"Wala na naman parents mo noh?" tanong ni Shane.
"You bet. Kailan pa ba sila nagtagal sa bahay? Kami-kami na nga lang ng kapatid ko ang palaging nagkikita dun," sagot ko naman.
"Well, nothing's new," nakakibit balikat na sagot ni Eira.
"As if naman na hindi mo gusto noh! You're always free to do whatever you like. And not to mention, may kasama pang napakalaking allowance from your parents who are always not around," sabi naman ni Mich.
"I know right! They really love me soooo much!" sagot ko naman habang nakangisi nang napakalapad.
"Spoiled brat!" pangutngutya na sagot ni Mich. At sabay sabay namang tumawa ang buong barkada.
"Inggit lang kayo noh! Some people are just born lucky!" sagot ko naman sa pangungutya nila. "So dito na lang ba tayo or itutuloy natin ang slumber party?" I said trying to change the subject.
"Bili muna tayo ng pagkain bago pumunta sa house niyo Corrine!" masiglang suggestion ni Tasha.
"Hay naku Tasha pagkain na naman yang nasa utak mo. Mamaya nyan tumaba ka na talaga ng tuluyan," si Eira nagsabi nun..aso't pusa talaga yang dalawang yan.
"Hindi kaya!" yun lang ang nasagot ni Tasha. Hay kawawang Tasha. Naubusan na naman ng isasagot kay Eira. Pagdating talaga kay Eira hindi na siya nakaka-isip ng magandang comeback.
"Tasha, may mas maganda akong idea. Magluto ka na lang mamaya. Please?" request ko kay Tasha. Alam ko namang hindi nya yun mahihindi-an kasi paborito nya ang pagluluto.
Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Tasha nang marinig niya ang sinabi ko.
"Sige sige! Gustong gusto ko yan!" yun na lang ang naisagot niya dahil sa sobrang excitement.
"So tara na?" tanong ni Shane. Nainip na siguro. ^_^
"Yeah, pero bago pumunta sa bahay, bili muna tayo ng mga kakailanganin natin para sa slumber party later. At para na rin mabili natin ang mga ingredients sa lulutuin ni Tasha," suggestion ko sa barkada.
"Tama agree ako diyan," pagsang-ayon naman ni Eira.
"So daan muna tayo sa mall?" tanong ni Shane.
"Sige, maaga pa naman," sabi ni Vinny.
"Yey! Shopping!" excited na sagot ni Mich.
"Hoy Mich mga kakailanganin lang para sa slumber party ang bibilhin natin. Baka mamaya bilhin mo na naman ang buong laman ng department store. Wala tayong time para diyan," paalala ni Tasha kay Mich.
Take note hindi nagbibiro si Tasha sa sinabi niya. Hindi talaga malayong bilhin na naman ni Mich ang lahat ng magustuhan niya sa loob ng department store sa mall. Eh adik yan sa shopping eh. Panigurado gagabihin na naman kami kung sakaling mangyari yun. Naku naku naku.
"Oo na po, hindi na ako mamimili. Hmmp," nagtatampong sagot ni Mich.
"Oh ano? Alis na tayo?" tanong ni Eira. Isa pa tong mainipin.
"Let's go!" sagot ko naman. Isa-isa na naming kinuha ang mga sasakyan namin sa parking lot at dumiretso na sa mall.
Pagdating sa mall, nag-decide kaming maghiwa-hiwalay para mas mabilis naming mabili lahat ng mga kailangan para sa slumber party later.
We divided the list of things that we needed to buy into four. Magkasama sina Shane at Mich sa pamimili, then Eira and Tasha, Vinny and Camille at finally ako. Yes, mag-isa ako. Huhu, ang daya.. De joke lang. I work better alone. Char!
![](https://img.wattpad.com/cover/17013838-288-k235692.jpg)