Oo, iniibig kita
Natuwa ako dahil sa nalaman kong
Umiibig ka rin pala
Ngunit ako'y nalungkot
Sa kadahilanang
Umiibig ka pala sa iba.Masakit isipin
Mahirap tanggapin
Ngunit ano ang gagawin
Gayong hindi ka sa akin.Batid kong batid mo
Na ako'y may paghanga sayo
Ngunit mas pinili mong,
Balewalain ang nararamdaman ko.Sa isang dako,
Wala pa din akong karapatan
Gaya ng alam ko,
Ako lang ay isang kaibigan.Paano mo nga ba mapapansin?
Puso kong may pagtingin
Lihim na humihiling
Na balang araw ika'y magiging akin.Sa dinami dami ng sinabi ko
Isa lang ang aking punto
Nais kong iparating sayo
Iniibig kita at ito ay totoo.
BINABASA MO ANG
Panitikan ng mga taong Sawi 🔪👌
Teen FictionNagmahal ka na ba ng taong handang tawirin ang pitong bundok Maiwasan ka lang? Iniwan ka na ba? Pinaasa? Pinagpalit? O hindi mapansin pansin ng taong ginawa mong mundo? Yung tipong lahat ata ng okasyon sa buhay niya alam mo? Pinaasa ka na ba ng ta...