Ikalawang Kabanata

14 0 0
                                    

Iris Faith's Point of View

     "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nanganganib ang buhay niyo." Saad ng lalaking kaharap ko ngayon. Tinignan ko lang siya ng deretso sa mata.

     Alam ko. Gusto kong sabihin kaso nanatiling magkadikit at tikom ang mga labi ko.

     Naririto kami ngayon sa opisina niya. OO! Opisina niya. Siya ang may-ari ng hospital na 'to! Nakanga-nga pa nga ako ng sinabi niya yun sa akin at tumawa lamang siya sa naging reaksyon ko.

     Nakita ko rin ang pangalan niya sa office table niya. Dr. Gideon Roigie De Guzman, M.D.. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala. He's famous! Maraming beses ko ng narinig ang pangalan niya sa larangan ng medisina! Naririnig lang. Well, tamad akong manood ng balita.

     Nakatitig lang ako sa mata niya, tina-tantya niya siguro kung ano ang magiging reksyon ko, kaya nagsalita ako.

     "Uhhh, alam ko?" Patanong ko pang saad. Pero hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating bukod doon.

     "Kilala ko ang mga grupong gumawa noon sa pamilya mo." Nanatili akong tahimik at nakinig sa kanya. Paano niya nalaman?

     "Ang hindi ko lang maintindihan, Bakit kayo?" Naka-kunot ang noo niya. Napakunot rin ako. Aba malay ko! Naghahanap siguro sila ng diyosa! Malas lang nila,hindi nila ako nakita!

      "Alam ko pong nasa panganib kami. Pero   anong ibig niyo pong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

     "Hindi ko pwedeng ipaliwanag sa'yo. Ikamamatay mo, pag marami kang nalaman. Pero may kundisyon akong hindi mo matatanggihan." Nagtaka ako sa sinabi niya. Ikamamatay ko? At anong kundisyon? Nakita niya siguro ang naguguluhang ekspresyon sa mukha ko.

     Ngumisi siya at halos tumayo ang balahibo ko. Kung kanina komportable ako sa presensiya niya, ngayon naman pakiramdam ko nanigas ang katawan ko. Pinag daop niya ang kanyang dalawang palad at sinarado ito.

     "May pakay sila sa inyo, nang hindi nila makita ang bagay o taong hinahanap nila, nainis sila. Base sa mga tauhan ko, hinahanap daw nila ang panganay. At ikaw yun, tama?" Lumawak ang ngisi niya. Tumayo siya at yumuko kasama ang katawan pagkatapos nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong.

     "Anong meron sa'yo?" Mahina lang 'yon. Pero halos dumagundong ang buong pagkatao ko. Pati ako napa-tanong.

     Tumayo siya pagkatapos sabihin 'yon. Tumalikod siya at humarap sa salamin na bintana, kita doon ang malawak na tanawin.

      "H-Hindi ko alam." Saad ko at humigop agad ng hangin. Hindi na pala ako humihinga. Hindi ko alam na nag e-exist pala ang nakakatakot na aura ng tao.

      "Iris Faith Jimenez." Tawag niya sa pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman ang buo kong pangalan?

     "Kilala ko sila. Hindi sila titigil hangga't hindi nasusunod ang utos ng nakakataas sa kanila." Namawis ang palad ko. Tae naman. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko.

     "Kukunin ka nila. Kaya nadamay ang mga taong malalapit sa'yo." Napalunok ako. K-kasalanan ko?

     "Kaya, may kundisyon ako." Humarap siya sa'kin at ngumisi.

     "Tumira ka sa pamamahay ko. Hindi kasama ang pamilya mo. Pero makaka asa ka na proteksyon nila ang ibibigay ko. Pero may kapalit."

     "M-May kapalit?" Kapalit? Manyak ba siya? Hindi naman siguro yung ano right? Di naman siya Pedophile dba?

Faith & PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon