chapter 35:

33 0 0
                                    

Chapter 35: Her plan

Karen povs :

Nandito na kami sa Bohol at super ganda dito.  Pinapila kami bago pumasok sa mga kwarto namin at iayos ang mga gamit namin. 

Nginitian naman ako ni Geramel bago pumasok naalala ko tuloy yung nangyari sa bus kanina. 

Flashback..

Nagising ako dahil sa biglaang paghinto ng bus nagulat pa ako sa tabi ko dahil Hindi na si Dae ang katabi ko kundi si Geramel. 

Tumingin naman si Geramel sa akin ng papikit pikit pa. 

Bakit ganyan ka makatingin babes ? - tanong niya sa akin.  Saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Bakit ka andito ? Nasan si Dae ? - tanong ko rin pabalik. 

Gusto kitang katabi e, namimiss kasi kita kapag di kita nakikita e. Hinahanap ko rin ang Amoy mo. Si Dae nasa boyfriend niya at ako nasa tabi ng future wife ko - ani niya. Sabay ngiti at wink. 

Napangiti na lang ako sa mga sinasabi niya. Nakakakilig ang mga banat ng lalaking to.  Kainis ! Lalo akong naiinlove e.  Hehe

End of Flashback..

Napatingin naman ako sa pwesto nila niña at nakita kong nag smirk siya sa akin. Kinabahan tuloy ako sa pag smirk niya ? Parang may ibig sabihin sa akin.  Err ! Napaparanoid na naman ako. 

Nang makapasok na ako sa kwarto nakita ko naman ang mga kaibigan ko. Ang kasama ko sa kwarto ko ay sina Dae at Nikke.  Sa kabilang room naman sina Virginia, Rhica at jinny katabi lang naman ng kwarto namin. 

Ang boys naman ay nasa tapat ng mga kwarto namin.  Katapat ng kwarto namin ay sina Geramel, Junmar ay Kevin.  Katapat naman nina Rhica ay sina Jeffrey, Mark at Leo nahiwalay sa kanila si Rash at James na kasama naman nila si Andrew sa kwarto. 

Pagkatapos naming mag ayos sa gamit namin nag pahinga muna kami sandali dahil maya-maya bababa na naman kami. 

Girls parang may hindi magandang mangyayari mamaya - biglang sabi ni Jinny. 

Ha ? Anong pinagsasabi mo dyan ? - tanong sa kanya ni Rhica. 

Naku napaparanoid ka lang Jinny.  - ani naman ni Nikke. 

Ako rin parang may mangyayari talagang hindi maganda.  Kasi ano, kinakabahan ako e - ani ko.  Napatingin naman silang lahat sa akin. 

Girls wag niyo na lang isipin yan okay ? Ang importante ngayon ang mag Enjoy. Hello Bohol to guys minsan lang to.  - sabi naman ni Virginia na hyper na hyper. 

Hindi ko nalang pinansin ang nasa isip ko pati narin ang sinabi ni Jinny.  Siguro nga napaparanoid lang ako, kami. Mag E-enjoy na lang ako at kalimutan lahat ng hinala ko. 

***

Good evening Fidelity nandito tayo para sa mag enjoy kaya kalimutan muna natin lahat ng problema natin sa bahay o kahit Saan pa.  Bago tayo mag umpisa sa activities tomorrow e gro- group ko muna kayo.  - ani ni Ms. Pacot. 

Sana mag ka grupo tayo - ani ni Dae sa akin.

Sana nga - sabi ko. 

First Group:
Rotsen/Geramel/Jonalyn/Gerime/Exshan/Indiana/Junmar/Leo

Second Group:
Nicole/Rhica/Virginia/Jinny/Dongking/Jeffrey/Ruben/Fernand

Third Group:
Mark/Karen/Niña/Lyka/Roel/Rash/Andrew/Meriflor

Fourth Group:
Dae/Nikke/James/Jezrel/Kevin/Neca/Jazel/Ladyjane

Nag ipon-ipon naman kaming magka groupo kaya lumapit agad ako Kay mark para magtabi kami.  Bakit kasi ka group ko pa si niña at meriflor, tadhana naman e alam mo bang kaaway ko ang dalawang yan. 

Make Him Fall In Love In 50 Days 💕Where stories live. Discover now