Simula noon ay panay na ang dayo ni Vhanity sa kanilang palayan upang masilayan si Jade kahit sa malayo.
Kuntento na siyang nasisilayan si Jade sa malayo, at nang minsan ay naglakas loob siyang kausapin si Jade kahit nahihiya siyang kausapin ito dahil sa mga titig nitong halos makita na kanyang pagkatao. At simula noon ay hindi na niya tinigil ang pakikipag-usap nito sa binatang magsasaka.
Dahil sa angking kakisigan at kasipagan ni Jade ay lalong nahuhulog si Vhanity sa kanya.
At habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob nila sa isa't isa kung kaya't habang tumagal ay napapansin na ng magulang ni Vhanity ang palagiang pag-alis nito sa kanilang masyon na dati ay pagbabasa lamang ng mga libro ang palagi nitong nakagawian.
Maagang nagising si Vhanity dahil may usapan sila ni Jade na magkikita sila sa ilalim ng punong narra na kanilang madalas na tagpuan malapit sa kanilang palayan.
Hindi ito magkanda ugaga sa pag-aayos sa kanyang sarili. Pagkatapos niyang mag-ayos ay mabilis niyang tinahak ang hagdan pababa.
"Dahan-dahan lamang po senyorita, baka ka po mahulog!" pasigaw na sabi ni Wilsanne na kanilang serbidora.
Ngumiti lamang si Vhanity kay Wilsane kaya napailing na lamang ito sa kanya at hindi na rin napigilang ngumiti, dahil alam rin nito kung saan siya paroroon.
Napatigil siya sa pagtakbo palabas nang makita niya ang kanyang ama na nakaupo sa labas ng kanilang masyon habang nagdadyaryo at umiinom ng salabat.
"Ama!" tawag ni Vhanity kay Senyor Hanz.
Napalingon naman si Senyor Hanz at agad niya itong nilapitan upang mahalikan sa pisngi dahan-dahan namang nilapag ni Senyor Hanz ang tasang may salabat sa mesa sabay tiklop sa binabasang dyaryo.
Si ina po?"
"Oh, anak! Napaka aga mo atang nagising? Ang ina mo ay maagang namalengke sa bayan dahil ngayong araw ang bagsakan ng sariwang gulay, prutas, at karne, baka raw magka-ubusan." paliwanag nito ngunit hindi parin nawawala ang pagtataka ni Senyor Hanz sa kinikilos ng kanyang anak at ibinaba niya ng konti ang kanyang antipara upang matingnan ng maayos ang itsura nito, mas lalong kumunot ang noo nito ng makitang pormadong-pormado ito.
"at mukhang may lakad ka ata ngayon ahh." Makahulugang saad nito.
"Aahhh, opo ama balak ko po muna sanang pasyalan ang pinaka dulong parte ng ating hacienda sa pagkat hindi ko pa masyadong nakikita ang parte roon."
"mga trabahador nating magsasaka ang namamalagi roon. Kung sabagay, dapat mo rin makilalang mabuti ang ating mga trabahador upang hindi sila manibaguhan kung sakali mang magpahinga na ako sa pagpapatakbo ng ating lupain." mahabang lintaya ni Senyor Hanz.
"Ama naman! Huwag ka magsalita ng ganyan."
"Ohh siya-siya saka na natin pag-usapan ito paghanda kana, sa ngayon ay kilalanin mo muna ang mga trabahador natin at pag-aralang mabuti ang ating nagosyo."
"O-opo ama." iyon na lamang ang nasambit ni Vhanity
Isang dapit hapon ay may dumayong magsasaka sa mansyon ng mga Monteverde, hindi upang magbigay balita sa ani kundi balita sa namumuong pagtitinginan nila Jade at ng kanilang anak na si Vhanity.
Nang malaman ng mag-asawang Monteverde na nagkakamabutihan na ang kanilang anak sa isang magsasaka ay agad na namuo ang halo-halong emosyon para sa kanilang anak, galit dahil sa pagkakagusto nito, takot na baka dahil dito hindi na sila muli pang susundin ng kanilang anak, kaba na baka pipiliin nito ang magsasaka kaysa sa mga magulang nito.
"Hindi maaring magkagusto ang unicaija natin sa isang hampas lupang magsasakang iyon!" galit na sabi ni Senyor Hanz habang nakakuyom ang mga kamay at pabalik-balik ang lakad.
"Huminahon ka Hanz, nauunawaan kita dahil siya lamang ang ating nag-iisang anak na magmamana ng ating mga ari-arian na iningatan natin sa matagal na panahon" ani Senyora Sharifa.
"Dapat na tayong gumawa ng hakbang upang matigil na ang kahibangan ng ating anak sa hampaslupang magsasakang iyon, kailangan na nating ipakasal ang ating anak sa tulad rin nating edukado at may sinasabi sa buhay!" ani Hanz.
"Ayokong mapariwara ang ating anak dahil lamang sa isang magsasaka, alam kong hindi sanay ang ating anak sa hirap ng buhay dahil lagi niyang nasusunod ang kanyang mga luho, at alam ko kung sino ang magpupuno nun, si Samosa Martinezo, ang isa rin sa mga edukado, may pinag-aralan, disente, at may sinasabi sa buhay. Alam kong matagal na itong nanliligaw sa ating anak" mahabang pahayag ni Senyora Sharifa na prenteng nakaupo sa kanilang mamahalin nilang sopa.
"Hayaan mo at kakausapin ko rin ang mag-asawang Martinezo para sa kasal sa lalong madaling panahon!" mariing saad ni Senyor Hanz.
BINABASA MO ANG
Nightmare
Short StorySimple lang ang gusto ni Vhanity at Jade, ang pagtanggap na inaasam nila ngunit mauuwi ba sa magandang wakas ang pag-iibigan nila o mauuwi na lamang ito sa isang trahedya na magdadala sa kanila sa isang bangungot na habambuhay nilang hindi matatakas...