :D

or..

I may just be another special creation of that big dude up there :D

___

Magaling na nga.

Wala ng hilo or bigat ng katawan.

Inaantok pa maybe, pero alam kong kaya ko na namang gumala.

Good.

Binigyan ko ang katawan ko ng isang malupet na pag iinat, bumangon at bumaba na.

____

5 minutes after. Dining Room na.


Gising na si Mader at kasalukuyang naglalaba.

"Good morning ma, ang aga mo ata." bati ko sa kanya.

"Tambak ang labada e, nagtutulong na nga kami ni yaya." tugon naman nya.

"Anong oras na kayo dumating kagabi? Saan kayo galing?" wika ko habang naglalagay ng Milo cereal sa mangkok.


(inunahan ko na at baka ako tanung tanungin.)

(reverse psychology rin)


"Dumating kahapon si Tito Walden mo, nagpa dinner lang bago pumunta ng Cavite at tayo ang pinakamalapit mula sa airport." tugon naman nito.

"Wow.. walang bigay sa akin? hehehe.." tawa kong tanong.

"May 500 ka sa akin, bigay nya." matipid nyang wika.


Naglagay ako ng Milk sa Milo cereal bowl ko. Naalala ko si Tito Walden ko.


Astig yun.


In college days nya, Menudo (Band) ang pormahan at galawan nun.


At Ingles-Carabao magsalita not because hindi nya alam ngunit yun talaga ang pangkulit nya sa aming magpipinsan nung araw.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now