Iniibig kita
Pitong letra pero hindi mo makita
Iniibig kita
Tunay iyan at walang halong bola.Noong una, akala ko paghanga lang
Akala ko, normal lang
Ngunit habang tumatagal
Ang dating paghanga nagiging pagibig na nga!"Iniibig kita" wika mo
Palihim na kinikilig pa 'ko
Tuwang tuwa sa naulinigan ko
Ngunit biglang nanlumoBiglang dinugtungan mo
"Yan ang sasabihin ko sa kanya, ayos ba?"
Ako'y biglang napaupo
Pilit na ngumiti at ika'y tiningala
"Oo ayos na ayos nga"
Sabay alis at lumuluha.Masakit isipin
Kay hirap tanggapin
Hindi ka nga pala sakin
At mukhang hind mo na ko mapapansin.Sa aking pagtakbo
Luha ko'y patuloy na tumutulo
Habang tumatawid ako
Huling kataga mo ang naalala ko.Mahirap man sa akin
Ngunit kailangan kong aminin
Oo INIIBIG KITA
Ngunit mas iniirog mo siya.Sa huling letra ng aking gawa
Nais kong maipabatid
Sigaw ng aking damdamin
Ikaw lamang giliw at handa kitang hintayin
Sa tamang oras at panahon
Kung saan ito ay aayon din 😊
BINABASA MO ANG
Panitikan ng mga taong Sawi 🔪👌
Novela JuvenilNagmahal ka na ba ng taong handang tawirin ang pitong bundok Maiwasan ka lang? Iniwan ka na ba? Pinaasa? Pinagpalit? O hindi mapansin pansin ng taong ginawa mong mundo? Yung tipong lahat ata ng okasyon sa buhay niya alam mo? Pinaasa ka na ba ng ta...