Mata 👀👀

241 7 0
                                    

Maalam kung tumingin
Mga taong nakapaligid sakin
Nagbabantay, nagmamasid
Animo'y hayop na huhulihin.

Ganyan aking nadarama
Sa tuwing ako'y hinuhusga
Ultimo mali kong gawa
Kanilang pinupuna.

Mahirap mabuhay sa mundo
Lalo na pag tao ang basehan mo
Kalkulado lahat ng galaw mo
At wala silang sinasanto.

Sabi nga nila
Madaling maging tao
Pero mahirap magpakatao!

-joch

Panitikan ng mga taong Sawi 🔪👌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon