Chapter 23:

30 0 0
                                    

Chapter 23: Painful

Karen povs :

Bigla kung nabitawan ang cellphone ko sa narinig kung sabi ni manang . bigla na lang din tumulo ang luha ko at tumakbo palayo kina dae at Geramel.

Si mama .. Bakit ? Bakit ngayon pa nangyari to sa akin. 

Pumara agad ako ng taxi at sinabi ang address ng bahay namin.

Pag dating ko sa bahay agad akong pumunta sa kwarto ni mama  napaupo na lang ako sa labas ng kwarto dahil sa nakita ko .

Wala na si mama .. :'( Hindi ko na siya naabutan.

Bigla na lang may yumakap sa akin at nakita ko si Geramel niyakap ko naman siya pabalik.

Umiyak lang ako ng umiyak sa mga bisig niya . nagpapasalamat ako Kay Geramel dahil andito siya sa tabi ko Hindi niya ako iniwan.

Sa kakaiyak ko nakatulog na pala ako.

***

Nagising ako dahil sa ingay .

Tinignan ko ang palagid kung nasaan ako andito ako sa kwarto ni mama. Iniisip ko si mama bigla na lang tumulo ang luha ko , iniwan na nga talaga ako ni mama. Hindi niya na ako binalikan.

Umalis siya ng walang paalam . pati si manang sinama niya wala ng natira sa akin . iniwan na nila ako lahat .

Tulog pa nga po si Karen - rinig kung sabi ni  Geramel.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Geramel na nakikipag away Kay atty. Christian .

Anong meron dito ? - tanong ko.  Pagkababa ko

Good afternoon miss delapeña nandito ako para kunin ang bahay na ito - sabi niya.

Bigla namang bumagsak ang dalawang balikat ko sa narinig ko.

Po ? - pag uulit ko.

Bago umalis ang mama mo bininta niya na ang bahay nato at kailangan pa naming linisin to at baguhin bago lumipat ang bagong may ari ng bahay nato . - sabi ni Atty.

Pero Atty kailangan ni Karen ang bahay na to ngayon . intindihin niyo naman po siya andito ang mga memories ng pamilya niya.  - sabi ni Geramel.

I'm sorry pero sinusunod ko lang ang trabaho ko.  - ani ni Atty.

Magsasalita pa sana si Geramel pero pinigilan ko na siya.

Aalis na tayo. Kukunin ko lang ang gamit ko - sabi ko. 

Saka umakyat sa kwarto ko para kunin ang mga natitira kung gamit.

Pumasok din ako sa kwarto ni kuya at ate . pati narin ang kwarto nila mama at papa .

Ito na yung huli kung pasok dito . mamimiss ko ang bahay nato. - sabi ko.

Gusto mo bang kumain ? - tanong sa akin ni Geramel.

Umiling lang ako dahil sa totoo lang Hindi ako nagugutom kahit na Hindi ako nag breakfast at lunch .

Karen kailangan mong kumain nag aalala na ako sayo - sabi ni Geramel sa akin.

I'm fine. Kailangan ko lang ng pahinga.  - sabi ko.

Saka pumasok sa kwarto ko. Andito na kami sa condo niya.  Pagpasok ko sa kwarto ko tumulo lahat ng luha na pinigilan ko kanina.

Akala ko wala ng luha ang lalabas pero meron pa pala.  Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan , palagi na lang akong umiiyak.

Iniwan na ako ng pamilya ko si Geramel na lang ang meron ako ngayon. Hindi ko kakayanin kung pati si Geramel mawawala sa akin.

Hindi ko na kaya.

Nagising ako sa katok ni Geramel sa kwarto ko. Binuksan ko iyon bumungad sa akin ang malaking ngiti ni Geramel .

May dala akong ice cream gusto mong kumain - sabi niya.

Pinapasaya ako ni Geramel kaya dapat maging masaya na din ako.

Nginitian ko siya.  At saka tumango.

Tara gutom na ako e - sabi ko.

Kinain namin ang ice cream na dala ni Geramel habang kumakain nanonood din kami ng movies. 

Hamal ? - tawag ko sa kanya .

Hmmmm ? - ani niya.

Salamat. - sabi ko ng naka ngiti.

Para saan ? - tanong niya.

Sa lahat ng ginawa mo sa akin. Salamat kasi Hindi mo ko iniwan , inintindi mo ko at pinatuloy mo pa ako sa condo mo. Maraming Salamat Geramel . - sabi ko.

Your always welcome babes. You're my girlfriend kaya pinatuloy kita dito at responsibilidad kita. Mahal kita Karen kaya ko ginagawa ang lahat ng to. You're my life now , my everything.  Hindi ko kayang mawala ka sa akin . mahal na mahal kita tandaan mo yan. - sabi ni Geramel.

Bago pa ako makasagot hinalikan niya na ako. A passionate one.

-------------------------

Ahehe. Kunti lang ang update ko ngayon. 

Make Him Fall In Love In 50 Days 💕Where stories live. Discover now