Unang Kabanata

18 0 0
                                    

Unang Kabanata

Iris Faith's Point of View

"A-Ate..." Agad lumabo ang paningin ko nang makita ko ang kalagayan ng bunso kong kapatid. May mga pasa siya at sugat. Hindi lang yon. Alam ko. Alam na alam at ramdam ko na may mas higit pa na sakit ang meron siyang nararamdaman. Lumapit agad ako sa kanya at niyakap siya.

"S-sorry... Hindi ka na protektahan ni ate." Pilit kong pinapatatag ang boses ko. Hinimas ko ang likod niya at agad siyang napahagulhol.

"Muntik na... Muntik na akong- Natatakot ako, ate." Agad kong pinalis ang luhang kumawala sa mata ko. Ramdam ko ang kirot na tila pinipiga ang puso ko.

"A-ayos pa kami ni-nila mama... Ng bigla na lang may nagpa ulan ng baril sa la.. labas ng bahay. Pinagtago ako ni mama. Si kuya Gab, kasama ko sa kwarto. Bi-Biglang bumukas ang pinto! Nakita ko kung paano nila saksakin si mama. Tinatanong nila kung nasaan daw ang panganay.... A-ate." Agad akong napalunok. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya dahil sa takot.

Ako? Bakit ako ang hinahanap?

"B-Baka ikaw ang i-isunod nila... Hi-Hindi ko kaya! Dahil hindi ka nila makita, nainis sila kay Kuya Gab. P-pinilit ni kuyang lumaban... Dahil nakita niyang hu.. hubaran ako ng masamang lalake. Ha-hayop siya ate! Ang sama nila!"

Napakuyom ako ng kamao. Pakiramdam ko unti-unting nabubuhay ang galit sa sistema ko. Tahimik kong niyakap ang kapatid ko habang umiiyak.

Bakit kailangan niyang maranasan 'to sa murang edad?

"Ma-mabuti na lang dumating siya ate. May mga kasama rin siya" Natulala ako sa sinabi niya.

"Sinong siya?" Tinulak ko ng kaunti ang kapatid ko para hawakan ang balikat niya. Tinignan ko siya sa mata.

M-may nakikita ba siya?

"Nakita mo si kamatayan?" Nanlalaking mata kong tanong sa kanya.

Lumukot ang mukha niya at hinampas ang mukha ko! Anak ng tokwa naman oh! Ang sakit!

"Bakit mo ko hinampas!?" Hinihimas ko ang kaliwang pisngi ko.

"Ang slow mo! Yung taong nasa likod mo yung sinasabi ko! Yung kasama mo kanina!" Naramdaman kong nawala na ang panginginig ng katawan niya sa takot. Kahit papaano ay nabawasan ang pag aalala ko.

Napatigil ako saglit sa pag iisip. Ang kasama ko kanina? Hindi ko pala natanong ang pangalan niya.

"Ate? Sila mama? Kumusta? Si kuya Gab?" Tinignan ko lang siya at ngumiti. Dahil sa mga oras na ito iyon lang talaga ang kaya kong gawin. Ayokong pati siya ay mag alala.

"Magiging ayos lang sila." Kritikal sila. Nasa operating room pa. Gusto kong sabihin, pero tinikom ko na lang ang bibig at ngumiti.

"Matulog ka na. Babantayan ka ni ate." Ngumiti rin siya pabalik.

"Ang panget mo, ate. Ngiti lang yata maganda sa'yo." Inikot ko ang mata ko at tumawa lang siya.

"Pero pag nakikita ko yan, gumagaan pakiramdam ko." Dugtong niya. Parang may humaplos sa puso ko noong sinabi niya iyon.

"And dami mong sinasabi. Kakantahan na lang kita." Ngumiti lang siya at tumango. Inayos ko muna siya ng higa at kinumutan.

"And I'd give up forever to touch you"

"'Cause I know that you feel me somehow"

"You're the closest to heaven that I'll ever be"

"And I don't want to go home right now"

Faith & PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon