Chapter 18:

45 0 0
                                    

Chapter 18: Geramel Side

Geramel povs :

Ang saya lang dahil sa wakas kami na rin ng babaeng mahal ko. Ngayon ko lang naranasan ang ganito ka saya Hindi ko naman kasi naranasan ito nung kami pa ni niña.

Nandito kami sa malapit sa dagat . tinignan ko naman c Karen ang himbing ng tulog niya napangiti naman ako dahil sa halik na ginawa namin kanina. 

Dati sinasabi ko sa sarili ko at sa kanya na never akong magkakagusto sa kanya pero nagkamali ako. 

Alam ko nung una pa lang namin nagkita parang may nararamdaman na ako na kakaiba sa kanya pero Hindi ko lang pinansin yun dahil nga sa mahal ko pa c niña .

Nong nawala ako ng dalawang araw para akong nababaliw kakaisip kung okay lang ba siya o kumain ba siya ng maayos.  Sobrang namimiss ko na c Karen non , gusto ko siyang makita gusto kung marinig ang boses niya ang makita ang mga ngiti niya.  Hindi lang naman dahil sa pagbabalik ko sa basketball ang dahilan kung bakit nawala ako ng dalawang araw e. 

Sa totoo niyan gusto ko lang talaga malaman kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para Kay Karen o kung mahal ko parin ba c niña sa mga oras na yun.  Pero nung nawala ako , nung Hindi ko nakita c Karen siya lang yung lagi kung iniisip . pati sa pagtulog ko mukha ni Karen ang nakikita ko.  Kaya sinabi ko sa sarili ko na gusto ko na nga talaga siya.

Nung nawala c Karen ng tatlong linggo nawalan ako ng gana para mabuhay. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala talaga siya sa akin ng tuloyan , Hindi ko pa nasasabi sa kanya na gusto ko siya.  Nababaliw ako Hindi ako makakain ng maayos , gusto ko palagi kung nakikita at nakakasama c Karen. Gusto ko nasa tabi ko lang siya palagi.  Kaya nung bumalik siya nag lakas loob na akong umamin sa kanya yung nararamdaman ko.

Alam ko naman na mahal niya talaga ako gaya ng sinabi niya sa akin nung una kaming nagkita pero pweding magbago iyon dahil sa pinapakita ko sa kanyang ugali . nagpapasalamat na nga lang ako dahil Hindi nagbago ang pagmamahal niya sa akin. 

Ngayong kami na gagawin ko ang lahat para di siya masaktan. C Karen tanggap niya lahat ng kung ano ako ,  sinusuportahan niya ako sa lahat ng gusto kung gawin sa buhay ko pero kung Hindi maganda syempre magagalit siya sa akin.  Pinapasaya niya ako kahit sa simpleng galaw niya lang.  Sobrang saya ko talaga at sobrang swerte ko Kay Karen. 

Hindi ko naman kasi naranasan to Kay niña , Oo naging masaya din naman ako nung kami pero Hindi katulad ngayon. C niña Hindi niya ako sinusuportahan sa mga gusto ko  gusto niya sa kanya palagi ang oras ko.  Paano naman yung mga gusto ko sa buhay. Mahal ko c niña , kasi niña is my first love first kiss first relationship . Dati nasa kanya lahat ng oras ko sinasamahan ko siya kung saan saan.  Kahit na girls night out nila kasama ako dahil yun ang gusto niya. Hindi siya pumapayag na umaalis ako ng Hindi nag papaalam sa kanya . Akala ko nga tanggap niya yung paglalaro ko ng basketball pero yun pala napipilitan lang siya.  Ayaw niya talaga sa basketball kasi baka daw mawalan ako ng oras sa kanya , hanggang sa dumating yung araw na pinapipili niya ako kung basketball ba o siya ang pipiliin ko. 

Sa totoo lang gusto ko siyang piliin kasi mahal ko siya pero sobrang nasasakal na ako sa mga ginawa niya . Gusto niya palaging nasa kanya yung atensyon ko yung oras ko.  Nawawalan na ako ng oras para sa sarili kung kagustuhan . kaya nagdesisyon ako na mas pipiliin ko ang basketball kesa sa kanya . nasaktan ako sa desisyon ko pero mas nasasaktan ako dahil Hindi niya matanggap ang mga hilig ko. Mahal niya ako pero Hindi niya matanggap ang mga gusto o hilig ko. 

Kaya Nung naghiwalay kami ni niña , sinasabi ko sa sarili ko na kung mag mamahal ulit ako yung tanggap ako ng buong buo.  Yung tanggap nila lahat ng hilig at gusto ko , yung sinusuportahan ako sa mga gagawin ko. 

At ngayong nakita ko na siya hinding Hindi ko na siya papakawalan pa.  Sobrang mahal na mahal ko c Karen at ayokong mawala siya sa buhay ko. 

