Hindi na nagdalawang isip ang mag-asawang Martinezo na sabihin kay Vhanity ang desisyon nila rito.
Kaya't ipinatawag ni Sharifa ang isa sa mga katulong nila na palabasin si Vhanity sa kanyang silid upang makausap nila ito.
"Senyorita!" tawag ni Wilsanne.
"Ano ayon?!!!" tamad na tugon ni Vhanity sa katulong.
"Paumanhin po pero pinapatawag po kayo nila Senyor at Senyora, may mahalaga daw po silang sasabihin sayo." sagot ni Wilsanne.
"Susunod ako paki sabi!"
"Masusunod po Senyorita"
Ilang minuto ay agad naring lumabas si Vhanity sa kanyang silid at dumiretso na sa kanilang engrandeng sala.
Nakita niya ang kaniyang amang prenteng nakaupo sa solong sopa at ang kanya namang ina ay nakaupo sa mahabang sopa habang na abala sa pag-tsa-tsaa.
Marahang umupo si Vhanity sa tabi ng kanyang ina.
Agad na inilapag ni Sharifa ang tasang may tsaa sa maliit na platito nito sa babasaging mesa nang makita ang anak.
"Anak may ipagtatapat kami sayo ng ama mo" mariing sabi ni Senyora Sharifa sa kanyang anak.
"Ano po iyon Mama?" kabadong tanong ni Vhanity sa kanyang ina.
"Ipapakasal ka namin sa anak ni Don Pablo Martinezo na si Samosa Martinezo" naunang sinagot ni Senyor Hanz.
Napatayo si Vhanity sa sobrang gulat dahil sa pagtatapat ng kanyang mga magulang.
"Hindi maaari iyon Mama! Hindi ko siya iniibig!" kuyom ang kamay at galit na sabi ni Vhanity.
"Ngunit iyon ang makabubuti sa iyo anak!" pabalik na sagot ni Senyora Sharifa.
"Hindi Mama,sarili niyo lamang ang iniisip niyo!"sabi ni Vhanity.
"Vhanity!!!" galit na sigaw ni Senyor Hanz.
Sobrang sama ng loob ang naramdaman ni Vhanity para sa kanyang mga magulang sapagkat hindi niya akalaing magagawa ito sa kanya ng kanya mismong mga magulang.
Hindi nito pinansin ang pagtawag sa kanya ng magulang at dire-diretso niyang tinakbo ang kanyang kwarto habang nag-uunahang lumabas ang kanyang mumunting mga luha.
"Vhanityy!"
BINABASA MO ANG
Nightmare
Short StorySimple lang ang gusto ni Vhanity at Jade, ang pagtanggap na inaasam nila ngunit mauuwi ba sa magandang wakas ang pag-iibigan nila o mauuwi na lamang ito sa isang trahedya na magdadala sa kanila sa isang bangungot na habambuhay nilang hindi matatakas...