That night...
"You make me feel like I'm living a teenage dream..." ayan na si Vinny. Hindi na yan magpapaawat sa pagvivideoke. Feel na feel niya talaga na siya si Katy Perry habang kinakanta ang "Teenage Dream". And take note, sumasayaw pa talaga siya habang kumakanta. Baliw talaga 'to. Kaming tatlo naman nina Mich at Shane ay nandito lang nakaupo at nanunuod kay Vinny. Talagang todo cheer pa kami habang tinatawanan namin ang kabaliwang ginagawa niya. Sina Eira, Tasha at Camz naman ay nandoon sa pool nagbababad. Siguro nagrerelax sila kasi nasi-stress na sila sa kaingayan ni Vinny. Haha!
Nandito kami ngayon sa pool area dito sa bahay. Nagsimula na ang slumber party ng barkada. Kanina nagswimming lang kami at nagkuwentuhan. Pagkatapos ay kumain na kami ng mga hinanda naming pagkain nina Tasha at Yaya. Ang sarap sarap talagang magluto ni Tasha. Talagang pang-restaurant quality ang mga luto nya. Bilib na talaga ako sa kanya!
Yun nga pagkatapos naming kumain, napagtripan na ng barkada na mag-videoke dito pa rin sa may pool area. Kaya nga parang nag-coconcert na dito si Vinny eh. Sa tingin ko nakaka-sampung kanta na siya at kaming anim ay nakaka-tig-iisang kanta pa lang. Parang ayaw na kasi niyang bitiwan ang microphone simula nung sinabi naming turn niya na sa pagpili ng kakantahin. Hayaan na nga. Kung hindi lang talaga siya magaling kumanta, siguro kanina ko pa hinablot sa kaniya ang mic. Haha!
Habang pinapanood namin si Vinny sa concert performance niya, biglang tumunog yung phone ko.
(insert ringtone)
Tinignan ko yung screen ng phone ko. Si Josh pala tumatawag na ulit. Iniwan ko muna ang barkada sa pool area at pumasok sa loob ng bahay para sagutin yung tawag. Mahirap na, baka hindi kami magkarinigan ni Josh dahil sa pag-eeskandalo na ginagawa ni Vinny sa labas.
Nung medyo nakakalayo na ako, sinagot ko na ang tawag.
"Hello Josh?" bati ko sa kanya.
"Hi Corrine!" masiglang bati nya. "Kumusta ka na? Hindi ka na ba busy?" tanong niya.
"Hmm, eto nagsisimula na ang slumber party naming magbabarkada. Nagvivideoke na nga sila sa labas ngayon," sagot ko naman sa pangangamusta niya.
"Ah ganun ba? Baka naman nakaka-istorbo ako?" medyo nag-aalangan niyang tanong.
"Naku, okay lang," sagot ko.
"Talaga? Buti naman kung ganon," sagot naman niya.
After that, natahimik na kaming dalawa. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin at sa tingin ko ganun din naman siya. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming tahimik lang. Nung hindi ko na natiis ang katahimikan, nag-decide na akong magsalita.
"Josh?"
"Corrine?"
Sabay pa talaga kaming nagsalita. Pareho naman kaming natawa dahil dun.
"Sige mauna ka na," sabi naman niya.
"Uhmm.. Gusto ko lang sana itanong.." medyo nag-aalangan pa ako kung itutuloy ko yung itatanong ko. Nahihiya na talaga ako. Hindi naman kasi ako sanay na nakikipag-usap sa mga lalake eh.
"Uhmm.. Kasi gusto ko lang sana malaman kung bakit mo ako gustong makilala?" ayun natanong ko din. Whew!
"Ha?" tanong niya.
Medyo nagulat siya sa tanong ko. Ano ka ba naman Josh. Huwag mo nang ipa-ulit sakin. Nakakainis.
"Sabi ko, bakit mo ako gustong makilala?" ulit ko.
"Ha?" halatang narinig niya naman ang tinanong ko pero parang nag-iisip pa siya ng isasagot.
Sige Josh, push mo yan. Panindigan mo 'yang pagiging bingi mo.
"Kasi diba sabi mo kanina nung tumawag ka, gusto mo akong makilala? Bakit mo naman ako gustong makilala?" pag-eexplain ko. Siguro naman clear na yung tanong ko.
"Ahh.. E-eh kasi ano.." parang nagdadalawang isip din siya kung itutuloy niya. "A-ano kasi.."
=_= Puro na lang ano ng ano ang naririnig ko kay Josh. Kanina bingi, ngayon naman bulol na. Naku naman Josh, para kang ano..
"Kasi?" pagtatanong ko.
"Kasi may gusto rin sana akong itanong sayo Corrine," sabi niya.
Hanep, tanong din pala ang sagot sa tanong ko. Pero dahil mabait ako, pagbibigyan ko 'tong si Josh.
"Ano naman yun, Josh?" sagot ko sa kaniya.
"Pwede ba kitang ligawan, Corrine?" dire-diretsong tanong niya.
"Ahh, ligaw lang naman pala eh.." mabilis kong sagot.
loading...
O_o
Teka ano daw? Ligaw? Ako? Liligawan niya ako? Mali lang ba ang rinig ko sa sinabi niya?