***

Dae povs :

Bwesit ! Nakakainis talaga ang junmar na yun. Nakakainis siya !! Wag na wag talaga siyang magpapakita sa akin kung Hindi lagot siya sa akin.  Grrrrrr ! Naiinis ako subra.  Dahil sa inis ko parang gusto kung umiyak. 

Bakit ba siya hindi dumating Nung araw ng kanta namin.  Bakit c covert yung pumalit sa kanya ? Asan ba siya ? Galit ba siya dahil sa sinabi ko sa kanya nung gabing yun.  Nasabi ko lang naman yun dahil sa galit ko sa kanya e !

Kahit papaano kaibigan ko pa rin naman c junmar. Ayaw kung magkagalit kami sa isat isa , tapos ngayon isang linggo na siyang Hindi pumapasok.  Hindi naman daw siya nag drop out , ano bang problema ng lalaking yun ?

Pumasok na kaya siya at mag sosorry ako sa kanya.  Miss na miss ko na ang kaibigan ko. 

Hoy Bess anong drama yan ha ? Bat may paiyak iyak ka pang nalalaman dyan ? - sabi sa akin ni Karen. 

Tsk ! Porket ang ganda ganda na ng lovelife niya.  Tinignan ko na lang siya ng masama  Panira kasi ng moment e .

Uyy namimiss niya c junmar , ikaw naman kasi bat mo naman kasi inaaway.  Kung hinayaan mo na lang kaya siyang manligaw sayo halata naman kasing seryuso siya sayo.  Pa hard to get ka pa kasi kaya ayan iniwan ka tuloy.  - sabi ng bruhilda kung best friend .

Nagka boyfriend lang kung makapagsalita. FYI Hindi c junmar ang iniiyakan ko bakit ko naman iiyakan ang lalaking yun ha ? Oo nandun na tayo sa word na miss ko siya pero hello , Hindi ko siya gusto para iyakan ko . - bigla naman akong napatigil sa sinabi ko. 

Ang sinungaling ko talaga.  Alam ko naman kasi sa sarili ko na kaya ako umiyak ay dahil Kay junmar pero hindi ko siya gusto.  Iniyakan ko siya bilang kaibigan lang , yun lang yon !

Sa nakikita ko sayo ngayon nagsisinungaling ka.  Alam kung alam mo sa sarili mo na gusto mo na siya pero ayaw mo lang buksan kasi natatakot kang mawala ang pagkakaibigan niyo.  Pero hindi mo man buksan mawawala at mawawala parin ang pagkakaibigan niyo.  Ano ba kasing kinakatakotan mo ha ? - sabi ni Karen. 

Ano nga bang kinakatakot ko ? Bakit nga ba hindi ko magawang bigyan ng chance c junmar ? Dahil ba sa baka mahulog ako sa kanya .

I- I don't no ! Siguro dahil mahal ko ang kapated niya at ayaw ko lang siyang masaktan. 

Ayaw mo siyang masaktan ? Sa tingin mo ba ngayon hindi siya nasasaktan ha Dae ? Mahal ka niya at alam kung hindi ka niya sasaktan pero Kay covert hindi natin alam kung mahal ka ba niya o ikaw lang yung nagmamahal sa kanya.  Dae ? Best friend mo ko , ayokong makikita kitang nasasaktan dahil sa mga Mali mong desisyon.  Isipin mong mabuti at kung handa ka na bigyan mo na ng chance c junmar na ipakita sayo yung pagmamahal niya.  - sabi ni Karen sa akin. 

Sa totoo lang naiiyak ako sa mga sinasabi niya kasi lahat ng sinabi niya totoo.  Pinipigilan ko lang yung sarili ko at mas sinusunod ko lang yung gusto ko , alam kung nasasaktan ko siya dahil sa palagi ko siyang tinutulak.

Salamat Karen :) - sabi ko. 

Your welcome Bess.  Your my best friend kaya tutulungan kita sana naman ngayon sinusunod mo na yung puso mo . - ngiting sabi sa akin ni Karen. 

Excuse me half  pwedi ko bang hiramin ang Babes ko ?

Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita at sino pa nga ba ang boyfriend lang naman ng best friend ko. 

Sayo na . Alagaan mo yan at wag na wag mong sasaktan yan kapated kung hindi makakatikim ka sa akin.  - sabi ko .

Hindi ko gagawin yun . takot ko lang Kay Karen - sabi naman ng kapated ko. 

Sige Bess mauna na kami ha ? Yung sinabi ko sayo wag mong kakalimutan - hirit naman ni Karen. 

Oo na.  Go ! Tsupi.  Hahaha - sabi ko sa kanila. 

Umalis na naman sila.  Hay masaya ako para Kay Karen at Geramel sa wakas naging sila narin.  Kitang kita ko pa sa mga mata nila yung happiness , mahal na mahal talaga nila yung isat isa. 

Mag iisip muna ako at pag handa na ako , ako mismo ang maghahabol sayo junmar. 

Make Him Fall In Love In 50 Days 💕Where stories live. Discover now