Iniibig kita ❤️❤️

820 15 0
                                    

Oo, iniibig kita
Natuwa ako dahil sa nalaman kong
Umiibig ka rin pala
Ngunit ako'y nalungkot
Sa kadahilanang
Umiibig ka pala sa iba.

Masakit isipin
Mahirap tanggapin
Ngunit ano ang gagawin
Gayong hindi ka sa akin.

Batid kong batid mo
Na ako'y may paghanga sayo
Ngunit mas pinili mong,
Balewalain ang nararamdaman ko.

Sa isang dako,
Wala pa din akong karapatan
Gaya ng alam ko,
Ako lang ay isang kaibigan.

Paano mo nga ba mapapansin?
Puso kong may pagtingin
Lihim na humihiling
Na balang araw ika'y magiging akin.

Sa dinami dami ng sinabi ko
Isa lang ang aking punto
Nais kong iparating sayo
Iniibig kita at ito ay totoo.

Panitikan ng mga taong Sawi 🔪👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon