Chapter 6: Dinner Time!

3 1 0
                                    

[Luke’s POV]

Naisip kong bumangon at tumingin sa relo. Voila! 8:00 pm na pala. Lumabas ako at narinig na may sumisigaw.

Kainan na!

Bumaba ako ng hagdan para hanapin yung ingay hanggang sa umabot ako sa kusina.

Tara, kain na tayo!

Alok ni Cass na mag-isang naghahanda ng kanin, ulam, at gulay.

Nasaan yung iba?

Kumuha na sila. Ikaw na lang ang hindi pa kumakain.

Ah, ganun ba! Pasensiya na, nakatulog kasi ako kaya hindi ko narinig hanggang sa nagising na lang ako.

Ano ka ba?! Wala yun, 10 minutes ago pa lang naman nagsi-kuha ng pagkain.

Kumain ka na?

Hindi pa.

Sabay na lang tayo.

Sige.

Kumuha kami ng gusto naming ulam na hinanda tapos umupo  kami sa dining table at nagsimulang kumain.

Ikaw ba ang may-ari nito?

Oo, ako ang namamahala dito. Ikaw, anong trabaho mo sa Maynila?

Businessman

Anong business mo?

Lim Group of Companies or LGC. Parents ko talaga ang may-ari ng LGC kaya lang ako na ang namamahala ngayon.

Paano nangyari yun? Nandito ka.

Ah, iniwan ko yung kompanya sa bestfriend ko for a while.

Puwede bang magtanong?

Hmm… Sure, nagtatanong ka na…

How did IT trigger?

May diin siya sa pagsabi ng salitang “IT.”

Anong IT?

I mean yung depression.

It’s tough.

You may not answer it if you don’t want. Well, gusto ko lang naman makatulong sa recovery mo.

It’s okay. Ikuwento ko na?

Sige.

More than a week ago, I turned 25. Masayang-masaya ako kasi 25 na ako dahil may agreement kami ng Papa ko na kapag nag-25 ako, I can own the company and do what I want.

Masaya na pala ang buhay mo.

Not until I received their last call.

Last call?

Namatay sila sa araw ng birthday ko. Sa totoo lang, sila ang buong buhay ko. Ilang araw akong hindi makatulog at kumain. Akala ko mamamatay na ako kundi dahil sa bestfriend ko, baka nag-isip na akong magpakamatay or worse; baka patay na rin ako ngayon.

Nakayuko si Cass habang nagkukuwento ako sa kanya.

Sorry kung tinanong pa kita. Napakahirap pala ng sitwasyon mo tapos kinulit pa kita. Sorry talaga, Xavier.

No, its okay. I had to let it go and move on. No one lives on their past. Ikaw, how did you end up in this institution?

Tapos na kaming kumain kaya sabay na rin kaming naghugas ng plato, kutsara, tinidor, at baso.

Where's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon