Kaysarap isipin na mayroon kang isang kaibigan
Handang dumamay ano man ang yong kailangan
Palaging nandiyan nakaagapay
Bawat kilos mo siya'y nakagabayPero mahirap din pala ano?
Oo, lagi siyang nag aalala sayo
Yung tipong palagi siyang nasa tabi mo
At binabantayan bawat kilos at galaw mo.Paano kung nasanay ka na?
Edi natatakot ka ng mawala siya?
Paano kung nagsawa siya,
Tapos mawala nalang bigla?Haaay! Kaibigan ang turingan
Ito nga ba ang tunay mong nararamdaman?
Wagas pa kung maglambingan
Tapos walang humpay na yakapan?Ayoko ng ganito,
Masyadong magulo.
Sobrang komplikado,
At nasasaktan ako.Eh kung iwasan kaya kita?
Ang tanong kaya ko ba?
Hay ewan ang gulo na
Naapektuhan na ako, sobra!Alam kong ito'y hindi tama
Ngunit ano aking magagawa?
Naramdaman ko nalang ng kusa
Ako mismo ay nabigla!One sided love ba ang tawag dito?
Yung isa lang ang nagmamahal sa inyo?
Daming tanong sa isip ko
Ang tanging alam ko, ANG GULO!-joch
BINABASA MO ANG
Panitikan ng mga taong Sawi 🔪👌
Teen FictionNagmahal ka na ba ng taong handang tawirin ang pitong bundok Maiwasan ka lang? Iniwan ka na ba? Pinaasa? Pinagpalit? O hindi mapansin pansin ng taong ginawa mong mundo? Yung tipong lahat ata ng okasyon sa buhay niya alam mo? Pinaasa ka na ba ng ta...