7:30 PM - Sa gate ng mga De Lara.
"Walang tao."
"Amf.." dagdag badtrip kong wika.
Tumunog ang beeper ko at tiningnan ko ang message:
"Hi Love ko, I hope u had a fine day out. Sorry we cant talk tonight, isinama ako ni Daddy sa airport para ihatid yung business partner nya. Dont skip meals and sleep ka ng maaga. i love you!" - Margaux
Tangnang yan.
Mukhang talagang matutulog ako ng maaga ah.
Kelangan talaga kasama siya?
Amf.
Bago ko pa maipasok sa clutch bag ko ang beeper e muli itong tumunog.
Binasa ko ang message:
"And I forgot to tell you. DONT SKIP SCHOOL! i love you once more.." - Margaux
"Whatever." nasabi ko na lang.
Well, I have to reply back otherwise magwawalang hiya na naman iyon.
That's the last thing I want to do.Ang magalit si Margaux.
Mas warfreak pa sa akin magalit yan kaya ingat na ingat ako e.
With that said?
Naglakad ako sa pinakamalapit na tindahan na may payphone.
_____
Ni dial ko ang number ng operator and left a message.
"Thats a bummer. Pero ayos lang, ill be fine. Good night love ko! i love you!" - Mav
Matapos ibaba ang phone ay may naalala ako.
Nasa akin nga pala ang beeper number ni Kim!
(In the 9th chapter ng oddventures, kinuha ko nga pala ang ang beeper number nya, na hindi ko na nagawa pang i beep dahil naging close na kami and lagi na kaming nagtatawagan)
(ngayon ko lang gagawin to!)
(ay..)
(honga pala.)
(Na beep ko na siyang minsan sa phone booth nung pinakilala ko siya kay Margaux nung foundation day.)
(Darn it)
(Kala ko pa naman first time na naman!)
At dahil boy scout ako, kinuha ko sa clutch bag ko ang maliit na organizer ko at hinanahap ang beeper number ni Kim.
Hindi ko kabisado by heart at isang beses ko pa lang namang ginawa yun.
Ni dial ko ang operator and left a message:
"Hi Bes! Dumaan ako sa inyo to say hi but walang tao sa inyo e. Call later?" - Mav.
Ibinaba ko ang phone at nagbayad sa tindihan.
Hindi ko naman kailangan hintayin ang reply nya para makapag reply back at sureball namang maguusap kami nito.
In the mean time?
Uuwi muna siguro ako.
______
7:45 PM - Maverick's Crib.
Kasalukuyang nasa sala si Mader at nanunood ng mga telenovela nya.
"Hi ma.." bati ko kay mader direcho sa kusina.
"Hi anak. tapos mo na ba mga assignments mo?" ask nito.
(Ay!)
(Oo nga pala!)
YOU ARE READING
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of a young me, 20 years back. my high school story. A misfit of time, looking for answers my young heart has always wanted to know...