Part 2: She's Always a Woman to Me..

608 8 0
                                    

6:00 PM - Maverick's Crib


Mabilis akong nakapag palit ng pambahay na suot at muling bumaba para magtimpla muna ng coffee. Matapos nito ay umakyat ako sa room ko upang makapagpahinga muna.


"Malakas na naman ang ulan.." nasabi ko sa sarili ko habang pumapasok ako ng room.

Inilapag ko ang kape sa mesita ng lampshade at kinuha ang discman ko sa loob ng speedo kong bag.


Inilabas ko rin ang kaha ng yosi at lighter mula sa bulsa nito sa tagiliran at ipinatong ko ang mga items sa mesita.


"Ah teka.!"


Naalala kong may limang box nga pala ako ng condom na binili sa 7-11 kanina.


Para sana yun sa maiinit na eksena namin ni Vanessa kanina na hindi ko na nagamit pa.


("Stock yan boy! Hindi ka makakabili sa iba nyan!")


Naalala ko na naman yung kahero ng 7-11 na kupal.


Ang lakas mangantiyaw amf.

Naisip kong tama naman siya.


Baka magamit ko nga ito.. "when the need calls".


"Stock huh.." wika ko at ipinatas ang limang box sa ilalim ng kama ko, sa loob ng box ng Jordan 11 ko.


Nagsindi ako ng yosi, ikinabit ang discman ko sa speaker at nag play ang CD.


Sa ganitong eksenang malakas ang ulan?


Senti soundtrip, kape at yosi ang perfect combination!


Naka set ng random ang playlist ko and natawa ako ng bahagya sa saktong nagplay na song.


"She can kill with a smile, she can wound with her eyes.."

"..And she can ruin your faith with her casual lies."


(kikay...) bulong ni konsensya.


Ibinuga ko ang usok ng yosi at medyo nilakasan ang volume. Nalulunod kasi ng tunog ng patak ng ulan ang magandang musika.


Sumabay ako sa lirika.

"And she only reveals what she wants you to see..."


"..she hides like a child..."


"..but she's always.. a woman..."


"..to me.."


______

Author's Note:

"She's always a woman to me" by Billy Joel ang song.

Oras pa lang ang lumilipas matapos ang nakapainit na eksena with Vanessa

The High School Oddventures of Admin Maverick: A Misfit in Time (Season 3 and 4)Where stories live. Discover now