Simula
Sa masaganang lugar ng San Isidro parteng Visayas ay may palayan at pinyahan na pagmamay-ari ng mag-asawang Monteverde na kilala bilang isa sa mga mayayamang haciendero at haciendera.
At ang unicaija nila na si Vhanity Monteverde ang natatanging magmamana ng kanilang napakalaking ari-arian.
Dahil sa sobrang pagkabagot ni Vhanity sa kanilang masyon ay naisipan niyang magpahangin at magnilay-nilay muna sa kanilang 'hacienda monteverde' kung tawagin ng mga tao rito, dahil matagal narin nung huli siyang makauwi dito galing Maynila.
Sa Maynila naisipan ni Vhanity mag-aral ng abogasiya dahil walang ganoong kurso sa kanilang bayan kung kaya't nakipag sapalaran siya ng walang pag-aalinlangan, ayaw din niyang dumipende sa kanyang mga magulang porquet may pera at hacienda ito, gusto niya na may sarili rin siyang maipagmamalaki.
Gustuhin man ng kanyang mga magulang na manatili siya rito at ibang kurso na lamang ang kanyang kunin ay wala rin silang magawa sa pagkat iyon talaga ang nais ng kanilang anak.
Wala raw itong mapapala kung dito lamang siya mag-aaral sa San Isidro.
Habang naglilibot si Vhanity sa kanilang hacienda ay nahagip ng kanyang mga paningin ang makisig at matipunong binata na magsasaka na si Jade Roteros na nagbubuhat ng palayan na inani nila, agad ding napansin ni Jade ang presensiya ni Vhanity.
"Magandang araw po, Senyorita Vhanity" masiglang bati ni Jade.
"Magandang araw din?" alanganing patanong na bati ni Vhanity dahil hindi niya alam ang pangalan nito.
Mukhang naintindihan ni Jade ang ipinapahiwatig ni Vhanity.
"J-jade po Senyorita" nauutal na sagot ni Jade.
"Jade" ulit ni Vhanity sabay ngiti nito upang maibsan ang tensyon.
Tingin ng Vhanity ay baguhan lamang ito sa kanilang hacienda sa pagkat hindi niya naalala na naging trabahador ito noon sa kanila, madalas ay puro may edad na at tumanda na lamang sa kanilang hacienda.
At inangat ni Vhanity ang kanyang kamay upang makipagkamayan kay Jade.
"Senyorita, m-marumi po ang k-kamay ko" may pag-aalanganing sabi ni Jade.
"Hindi problema sa akin Jade kung marumi man ang iyong kamay, nagpapakita lamang ito ng iyong kasipagan" tugon naman ni Vhanity.
Kaya't dahan-dahang ibinaba ni Jade ang buhat-buhat niyang palay at inangat ang kanang kamay upang makipagkamayan.
Libo-libong boltahe ang nagsilipana ang nararamdaman ngayon ni Vhanity dahil sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.
"P-paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko? medyo nauutal na tanong ni Vhanity.
"Bago po kami magtrabaho dito ay pinapakilala muna ni Senyor Hanz ang bawat trabahador dito kasabay ng kanyang misposa hanggang sa kanilang unicaija at ikaw po iyon Senyorita Vhanity." mahabang lintaya ni Jade.
"hmmm" napatango na lamang si Vhanity sa narinig.
Kahit pala wala siya ay pinapaalala pala ni ama ang pangalan ko sa bawat trabahador.
Naisip ni Vhanity na bakit ngayon lang niya naisipang pumunta sa kanilang hacienda, kung sana ay dati niya pa ito ginawa malamang ay matagal na niyang nakilala si Jade.
BINABASA MO ANG
Nightmare
Short StorySimple lang ang gusto ni Vhanity at Jade, ang pagtanggap na inaasam nila ngunit mauuwi ba sa magandang wakas ang pag-iibigan nila o mauuwi na lamang ito sa isang trahedya na magdadala sa kanila sa isang bangungot na habambuhay nilang hindi matatakas...