chapter 34:

30 0 0
                                    

Chapter 34: Camp

Karen povs :

Gusto mo bang kumain muna ? - tanong sa akin ni Geramel. 

Wag na sa school na lang ako kakain baka kasi ma late tayo may sasabihin pa naman si ma'am Alma sa atin - sabi ko.

Nasa byahe kami papuntang school.  Na late kasi ako ng gising pati siya kaya hindi kami naka pag breakfast. 

Pagdating namin sa parking lot hininto niya ang kotse saka pinagbuksan ako ng pinto.

Sabay naman kaming pumasok sa room namin. Pagdating namin sa class room andun na si ma'am Alma as always maaga naman talaga dadating yan.  Buti nalang wala ng fines ngayon .

Good morning ma'am - ani ko. 

Dumiritso naman ng pasok si Geramel.  Hay naku nagiging bad boy na naman siya mabatukan nga to mamaya.  Tsk !

Umupo na ako sa upuan ko na katabi ng magaling kung boyfriend.

Bat hindi ka man lang nag good morning ha ? Late ka na nga wala ka pang sinabi.  - ani ko. 

Hayaan muna. - sabi niya saka nag wink pa sa akin. 

Ang kulit talaga ng lalaking to. 

Good morning class - ani ni ma'am. 

Good morning ma'am alma, good morning classmates nice to see you this morning - ani naming lahat. 

Take your seat - ani naman ni ma'am .

Kaya umupo na kami. 

Nga pala mayroong magaganap na Camp this coming Friday . 3 days yon Friday to Sunday,  2 nights nandito sa papel ang lahat ng dadalhin niyo.  At nandito na rin ang mga activities na gagawin doon.  - ani ni ma'am. 

Saka kami binigyan ng bond paper kung saan nakalagay ang mga dadalhin namin at ang mga activities .

Well, kunti lang naman ang activities .

First activity : By Team, unahan sa pag puno ng tubig sa isang malaking drum.  Tsk ! Nakakapagod yon for sure. 

Second activity : By team, unahan sa paghahanap ng flag at egg sa loob ng gubat, safe naman ang gubat kaya walang kakatakutan.  5 flags and 5 eggs. 

Third activity : Hiking.  Kailangan makapunta sa bundok na hindi aabutin ng tanghalian. Dahil doon sa tuktok ng bundok na kakain.

At last day of the camp may bonfire.  Pwedi ring mag laro kung sino ang gusto. 

Maganda naman pala ang mga activities e.  Saka lahat talaga pupunta dagdah grade din kasi yon.

Saka mag eenjoy ka talaga. Excited na ako. 

Ma'am saan po gaganapin ang camp ? - tanong naman ni Ladyjane classmate ko .

Sa Bohol . - ani ni ma'am. 

Bohol ? Hmm . okay na rin kesa sa Baguio diba subrang lamig dun e.  Pero mas maganda kung sa tagaytay e kaso Bohol. 

***

Oh my God excited na ako sa camp natin.  Ang dami kayang gwapo sa Bohol.  - ani ni Rhica na excited nga .

Yon ! Kaya ka pala excited kasi may lalaki kang bibiktimahin don naku Rhica hindi ka parin nagbago - ani ni nikke. 

Oo nga. Ako excited ako kasi marami na naman akong makukuhang picture.  Balita ko maganda daw ang view ng Bohol - ani naman ni Virginia. 

Kahit saan naman maganda para sayo e - bara naman ni Jinny sa kanya. 

Make Him Fall In Love In 50 Days 💕Where stories live. Discover now