Part 17: The Other Side of the Rebel

244 4 0
                                    

Nagtanan.

Nakakatakot na idea.

For a split second, nag sink in sa akin ang bigat ng simpleng salita na iyon.

(Ang mabuhay away from our parents)

(yung idea na paghihirapan mo ang bawat kakainin mo)

(Ang mawalay sa mga luxury na meron ka, just to make a stand.)

(To lose everything you have now..)

(..para sa future na walang kasiguraduhan.)

"Mav?" tawag sa akin ni Rina.

"Rina." tugon ko sabay iling.

"Parang nawala ka sa hulog ah. Balak mo na rin bang itanan si Margaux?" ask nya.

(Hindi necessary)

(Ang nagtatanan lang ay ang nagrerebelde at pinaghihigpitan.)

(Wala naman sigurong magulang na hindi naghihigpit)

(Pero later on in life?)

(Narealize ko na there is a VERY thin line between "pinaghihigpitan")

(..sa sinasakal)

(Mahigpit si Mader)

(Pero nakakahinga ako dahil sa mga diskarte ko.)

(Hindi ako aabot sa ganung punto.)

"No Rina, malabo yun." tugon ko.

Muli umupo si Rina sa sahig at dinampot ang control pad.

"Marami pa akong pangarap na kelangan abutin at mga dapat patunayan sa buhay.." muli kong imik sabay kuha rin ng control pad at muling tumabi sa kanya.

Mula sa peripheral ko view ko ay nakita kong nilingon ako ni Rina..

..bahagyang ngumiti..

At muling tumutok sa TV.

Maka ilang laban pa ng street fighter ay naboring na kami.

"Palitan natin ang laro. Yung cooperative naman." suggestion ko.

Hinatak ni Rina ang shoe box na puno ng NES ROMS Cassettes.

"Mamili ka jan." wika nya.

Andami.

Inisa isa ko ang casettes nya.

(Hmm..)

(Aladdin..)

(Kaso solo game..)

(Ayos.)

(Salitan nalang kami sa mga stages)

(Para nakakayosi ang hindi nya turn..)

Inilabas ko ito at pinakita sa kanya.

"Seryoso ka? Cooperative di ba" ask nya sa akin.

"Pampa good vibes." blanko kong tugon.

"Sige." matipid nyang wika sabay salpak ng Aladdin sa SNES nya.

At ganun na nga ang nangyari. Nagsalitan kami ng stages na tatapusin. Eventually dahil medyo fun and light game ito, dahan dahan kaming naging at ease ni Rina sa isa't isa.

Medyo nawala ang feeling kong parang awkward at dahan dahan ng naging at home ang mga kilos at salitaan namin.

Kasalukuyan kong ni eexplore ang isang egyptian cave na stage sa laro ng marining ko ang nakakabwisit na hirit nito.

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now