Chapter 10: A Special Day: Red Letter Day

6 1 0
                                    

[Luke’s POV]

 

Aalis na sina Tina, Gina, at Roger. Lilipat na rin ako sa room A-4.

 

6:30 am

 

Aalis na ako, sana ipagpatuloy niyo ang pagiging masayahin ah! Aasahan ko yan.

 

Bilin ni Tina sa lahat ng pasyente.

 

Fun, fun, fun, fun, fun!

 

Sabat naman ni Larah.

 

Don’t lose hope guys, you can get out of here someday. You can overcome whatever you have now. I hope we will still see each other again.

 

Ito naman ang bilin ni Roger. Huling nagpaalam si Gina na nagbigay na maigsi lang ngunit makahulugan.

 

Ako maigsi lang ang farewell message ko. Life’s too short to be sad, why not live your life to the fullest?

 

Umalis na sila pagkatapos. Bago yun binigay naming ang cellphone number namin kay Roger. Gusto niya raw kaming makausap kahit nasa Amerika na siya. Pagkatapos, tuluyan na silang nagpaalam. Napansin kong umiiyak si Cass sa isang sulok.

 

Cass, wag kang umiyak. Hindi matutuwa si Gina sa ginagawa mo.

Hindi mo ako naiintindihan, nawalan ako ng kaibigan.

Ako rin nawalan ng kaibigan. At nandito pa naman ako, si Luke, kaibigan mo rin naman ako.

 

Tumakbo si Cass palayo papunta sa mini-plantation. Hinabol ko siya ng hinabol.

 

Cass!

 

Patuloy pa rin siya sa pagtakbo at umiiyak pa rin siya. Napatigil siya sa damuhan ng mini-plantation. Dali-dali akong pumunta sa tabi niya.

 

Dito ako iniwan ni Itay.

Huwag kang mag-alala, nandito lang ako sa tabi mo. May kaibigan kang palaging maaasahan.

Pero hindi kaibigan ang turing ko sa’yo.

Huh? Bakit?

Dahil bestfriend kita.

Mahal kita.

 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para masabi ko iyon pero yun ang nadarama ko sa’yo. Bigla siyang nahiya pero sumagot siya.

 

Ako rin.

 

Niyakap ko siya.

 

Alam mo ba kung bakit ako nandito?

Hindi, bakit?

I’m searching “where’s happiness” in my life.

Nahanap mo na ba?

Hindi ko alam pero malapit na.

Sana mahanap mo na ang kaligayahan mo sa buhay.

Sana nga. Isa pa, ikaw ang nagpapasaya sa akin ngayon kaya sa tingin ko ikaw ang hinahanap kong happiness.

Talaga?

Oo, masayang-masaya ako na nakilala kita.

 

Niyakap ko uli siya ng mahigpit. This is a very special day: red letter day because this is the day Cass gave me a chance to court her.

 

<End of Luke’s POV> 

 

 

Where's HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon