Point Of View of Iris Faith Jimenez
In a span of two weeks maraming nangyare.
Una, may mga nagpaulan ng bala sa bahay bago ako umuwi.
Pangalawa, na-ospital ang pamilya ko at comatose ang mama ko.
Pangatlo, kinasal ako sa taong hindi ko pa kilala. At wala akong matinong kasal! Babae rin naman ako, at simula pa noong ako'y bata, pinapangarap ko na ang simple at beach wedding na kasal. Pero wala! Pirmahan ng papeles lang ang nangyare at ang malala hindi ko kilala ang asawa ko! Late nag sink in sa'kin at, voila! I'm Mrs. De Guzman na! I'm just 18! Sabi ko pa naman sa sarili ko na at the age of 25-28 ako mag-papakasal! *sigh* Let's face the consequences.
Pang-apat, Sa bahay na ako ni Dr. De Guzman nakatira nang unang linggo. At halos mamatay ako sa training. Hindi ako natutulog na hindi bugbog ang katawan ko! Sobrang lapad ng mansyon na 'yun. Ipalibot ba naman ng 10 beses na may mga pampabigat pa sa katawan ko. 100 push ups 200 curl ups. May sparring pa at targetting. Hindi ko rin alam kung para saan ang archery at fencing. Tinuturuan rin akong humawak ng baril. Ang pahonga ko lang ay linggo! Kung hindi ko graduation ngayon ay siguro nakahiga nanaman ako damuhan at pinipilit tumakbo palibot sa mansyon na 'yon.
Pang-lima, nag moving up na ang kapatid kong lalake, Grade 11 na siya ngayon, ang kapatid kong babae naman Grade 8 na. Masaya na sana ako pero, hindi ko sila kasama! Ayaw pumayag ng Doktor na De Guzman na yon na doon sila sa mansyon tumira! Well lumipat na sila ng bahay, may katulong doon at driver, isang beses ko pa lang sila nabibisita at noon yun noong hinatid ko pa sila pg katapos ng moving up at recognition!
Pang-anim, naririto ako ngayon sa graduation ko. At wala akong kasamang aakyat sa stage! Well, hindi ko katabi ang mga kaibigan ko. Alphabetical kami in-arrange ng teacher namin.
Pang-pito, DE GUZMAN NA ANG EPILYIDO KO SA PROGRAM! Noong nakaupo na kami sa assigned seats ng malaman ko! Kanina pa nagtetext ang mga kaibigan ko at hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi.
Just like, what the? Ano pa? Ano pang malala ang mangyayare.
Nang kumakalahati na ang pila ang kabilang section. Sumenyas na ang adviser namin na pumila kami para umakyat ng stage.
Unang beses kung tutungtong sa stage na walang kasama. Nilibot ko ang tingin, hindi ko maiwasang mainggit. Kita ko ang kislap ng mata ng mga magulang ng kapwa ko estudyante. Napangiti na lang ako ng malungkot. Gusto rin ng teacher ko na samahan ako pero tumanggi ako, kung aakyat ako gusto kong kasama si mama.
Nahagip ko ang pamilyar na kasuotan at pigura. Napakunot ang noo ko. Nilibot ko ang tingin at nagtaka.
Bakit sila nandito?
Nakita ko yung dalawang lalakeng tumutok ng baril sa akin sa opisina ni Dr. De Guzman, si Stephen Montero, maamo ang mukha at isip bata, May kataasan siya na siguro'y 5'9. Maputi siya at mas makinis pa ang balat sa akin! Mas maarte sa katawan. Sa kanila siya ang pinaka close ko, dahil sa energetic siya at maingay tulad ko.
Si Calibre Manjares (A.N.: Man-ha-res ang pag pronounce.) naman ay mas define ang itsura, may pagkamoreno at pilyo. Pati yata ako nilalandi niya, hinahayaan ko lang siya minsan pero pag naiirita ako ay sinasaway ko na, at tatawanan niya lang ako.
Kilala ko na sila, nagpakilala sila sa'kin at humingi ng tawad.Ang hindi ko lang alam ang pangalan ng lalakeng suplado na mahilig magmura at manghila o mangaladkad. Well, hindi ko maipagkakailang gwapo siya. Sa malapitan ay hazel at mapupungay ang mata niya, matangos ang ilong, mas depino ang itsura niya, moreno ang kulay niya, ang labi niya naman ay mapula, akala ko nga nag li-lip balm ang loko-loko pero natural lang 'yon dahil pag pinapadaan ang dila niya sa labi— teka! Masyado ko na yatang dinedescribe ang unggoy na 'yon!
BINABASA MO ANG
Faith & Passion
AcciónSa isang iglap, pwedeng magbago ang lahat. Pakikitungo mo sa tao o ang pananaw mo sa buhay. Iris Faith Jimenez, isang masayahing babae. Ngiti niya ay tulad ng isang araw sa pagsikat ng umagang dama mo ang init nito. Ngunit, ang mga kulog kidl...