Point of View of Iris Faith Jimenez
"Ma, Kailan ka ba uuwi?" Naiinip kong tanong sa kabilang linya. Magtatatlong linggo na ngunit hindi pa siya nakakauwi dahil sa pagaasikaso sa palayan namin sa Sara. Ipinagkatiwala ng aking ama ito sa aking ina bago siya mawala sa mundong 'to at laking tutol doon ang mga kapatid ni papa. Mga ganid ang mga iyon kapag pera ang usapan.
"Hindi ko alam. Kailangan ako dito dahil nag-aanihan na." Narinig ko pa itong bumuntong hininga pagkatapos magsalita.
"Ilang hektarya pa ba ang hindi na-aani? Ilang linggo na, ma. Yung mga kapatid ko dito ang kalat! Hindi lang ako tinutulungan! Pag inuutusan nagdadabog." Agad kong sumbong sa kanya. Tumayo ako at tinitigan ang sarili sa salamin. Nakakunot ang nuo ko at halos mag dikit ang dalawa kong kilay.
Ganito pala ako mainis. Ang ganda ko pa rin.
"Mga walo pa. Madalas umulan kaya medyo natagalan. Kakausapin ko mamaya ang kapatid mo. Uuwi ako dyan mamaya." Napa buntong hininga ako.
Kung alam ko lang, sinisiraan ka nanaman ng mga kapatid ni papa sa mga trabahador na'tin.
Mas lalong nag salubong ang mga kilay ko sa naisip.
"Kung hindi lang sana traydor yang mga kapatid niya edi sana wala ka dyan." Napatawa siya sa nasabi ko, napangiti naman ako. Miss na kita, ma. Agad nagtubig ang mga mata ko at sumikip ang lalamunan.
"Ma, bye na. Papasok na ako. Late na ako. Ingat ka dyan." Agad kong binaba ang cellphone at napahinga ng malalim. Unti-unting tumulo ang mga luhang pinipigilan ko. Kailan pa ba 'to matatapos? Alam kong hirap na hirap na ang ina ko sa probinsiya. Naiimagine ko na lamang na pilit niyang nililibit ang mga hektarya ng taniman ay naiisip ko ang pagod niyang mukha.
Gamit ang likod ng aking palad, marahas na pinunasan ko ang aking mukha. Hindi dapat ako maging mahina.
Napatingin ako sa orasan ng relo ko at napabuntong hininga. Late nanaman ako.
-
Kasalukuyang nagkwe-kwentuhan ang adviser namin at iba kong kaklaseng lalake. Naririto kami sa loob ng classroom. Mga electric fan lamang ang ventilation at gawa sa kahoy ang sahig at nakasemento ang pader.
"Uhmmm, Shiela?" Agad siyang lumingon sa kanan para tignan ako.
"Ano yun?" Mahina niyang bulong sa akin habang nakakunot ang noo. Pinikit-pikit ko naman ang mga mata ko at nag pa cute sa kanya.
"Magtatapos na ang klase. Mami-miss mo ako no?" Nakangiting sabi ko. Binigyan niya lang ako ng blangkong ekspresyon.
"Pinagsasabe mo." Ikinabigla ko ang sagot niya.
"Grabe. Parang wala tayong pinagsamahan!" Saad ko at nagpout sa harap niya.
"Walang makaka miss sa kagaya mo." Deretso niyang saad na tila sisigawan na ako mamaya-maya.
Unti unting nagtubig ang mata ko. Agad kong Inilihis ang mukha ko at humarap na lang kay ma'am.
"Assuming pala ako." Mahina kong saad at minabuting tumingin sa harap. Napayuko ako at pinipigilang lumuha.
"Hahahaha! Joke lang!" Natatawa niyang sabi. Humarap siya sa'kin at niyakap ako. Parang tanga namang umiyak pa ako lalo. Eto na nga ba ang sinasabi ko.
"Mukhang shunga naman, Shiela!" Inis kong sigaw sa kanya at tumawa lang siya.
"Hahaha! Bakit kasi umiyak ka kaagad! Don't tell me pag sa college na tayo, iyakin ka pa rin?" Sabi niya sa'kin habang tumatawa. Dahil medyo chubby si Shiela ay kita ko ang pag singkit ng mata niya dahil sa katabaan ng pisngi.
BINABASA MO ANG
Faith & Passion
ActionSa isang iglap, pwedeng magbago ang lahat. Pakikitungo mo sa tao o ang pananaw mo sa buhay. Iris Faith Jimenez, isang masayahing babae. Ngiti niya ay tulad ng isang araw sa pagsikat ng umagang dama mo ang init nito. Ngunit, ang mga kulog kidl...