Maaga akong nagising
Nakapangako ako kay Kim (At mukhang araw araw na habit na ito..) na susunduin ko siya."Ang aga mo anak ha." bati ni mader sa akin pagbaba ko ng hagdan.
"Sabay po kami papasok ni Kim ngayon ma." tugon ko sa kanya.
"Ngayon pa lang nagsaing si yaya mo." wika nya.
"Okay lang po, dun na ako makikialmusal sa kanila." paalam ko naman.
"Aba, kapal ng mukha nito nakikikain pa dun ah" natatawang panunukso sa akin ni mader.
Ikot lang ang mata ko.
"liligo na po ako." disinterested kong sagot.
"Binata na.. dumadayo na sa ibang bahay ah. girlfriend mo na ba?" side comment ni mader na natatawa pa rin.
muling umikot ang mata ko.
"Whatever ma, bahala ka jan." asar ko ng wika direcho sa banyo.
Mula sa loob e naririnig ko pa rin ang nakaka asar na tawa ni mader.
___
Matapos mag ayos ay dali dali akong umalis ng bahay at nagpaalam na kay mader na kasalukuyang nag kakape pa.
"Alis na po ako ma." paalam ko.
"Ingat ka anak. Binata na talaga, di na sumasabay sa mommy!" natatawa pa rin nyang hirit.
isinara ko ang pinto at di na smagot pa.
____
5:30 AM. Sa bahay ng mga De Lara:
Naka upo ako sa bandang kaliwang bahagi ng kanilang dining table, kumakain ng handa ni manang.
bumaba si Kim mula sa taas ng naka sando pa pero naka school skirt na at umupo sa tabi ko.
"kain ka lang bes ha. masarap ang breakfast!" wika nya.
"talagang di ka pa mag ba blouse?" wika ko habang nakatitig sa boobs nyang bakat sa sando.
"Baka madumihan e." tanging sagot nya.
Napansin nya kung saan ako nakatingin.
"Bes, anu ba, nasa bahay namin tayo.." bulong nya sa akin.
Natawa ako.
"Bakit? baka magsumbong si manang sa parents mong tinititigan ko suso mo?" bulong ko rin sa kanya.
"Bes! ambastos mo!" madiin pero pabulong nyang wika.
Natawa na lang ako at di na sumagot. Kumain na lang ako ng egg sandwich.
(Laging sandwich ang alumusal dito.)
(Bahay ng maarte.)
(yayamanin)
(grahahahahhahahha!!)
Muli kong sinipat ang boobs ni Kim at muli rin nya akong nahuli.
"Bes!" sita nya sa akin.
"hahahahah!" tawa ko na lang, saktong baba ng daddy nya.
"Good morning po!" biglang switch ko ng aura.
"Good morning rin. Mukhang nagkakasayahan kayo ah." bati ng daddy nya at upo sa tabi ni Kim sa dining.
(you have no idea)
Nakita kong namula ang pisngi ni Kim at awkward ang feeling nya.
"Good vibes lang po. Napapagkwentuhan po kasi namin na malapit na ang vacation." segue ko naman.
YOU ARE READING
The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)
Teen FictionI dedicate this book to the 90's teens Ang sarap balikan ng dekada noventa. Lets time travel to 1996.. This is a story of a young me, 20 years back. my high school story. A misfit of time, looking for answers my young heart has always wanted to know...