Ikaapat na Kabanata

11 0 0
                                    

Point Of View of Iris Faith Jimenez-De Guzman

    
     "Iris! Buti dumating ka!" Salubong sa akin ni Sean pagkababang pagkababa ko ng motor. Iniayos ko naman ito at nilock para hindi gumalaw. Napagdesisyonan ko rin na dalhin na lang ang helmet dahil baka nakawin pa... na ninakaw ko rin.

     Pinasadahan ko siya ng tingin, isang off-shoulder na top na kulay pastel-blue. Naka ponytail, at simple lang ang make-up. She's perfect!

     "Kailan ba ako bumali sa usapan? Tsk. Kung alam mo lang kung paano ako tumakas." Sabi ko sa nayayamot na tinig at tumawa lang siya. Nilibot ko ang tingin dahil hindi ko makita ang ibang kasama namin.

     "Errr. Bakit parang may nag-iba sa'yo?" Sa halip na sagutin siya ay iniba ko ang usapan.

     "Nasaan na sila?" Naka-kunot kong tanong sa kanya. Imbis na sumagot ay tumawa lang siya at hinila ako.

     Hindi maiwasang mangasim ang mukha ko sa lugar, kahit na nasa labas kami ay rinig ko ang maingay na tugtog sa loob. Huminto kami sa may bouncer para ipakita ang pass. Dalawa naman ang hawak ni Sean kaya pinapasok kami. Nginitian ko lang sila manong kahit nakakatakot sila. Napa pout na lang ako ng tumingin lang sila ng seryoso. Mga suplado! Naalala ko tuloy yung supladong unggoy na 'yon.

     "Jusko! Anong nangyare sa earth! Ang mga magagandang mata ko!" Sambit ko habang nakatakip ang kanang palad ko sa mata! Hindi ko kaya ang nakikita! May naglalaplapan ba naman sa kanang seats na nadaanan namin.

     Habang naglalakad, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa bulsa. Tingin ko hinahanap na ako ng mga loko loko. Sana patawarin ako ni Lord dahil pinili ko ang alak na maging labasan ng sama ng loob at hinanakit ko sa mundo ngayon.

     "Ano ba te! Pa VIP e' no?" Nakataas na kilay na salubong sa'kin ni Jybell. Na offend man kaunti, ay tumawa lang ako at ngumiti.

     "Grabe kayo! Tumakas nga lang si Iris!" Sabi ni Shiena, napailing na lang ako. Pumwesto ako sa tabi ni Leo. Nginitian ko lang siya at nilibot ang tingin.

     Anim kami sa grupo, si Sean ang pinaka-bestfriend ko, si Shiela na next na pinaka close ko, si Jybell, medyo vibes kami dahil maituturing ko rin naman siyang kaibigan, masyadong matalas nga lang ang dila at walang filter. Si Leo at Francis naman na mahilig umikot ang mga mata pag kasama namin. Naghahanap ng chiks e. Mga loko loko.

     "Si Francis? Nasaan?" Tanong ko habang kumuha ng kalamares sa mesa. Medyo naka inom na pala ang kasama ko.  Marami na kasing beers at cocktails ang nasa mesa.

     "Nag c.r., pero tingin ko nakakita nanaman yun ng chiks. Hahahaha!" Natatawang sabi ni Leo, tumawa na lang rin ako sa sinabi niya.

     "Iris? Anong gusto mong inumin?" Tanong ni Sean. Hindi naman ako nagdalawang salitang sabihin na.

     "Vodka? Basta kahit anong hard drinks. Thanks." Saad ko at nanlaki ang mga mata niya, hindi ko naman napigilang matawa sa reaksyon niya.

     Paglapag pa lang sa lamesa ng inumin ko ay agad ko itong ininom. Napapikit ako sa pait pero sa kabila ng pait ay nagpatuloy akong uminom hanggang sa nasanay na ako sa lasa.

      Nilibot ko ang ang tingin sa mga kasama ko, hindi ko mapigilang itaas ang kaliwang kilay. Anong trip nila? Tignan ba naman ako. Umiling lang ako at sinalinan ulit ang baso ko ng alak. Pagkatapos, ininom ko ito ng diretso.

     "Ang pait! Hahaha!" Natatawa kong tanong. Pakiramdam ko lumulutang na ang pakiramdam ko. Mababa pala ang alcohol tolerance ko. Magd-drive pa naman ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Faith & PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon