Chapter 4 - The Mystery Guy

7 0 0
                                    

"H-hello?" medyo nauutal pa siyang nagsalita.

Finally, may sumagot din. Akala ko tuloy sira na 'tong phone ko.

"Yes? Sino 'to?" I asked.

"H-hi, t-this is Josh. I-I don't know if you know me pero iisang school ang pinapasukan natin," medyo nauutal pa ring sabi nung lalake sa kabilang linya.

"Medyo familiar yung name mo pero I don't recall ever meeting you. If you don't mind me asking, where did you get my number?" I asked. Medyo na-weweirduhan na ako dito sa lalaking 'to..

"Uhmm, I got it from a friend," sagot nya.

Sino naman kayang friend 'yun?

"Sinong friend?" I asked. Sobrang curious na ako sa taong 'to.

"Kay Arriene. Diba classmate mo siya?" ahh, kay Arriene niya pala nakuha 'yung number ko. Arriene is my new classmate. I didn't know her before until we became classmates this school year. Mabait naman si Arriene and we talk from time to time. But there's definitely something weird about her... or maybe it's just all in my mind. Medyo may nararamdaman kasi akong inis sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawang masama. I know it's weird, but I can't seem to pinpoint why I tend to get irritated when she's around.

Habang sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na hindi na pala ako nakasagot sa sinasabi nitong tumawag na Josh daw ang pangalan. Ayon tuloy panay "hello" ng "hello" sa kabilang linya. Akala siguro binabaan ko na siya. Hihi.

"Sorry for that. Medyo busy kasi ako ngayon kasi may party kami ng barkada ko dito sa bahay. Is there anything I can do for you?" I asked. Palusot ko na lang na busy ako kasi naman para akong ewan kanina na hindi nakasagot.

"A-ahh wala naman. *ehem* Gusto lang kita makilala. Ngayon lang kasi ako nagkalakas ng loob na tawagan ka," dire-diretso naman pala siya kung magsalita eh. Hindi na siya nauutal. Kinakabahan lang siguro kanina.

Pero ano daw? Gusto niya ako makilala? Bakit naman kaya?

"Corrine!"

Magtatanong na sana ako sa kausap ko sa phone kung bakit niya ako gustong makilala nang bigla akong tawagin ni Mich.

"Corrine!"

"Teka lang Josh ha. Tinatawag kasi ako ng kaibigan ko. I'm so sorry, " sabi ko sa kanya.

"No it's okay. I know you're busy. If okay lang sa'yo, tawag na lang ulit ako mamaya?" tanong nya.

"Corrine!" ayan na naman si Mich.

"Mukhang kanina ka pa tinatawag ng kaibigan mo," medyo natatawang sabi niya.

"Ewan ko ba kung ano ang kailangan 'nun. Sige Josh, tawag ka na lang mamaya. Medyo hindi na kasi makapaghintay itong si Mich. Bye!" paalam ko sa kanya then I ended the call.

After that, pumunta na ako sa pool area kung saan nandoon sina Mich.

"Finally! Kanina pa kita tinatawag!" salubong sa akin ni Mich.

"Ano ba kasi ang kailangan mo?" i asked in a 'somewhat' irritated tone.

"Ay, nainis? Haha! Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na tapos na kami ni Vinny magset-up ng sound system at saka...." nag-pause muna siya bago nagsalita ulit, "at saka nagugutom na kami," sabi niya habang napakalapad ng ngiti.

Hay naku! Yun lang pala ang sasabihin pero kung makatawag parang may emergency.

"Yun lang?!" bulalas ko. Nagugutom lang pala. Ang tatakaw talaga ng mga kaibigan ko.

"Anong yun lang? Importante kaya yun!" sabi ni Vinny at nag-pout pa. Isa pa 'tong matakaw.

"Ewan ko sa inyo. Tawagin niyo na sila Shane at magpapahanda na ako ng pagkain," sabi ko.

"Yey!" sabay na sabi naman nila Mich at Vinny.

*bzzzt bzzzt*

Aalis na sana ako nang biglang nagvibrate yung phone ko.

It was a text from an unknown number:

"hi corrine, tatawagan kita mamaya... ingat ka diyan... :) -josh"

Napangiti na lang ako pagkatapos kong basahin ang message niya.

"At sinong Josh naman 'yan? Ayieeeee!" si Mich ang nagsabi 'nun. Medyo kinikilig pa ang loka-loka. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala sila at habang binabasa ko kanina ang text ni Josh, eh nakikibasa din pala silang dalawa ni Vinny.

"He's a new friend, I guess," maikling sagot ko.

"We won't accept that as an answer! Magkwento ka na! Dali!" hindi mapakaling sabi ni Mich.

"Oo nga naman Corrine! No secrets, remember?" sabi naman ni Vinny. Isa pa 'tong tsismosa. Alam kong hindi matatahimik ang dalawang 'to hangga't hindi sila makakasagap ng tsismis!

"I'll tell you guys later, alright? For now, magpapahanda muna ako ng pagkain natin. Then after that, ikukwento ko na sa inyo," sabi ko at umalis na. Hindi ko na sila hinintay sumagot kasi alam kong kukulitin lang nila ako.

Habang nalalakad papuntang kitchen, nagreply muna ako kay Josh:

"alright :)"

Yun lang ang naisip kong i-reply. Haha. Anong magagawa natin eh speechless ako eh!

Medyo na-iintriga ako dito sa Josh na 'to. Ano kaya ang dahilan kung bakit gusto nya akong makilala? Hmmmm... I have a feeling na malaki ang magiging role niya sa buhay ko.

YOU AND I BOTH LOVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon