Epilogue

66 0 0
                                    

Epilogue :

5 months later..

At one year na kami ni Geramel, ang bilis ng panahon at isa lang ang masasabi ko HAPPY ang relasyon namin ni Geramel. Minsan nagkakatampohan kami pero nababati naman agad kasi mahal namin ang isat isa yon lang.

Ang daming nangyari at stay strong parin ang relasyon namin ni Geramel G12 na rin kami.

Si Dae at Junmar ? Hiwalay na sila tatlong buwan na ang nakakalipas. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng break up nila kasi hindi nag kwento si dae ayaw din naman niyang pag usapan ang break up nila kaya tahimik nalang kami. Sayang nga ang relasyon nila akala namin sila na talaga hanggang sa huli akala namin masaya sila.

Si Mark at Virginia ? Friends na lang sila ngayon. Masaya parin naman sila kahit na may past sila sa isat isa, sa totoo nga yan may boyfriend na si Virginia. Wala na rin naman silang feelings sa isat isa kaya okay lang.

Si Rhica may boyfey na siya, si Jinny at Leo stay strong parin naman. Si Meriflor at Rotsen stay strong parin naman ang Friend ship nila masaya na sila kahit ganon man lang daw. Si neca nagkabalikan na sila ng Ex niya arnel ata ang pangalan non.

Si Jona hindi ko alam wala na kasi siya sa barkada. Lumipat narin siya ng school, si James, Roel at Jeffrey mag kaibigan parin sila at Team 5 parin sila. Wala nga lang mga lovelife haha. Si Kevin at Nikke ? Hiwalay na rin  sila ang dahilan ? Hindi namin alam, katulad ng kina dae at junmar wala din kaming alam. Wala na rin naman naging boyfriend si nikke Ewan ko lang Kay Kevin.

Si niña at Andrew ? Akala ko sila talaga pero hindi e, may iba palang nanliligaw Kay niña at si Tristan yon. Nakita ko na siya one time at gwapo siya bagay sila ni niña, balak na nga sagutin ni niña mamayang gabi sa party namin e. Si Andrew ? Wala na siya sa team pero mag kakaibigan parin naman kami.

At mamaya ang party namin, yong parang gaya ng dati buo ang barkada. Reunion kumbaga.

***

Ang daming nangyari, parang isang araw lang lahat. May masayang relasyon may nag hihiwalayan, akala ko nga mag hihiwalayan din kami ni Geramel e pero hindi talaga kami pinayagan ni tadhana kasi kami talaga yong para sa isat isa. At masaya ako kasi kami talaga .

I'm happy and contented.

Party

Dae povs :

Nandito na ako sa Bar Code kung saan gaganapin ang party namin, reunion daw akala mo naman hindi nagkikita e yung iba kung kaibigan kaklase at same school ko pa naman. Yung iba lumipat na talaga Ewan ko lang kung bakit.

Habang hinihintay ko ang kasama ko tumayo muna ako para mag cr muna. Pag labas ko sa Bar Code may nabunggo akong taong hindi ko kilala. Natumba tuloy ako at hindi pa ako tinulungan tuloy tuloy lang kasi ang lakad niya.

Tumayo ako at pinag pagan ko ang pwetan ko. Saka ko siya hinarap at sumigaw.

Hoy lalaking walang kwenta ! Ang kapal naman ng mukha mong banggaan ako at hindi mo man lang ako tinulungan ! Yabang mo ah ! SINO KABA HA ? - Sigaw ko sa kanya.

Humarap siya sa akin at lumaki ang mata ko sa nakita ko. Shocks ! Yong sinigawan ko kanina ang Gwapo pala.

Pardon ? - ani niya. OHMYGOD ! ang hot niyang magsalita. Sino ba tong lalaking to ? Pero bwesit pardon daw ? Hindi pa niya narinig ang sigaw ko ? Gagu pala to e.

Sisigawan ko na sana siya ulit ng biglang dumating ang mga kaibigan ko na kanina ko pa hinihintay.

Dae anong ginagawa mo dyan ? Tara pasok na tayo - ani ni Karen saka ako hinila papasok. Hindi pa ako nakakapapasok ng marinig ko ang sinabi nong lalaki.

Make Him Fall In Love In 50 Days 💕Where stories live. Discover now